Kabanata 81: Ang Kuwento (11)

110 13 0
                                    

   Nakarating na sila Hermia sa Kaharian ng Alenua.

   “Magpahinga muna tayo,” wika ni Hermia sa kasamahan.

   Sumangayon ang lahat sa kaniya.

   Tumingala si Hermia sa langit.

   ‘Buhay pa si mama rito, kahit sa kuwento lang sana makita at maka-usap ko siya. Wala akong pakielam kung hindi ito totoo.’

   Magkatabing nakahiga sa malalambot at maliiit na damo sina Eli at Teresa. Medyo malapit sa kanila ang karwaheng sinakyan kanina.

   Lumapit si Hero kay Hermia.

   “Ilang lakad na lang siguro natin at nandoon na tayo kay mama, kinakabahan ka ba?”

   Natawa si Hermia kay Hero.

   “Alam mo ang daan papunta rito, Hero. Dinadalaw mo si mama, tama?”

   Tumawa naman si Hero kay Hermia.

   “Mhm, pero hindi ako lumalapit, nakatanaw lang ako kay mama. Kinakabahan din kasi ako, hahaha!”

   Sabay silang natawa.

   Hindi nila alam kung anong klaseng tao si Heroine pero, nararamdamna at naamoy nila si Heroine na isa itong malumay na tao.

   “Tara, puntahan na natin. Buhatin na lang natin sina Eli at Teresa.”

   Tumango si Hero kay Hermia.

   Naglakad sila palapit kina Eli at Teresa na mahimbing na natutulog.

   Nang astang bubuhatin na ni Hero si Eli, pero, para itong nagigising sa tuwing hinahawakan niya ito.

   Napakamot at napangiti si Hero sa ulo. Tumingin si Hero kay Hermia.

   “Dito muna ako hanggang sa magising ang dalawang bata, nagigising ko sila. Bata pa sila kaya kailangan nila nang mahimbing na tulog.”

   Tumango na lamang si Hermia.

   “Kung ganoon, ma-una na ako. Paaalam.”

   Tumalikod at nagsimula nang maglakad si Hermia.

   Sa paglalakad niya ay nakita niya sa hindi malayuan ang isang babaeng kulay rosas ang kulay ng buhok. Kahit na nakatalikod ito ay kilala iyon ni Hermia.
   “M-ma...”

   Napakagat ng labi si Hermia. Napahinto rin siya sa paglalakad.

   ‘Hindi ko alam kung paano banggitin. Lilingon ba siya kapag tinawag ko siya?’

   Napatigil si Hermia sa pagkagat ng labi at napalitan nang kunot na noo.

   May lalaking naglakad palapit kay Heroine.

   May hawak itong libro.

   Nabasa ni Hermia ang pamagat ng libro.

   ‘The Hero's Sacrifice!’

   Inabot ng lalaki ang libro kay Heroine. Nagtatakang aabutin sana iyon ni Heroine pero mabilis iyon tumalsik sa sahig.

   “Ha...! Ha!”

   Hingal na hingal si Hermia. Tumakbo siya para lang hindi maabot iyon ni Heroine.

   ‘Ang tagal na rin simula noong gumalaw-galaw ako.’

   Inangat ni Hermia ang tingin niya sa mama niya.

   Naka-uwang ang labi ng mama niya habang nakatingin din sa kaniya. Nanginginig ang mga mata nito. Gulat at hindi mga maipaliwanag na reaksyon ang gumuhit sa mukha ni Heroine.

   “Hah... pfft...”

   Napatingin naman si Hermia sa lalaking nagpipigil ng tawa.

   ‘Ang may-akda,’ Hermia.

   ‘Siya ba ang lalaking sinasabi ni mama na nagbigay ng libro kaya nalaman ni mama na magiging kontrabida ako? Hindi ko maintindihan. Maiintindihan ko rin ito.’







HermiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon