Kabanata 26: Ahas At Pusa (2)

455 23 0
                                    

   Eksperto ang mga pusa sa pagnanakaw habang ang mga ahas ay eksperto na palibutin at patayin nang tahimik ang kalaban, hindi makakawala ang mga kalaban sa kamay ng ahas lalo na kung napapalibutan ito. Sikat sa pagiging tahimik pero delikado ang mga pusa at ahas.

   At alam iyon ni Hermia at Hero. Hindi, kahit sino ay alam iyon. Si Alejandro lang ang walang alam dahil hindi naman talaga siya taga rito at ngayon lang siya naka labas sa Gubat ng Kamatayan.

   “Bakit niyo ninakaw ang pagkain namin? Puwede ko naman kayong bigyan kung naghingi kayo sa akin.”

   Sumingasing ang batang ahas at pusa.

   “Malay ba namin.”

   “Hmp.”

   Magsasalita ulit sana si Hermia nang biglang sumulpot ang isang tao sa tabi nila.

   “Malakas ka, hindi ba?” Tinuro nito si Alejandro.

   Natuon ang atensyon ng lahat sa isang lalaki. Kulay puti ang buhok nito at kulay pula naman ang mata nito.

   “Kuya?” saglit na tumingin ang lalaki sa batang ahas.

   “Sino ka? Bakit hindi kita naramdaman?” usyosong tanong ni Alejandro sa lalaki.

   “Wala ka bang alam sa Pangkat ng mga Ahas?” natatawang pabalik na tanong ng lalaki kay Alejandro.

   “Pangkat ng mga Ahas...” manghang salita ni Alejandro.

   “Maglaban tayo,” kaswal na alok ng lalaki kay Alejandro.

   Kuminang ang mata ni Alejandro.

   Nagkaroon ng interesado si Alejandro sa lalaki.

   Masayang lumapit si Alejandro sa lalaki.

   “Ako nga pala si Alejandro. Sige, maglaban tayo,” masayang pakilala at payag ni Alejandro sa lalaki. Inabot niya pa ang kamay niya sa lalaki.

   Walang reaksyong inabot din ng lalaki ang kamay niya.

   “Erik,” maikling pakilala ng lalaki na nagngangalang Erik.

   “Ha...”

   Natatawang hindi makapaniwala si Hero sa nakikita niya. Umiling-iling pa siya bago lumagok ng alak.

   “Sa tingin mo mananalo si Kuya Erik?” tanong ng ahas sa pusa.

   “Ewan, mukhang malakas iyong lalaking itim ang buhok at mata,” sagot naman ng pusa.

   Nasa tabi lang silang apat. Katabi nina Hermia, Hero ang ahas at pusa. Nasa ilalim pa rin sila ng puno.

   Habang sina Alejandro at Erik ay nasa medyo malayo.

   “Magiging maayos kaya?” tanong ni Hermia habang nakatingin nang nag-aalala kay Alejandro.

   Nakita ni Alejandro na nakatingin sa kaniya si Hermia at narinig niya ang tanong nito.

   “Magiging maayos ako!” masiglang sagot ni Alejandro kay Hermia.

   Pero nagkakamali si Alejandro. Hindi nag-aalala si Hermia sa kaniya.

   ‘Magiging maayos kaya? Hindi ba ako masasaktan? Hindi naman siguro aabot dito ang lakas nila, hindi ba?’ tanong ni Hermia sa isip niya habang nag-aalalang nakatingin kay Alejandro dahil nag-aalala siya para sa sarili niya.

   Tumingin siya kina Hero, sa pusa at ahas.

   ‘Sila maproprotektahan nila ng mabilisan ang sarili nila dahil nararamdaman ko na mas malakas sila sa akin. Ako lang ang pinaka mahina rito. Kung malakas lang ang istamina ko...’

   “Puffff!” Nabulunan si Hero habang umiinom siya ng alak.

   Nilapitan ni Alejandro si Erik. Isang suntok lang ang ginawa niya ay tumalsik na agad si Erik.

   ‘Nakakatakot.’ Nakita iyon ni Hero at yumakap na lang siya sa alak niya.

   “Salamat... hu...” Naka hinga ng maluwag si Hermia dahil hindi tumalsik ang katawan ni Erik sa kanila. Hindi siya nasaktan.

  ‘Sobrang bait talaga ni Hermia. Mukhang nag-aalala siya sa akin,’ emosyonal na isip ni Alejandro dahil nakita niyang naka hinga ng maluwag si Hermia.

   Kahit na hindi pa siya napupunta sa mundo na ito ay walang taong nag-aalala sa kaniya. Sa mundong pinagmulan niya ay wala siyang nakitang taong nag-alala sa kaniya.

   Kaya nakakaramdam siya ng saya at lungkot nang makita niya ang pag-aalala sa mukha ni Hermia.

   ‘Hindi ako nasaktan! Handa na sana akong tumakbo kung aabot dito ang lakas ni Alejandro! Nakakatakot!’ Sobrang nag-alala talaga si Hermia para sa sarili niya.

   “Kuya Erik!”

   Nakalapit na ang batang ahas at pusa kay Erik na naka higa sa malayuan.

   Lumapit din doon si Alejandro.

   “Paumanhin na, ayos ka lang?” Nag-aalala sa kaniya si Alejandro.

   “Hahaha...” Tumawa si Erik at tumayo na.

   Nahihirapan pa siya at napapa daing sa sakit.

   ‘Hindi niya ginamit ang buong lakas niya dahil alam niyang mahina ako kaysa sa kaniya.'’ Tumawa pa si Erik dahil din sa iniisip niya.

   “Puwede mo ba sa aking sabihin kung bakit hindi kita naramdaman?”

   Ngumiti siya sa tanong ni Alejandro.

   “Wala ka nga talagang alam. Hahaha.”

   “Malalaman ko kung sasabihin mo.”

   Kanina pa ni Alejandro gustong malaman kung bakit hindi niya naramdaman ang presensya ni Erik kanina noong sumulpot ito.

   “Ang Pangkat ng mga Ahas ay magaling magtago ng presensya at magaling kami sa tahimik na pagpatay,” paliwanag niya.

   Binuhat niya ang batang ahas. Ang kapatid niya.

   “At kaibigan ng mga ahas ang mga pusa dahil may pagkapareho kami.” Binuhat niya rin ang pusa.

   “Wow...” manghang singap ni Alejandro.

   Sa kabilang banda, napapatanong si Hermia sa sarili niya.

   ‘Ano kayang mangyayari kung hindi ako pumasok sa Gubat ng Kamatayan?’

   Magsisi sana nang tuluyan si Hermia kung bakit niya pa tinulungan si Alejandro nang matandaan niyang kawawa rin pala ito. Natandaan niya rin na tinulungan siya nitong makatakas sa mga halimaw noong unang pagkikita nila sa Gubat ng Kamatayan.

   ‘Hindi naman niya siguro ako papatalsikin gamit lang ang kamao niya, hindi ba? Kung hindi lang siya mabilis at malakas ay hindi ko siya isasama para kunin si mama.’ Nagsimula nang mag-alala ng tuluyan si Hermia para sa sarili niya.

   Tumingin si Hero kay Hermia na kalmado lang na parang wala lang sa kaniya ang nakita niyang pagtalsik ni Erik.

   ‘Paano niya nagawang kumalma? Saan niya kaya napulot si Alejandro? Medyo matalino siya para kunin si Alejandro dahil maraming maitutulong ang nakakatakot na lalaking iyon kahit papa-ano.’

   Sa isip ni Hero.

   Hindi talaga kalmado si Hermia sa isip niya, sobrang gulo ng isip ni Hermia.

HermiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon