“Alejandro, Erik, kayo ang magkukunyaring katulong ng dating hari. Johan, alam mo na ang gagawin mo.”
“Kasama ko si Teresa at Eli. Sila ang magiging alaga ko.”
Tapos ng isipin ni Hermia ang plano niya.
‘Sasaksakin namin sa likod ang dalawang matandang iyon.’
Sinunod ng lahat ang utos ni Hermia.
—
“Hmm? Nagpadala sa akin ng mapagkakatiwalaan na katulong si Hermia?”
Tumango si Johan kay Paham, ang dating Hari.
Natawa si Paham at napatango-tango.
‘Akala niya ba magiging reyna ang katulad niyang uto-uto?’
“Sobrang init po ngayon ng panahon. Heto, malamig na tsaa, kamahalan.” May nilapag si Alejandro na tasa sa lamesa ni Paham.
Inabutan ni Erik din si Logan ng tasa.
Ngumiti si Paham at nagpasalamat.
Sabay na ininom nang dalawa ang tsaang malamig.
Sa bawat paglunok ng dalawa ay pinapanood iyon nina Johan, Erik, at Alejandro na may inosenteng ngiti.
Pasimpleng hinawakan ni Alejandro sa bulsa niya ang gayumang nakakapatay na binigay sa kaniya ni Hermia.
Naalala niya kung anong sinabi sa kaniya ni Hermia bago i-abot ito sa kaniya.
“Para makalabas na tayo nang tuluyan sa kuwento. Sa tingin ko ay kailangan nating patayin ang mga kontrabida. Heto, ang gayumang dahan-dahan papatayin ang taong maka-inom nito. Gawa iyan ni Lola, patakan niyo araw-araw ang mga pagkain at inumin ng dalawa na iyon. Mas maganda kung dahan-dahan silang mamamatay, sobrang bait naman kung mabilisang magkamatay, mas maganda kung dahan-dahan para ramdam talaga.”
Pero may isang kinakabahala si Alejandro sa sinabi sa kaniya ni Hermia.
At iyon ang, “Para makalabas na tayo nang tuluyan sa kuwento. Sa tingin ko ay kailangan nating patayin ang mga kontrabida.”
BINABASA MO ANG
Hermia
FantasíaSi Hermia ay naniniwalang walang pakielam sa kaniya ang reyna, ang mama niya. Kaya tinuon na lamang ni Hermia ang atensyon niya sa nanay-nanayan niyang si Grace Villin. Pero noong nahulog siya sa hagdan, nakita niya ang nanay-nanayan niyang...