Sarado at walang ka-tao-tao sa buong Kaharian ng Thelanisus. Nang mabalitaan ng mga mamamayanan na nagdeklara ng digmaan ang Alenua sa Thelanisus, hindi na sila komportableng lumabas ng bahay.
Takot at kawalan ng pag-asa ang mga nararamdaman ng mga tao.
Sinong hindi makakaramdam noon? Pinaka malakas na kaharian ang Alenua.
“Sa tingin mo, makakaligtas tayo sa Alenua?” tanong ng isang mamamayan.
Imbes na kung mananalo ay makakaligtas ang karamihan tinatanong ng mga mamamayan sa isa't isa.
“Hindi ko rin alam,” walang pag-asang tugon din ng isang mamamayan.
Dahil ayaw lumabas ng mga mamamayan sa mga bahay nila. Hinahatiran na lamang ng mga pagkain sila ng mga nagpapatakbo ng mga bawat teritoryo.
“Ang lamig ngayon ng panahon,” komento ni Hermia habang nakasilip sa bintana.
Umuwi agad siya sa Thelanisus galing Hearth.
Isang linggo ng naghahanda ang Alenua at Thelanisus sa nalalapit na digmaan.
Hinihintay na lang kung sino ang unang gagalaw at kung sinong unang lulusob.
“Ngayong iniisip ko, wala pa lang kuwenta ang pagdeklara ng digmaan sa amin ng Alenua. Nang dahil lang hindi namin pina-alam sa kanila na tutungo kami sa kaharian nila? Pakiramdam ko hindi iyon ang dahilan nila. Gusto lang ba nila ng digmaan?”
Napasuklay sa buhok si Hermia sa yamot.
‘Hindi ko alam... basta ang alam ko ay gago at putangina ang mga Amos.’
Naalala ni Hermia ang atraso ng mga Amos sa Reyna ng Hearth. Nabasa niya iyon sa The Hero's Sacrifice noong nagtago si Hero sa palasyo ng Hearth dahil balak siyang patayin ni Hermia sa libro. Pero hindi napuntahan ni Hermia ang palasyo ng Hearth dahil hindi makalabas si Hermia sa gubat. Kailangan munang hanapin ni Hermia ang mga nagnakaw sa mga gamit at pagkain niya.
“Napaka bobo ko talaga sa loob ng kuwento,” komento ni Hermia sa Hermia sa kuwento.
‘Ako ba talaga iyong Hermia sa kuwento?’
May kumatok sa pinto.
“Pasok.”
“Mahal na Prinsesa, pinapatawag po kayo ng kamahalan,” magalang na wika ni Johan pagpasok niya pa lang.
Tumango si Hermia.
—
Pagpasok ni Hermia sa personal na opisina ng hari ay nakita niya si Hero.
Lumingon sa kaniya si Hero at nagtatanong ang mga mata nito.
‘Anong ginawa mo?’
Ngumiti lang siya sa kakambal.
“Hermia,” seryosong tawag sa kaniya ni Liam.
“Anong ginawa mo?” tanong pa nito.
‘Mukhang nabalitaan na ni Papa.’
“Humingi ako ng suporta sa Kaharian ng Hearth. Bakit? Dumating na ba ang suporta natin?”
Masaya ang tono ng boses ni Hermia.
Bumuntong hininga si Liam at Hero.
Tumayo si Liam sa kinauupuan at binuksan ang malaking bintana.
Nakita nila sa labas ng bintana ang nagraramihang kawal at kabalyero. Ang pinaka importante sa lahat ay ang mga salamangkero at salamangkera.
Dumating na ang suporta ng Hearth.
“Ha.”
Hindi maiwasang mapasinghap nang natatawa at namamangha si Hermia.
‘Napakabuting tao talaga ng Reyna ng Hearth.’
BINABASA MO ANG
Hermia
FantasySi Hermia ay naniniwalang walang pakielam sa kaniya ang reyna, ang mama niya. Kaya tinuon na lamang ni Hermia ang atensyon niya sa nanay-nanayan niyang si Grace Villin. Pero noong nahulog siya sa hagdan, nakita niya ang nanay-nanayan niyang...