"Bakit ngayon ka lang dumating?"
Ngumiti si Mago.
"Nahuli ako, ehehe."
"Nakita ko si Alejandro... magkapareho kayo ng kulay ng mata at buhok," wika pa ni Mago habang nakatingin sa hitsura ng lalaki.
Itim na mata at buhok.
Ngumisi ang lalaki, tanging matang itim at labi lang ang kita sa kaniya dahil sa maskara.
"Nandito na ang mga tauhan."
Nagtaka si Mago sa sinabi ng lalaki.
Binuksan ng lalaki ang mahiwagang libro at nilapag iyon sa sahig.
Maraming mga misteryosong tao ang lumabas sa libro.
"Kahit na sobrang hihina niyo ay may pakinabang pa rin naman kayo," wika niya habang pinapanood lumabas ang mga misteryosong tao sa libro isa-isa.
"Nauubos ba sila?" usyosong tanong ni Mago sa lalaki.
"Tignan mo ng mabuti ang libro, mapapansin mo na numinipis ang libro," sagot sa kaniya.
'Ha... hindi ko alam kung oo o hindi ba ang sagot niya, ah, baka oo? Pero kung numinipis nga nang dahil nga sa mga lumalabas na tao... ibig sabihin ay mauubos talaga? Kapag naubos ang pahina... ibig sabihin din ay wala ng lalabas na tao?' tanong at salita ni Mago sa isip.
'Sobrang hihina pa naman ng mga lumalabas, mas malakas pa nga yata si Hermia kaysa sa kanila. Paano tayo niyan mananalo?' reklamo ni Mago sa isip.
"Kapag alam niyong nahuli kayo o natalo ay magpakamatay na lang kayo," malamig na wika ng lalaki sa mga misteryosong tao.
Pinulot niya ang librong nakabukas sa sahig at sinarado.
"Isa lang naman kayong gawa-gawa at hindi kayo totoong buhay. Hindi kayo totoong tao." Pagkatapos niyang sabihin iyon sa mga misteryosong tao ay ngumiti siya.
Tama siya, ang mga misteryosong taong lumabas sa mahiwaga niyang libro ay gawa-gawa at hindi totoong buhay. Kaya ano naman kung mamatay sila? Eh, hindi naman talaga sila buhay sa simula pa lang. Ang mararamdaman na emosyon lang ng mga misteryosong tao ay takot at tuwa. Kapag nakaramdam sila ng takot ay magpapakamatay sila. Ang tuwa naman ay natutuwa silang mamatay.
'Tae, mabuti na lamang at totoo ako. Hindi ako kasama sa mga lumabas na tao sa mahiwagang libro.'
Tama rin si Mago, kahit na ang tawag sa kaniya ay misteryosong salamangkero ay hindi siya kasama sa mga misteryosong taong lumabas sa mahiwagang libro.
'Hindi ako lumabas sa mahiwagang libro, kung hindi ay lumabas ako sa sinapupunan.'
"Anong meron?"
Dumating na si Atlas Amos, ang Prinsipe ng Alenua.
"Nandito na ang mga tauhan," wika ng lalaki kaya nagtaka ang hitsura nina Atlas at Mago.
"Kailangan ko silang salubungin." Ngumiti ang lalaki.
"Lusob," utos niya sa mga misteryosong tao.
Mabilis gumalaw ang mga misteryosong tao para gawin ang utos.
"Sinasabi mo bang nandito sila Alejandro?" gulat na tanong ni Mago.
Tumango ang lalaki.
"Paano nila nalaman na nandito tayo sa Gubat ng Kamatayan?" tanong naman ni Atlas.
Hindi sumagot ang lalaki.
Iniwanan ng lalaki ang dalawa para sumunod sa mga misteryosong tao.
BINABASA MO ANG
Hermia
FantasySi Hermia ay naniniwalang walang pakielam sa kaniya ang reyna, ang mama niya. Kaya tinuon na lamang ni Hermia ang atensyon niya sa nanay-nanayan niyang si Grace Villin. Pero noong nahulog siya sa hagdan, nakita niya ang nanay-nanayan niyang...