kabanata 9: Nakaraan (9)

1.5K 52 0
                                    

   Bakit parang may kakaiba?

   Tinitigan ko lalo nang mabuti si Binibining Grace.

   Namumula ang mukha niya at nakakunot din ang kaniyang mga noo. Napakagat siya ng labi bago niya inangat ang ulo niya at ngumiti na parang walang nangyari at nagsalita.

   “Binibining Dinah, masyado ka naman yatang naniniwala sa kuwento-kuwento lamang. Gusto kong ipaliwanag sa iyo na nagsasaya ako sa piging kaya nakangiti ako. Kailangan ko bang ikunot ang noo at sumimangot? Nandoon pa naman ang mahal na prinsipe at ang mahal na hari.”

   Napatigil sa pagtawa ang mga babae habang si Binibining Dinah ay lalong lumakas ang tawa.

   “Hahaha! B-binibini—hahaha!”

   Halos mapa-iyak pa siya at napahawak na siya sa kaniyang tiyan.

   “Ha...”

   Buntong hininga niya at huminga nang malalim.

   Nakangiti siyang tumingin kay Binibining Grace.

   “Nagbibiro lamang ako, Binibining Grace. Hindi ako dumalo dahil masyado akong nasarapan sa pagtulog ko. Hehe.”

   Hindi ko maintindihan ang babaeng nag-ngangalang Binibining Dinah.

   Hindi ko siya nakita bago mangyari sa akin itong kakaibang pangyayari. Hindi katulad ng ibang mga babaeng nandito, nabasa ko sa mga libro ang mga pangalan at impormasyon ng mga babaeng kandidato na nandito noong nag-aaral ako.

   Wala akong naalalang nag-ngangalang Binibining Dinah noong kinakabisado ko ang ilang mga pamilya. Wala ring binanggit ang Maestra ko.

   Bumukas ang pinto at may pumasok na babaeng may malakas na dating. Mala chokolate ang kulay ng buhok at mata nito.

   Huh?

   Maestra?

   Matanda na ang hitsura ng Maestra ko, pero rito mukha pa siyang bata. Medyo bata nga lang. Matanda pa rin siya dito kaysa sa mga babaeng nandito na hindi lalayo sa edad ni Mama.

   Nagtama ang tingin niya at ni Binibining Dinah.

   Nanlaki ang mata ni Binibining Dinah.

   “A-ahm...”

   Hindi niya alam kung anong sasabihin niya kay Maestra.

   “Ano na namang ginawa mo?” seryosong tanong ni Maestra sa kaniya.

   “N-nagsasaya. Ha-ha-ha!”

   Pati pagtawa ay nahihirapan siya.

   “Kaya ba mas nauna ka sa aking pumunta rito ay para manggulo sa mga kandidato?!”

   Napa talon pa ang iba sa gulat dahil sa nakakatakot na sigaw ni Maestra.

   Tama, nakakatakot talaga si Maestra. Kahit na nagtuturo siya sa akin ay istrikto at mahigpit siya sa akin tuwing nagtuturo siya. Ah, istirikto at mahigpit pala siya sa aming dalawa ni Hero. Nakalimutan ko na naman na may kakambal ako.

   “Paumanhin, Maestra! Sadiyang bobo at tanga ako! Hindi ko iniisip ang pakiramdam ng ibang tao kapag ginagamit ko ang magaspang kong dila! Ang dapat sa akin ay putulin ang dila!”

   Yumuko siya para magbigay galang kay Maestra.

   Ah... tama rin naman siya sa sinabi niya sa sarili niya.

   Bumuntong hiningang nakatitig si Maestra kay Binibining Dinah na naka yuko bago magsalita.

   “Lumayas ka muna sa silid na ito at pumunta ka sa mga lugar na kailangan mong puntahan para kunin ang kailangan ng mga kandidatong babae,” utos nito at mabilis tumango si Binibining Dinah.

   “Opo! Masusunod!”

   Lumabas agad siya pagtapos niyang sabihin iyon.

   “Ha... ang babaeng iyon talaga napaka—”

   Itutuloy na sana ni Maestra ang sasabihin niya pero napa tigil siya.

   “Nandito na ba ang lahat?”

   Tinignan niya isa-isa ang mga babae.

   Sandali naman  akong tumingin sa nilabasang pinto ni Binibining Dinah.

   Kung ganoon ay hindi siya isa sa mga kandidato?

   Hmm...

   Ah! May binanggit sa akin si Maestra habang nagtuturo siya,   《“May tinatago ka rin palang ka-gaspangan na dila, mahal na prinsesa. Naalala ko tuloy ang aking naging istudyante, may ka-gaspangan na dila rin siya. Ayon nga lang, ikaw ay may matalas, magaspang, at matamis na dila. Pero kontrolado mo ang sa iyo at ang babae namang iyon ay walang kontrolado. Hay... ano na kayang nangyari sa babaeng iyon? Naabot niya kaya ang pangarap niya?”》

   Siya siguro ang tinutukoy ni Maestra noong araw ng pag-aaral ko—namin pala ni Hero, noong limang taong gulang pa lang kami ni Hero.

HermiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon