Pinagmasdan ni Hermia ang buong paligid.
Hindi niya makita si Enriquez.
"Eli? Teresa? Ginoong Enriquez?"
Kahit anong tawag niya ay wala siyang naririnig na tugon.
'Nasaan sila?'
Nang tinignan pa nang mabuti ni Hermia ang kapaligiran ay may napagtanto siya.
'Huwag niyong sabihin na nasa nakaraan na naman ako?!'
Nasa tuktok pa rin siya ng bundok kung saan siya ipinunta ni Enriquez. Kaya nga lang ay mas maganda ang bersyon na ito.
Nagsimulang maglakad si Hermia.
Naalarmahan siya nang may marinig siyang takbuhan at sigawan.
"Ang batang iyan ang malas!"
"Pinaglalaruan niya ang kalikasan!"
"Hindi iyan mahika! Isa iyang kapangyarihan ng kasamaan!"
May nakitang batang babae si Hermia. Takot na takot ang mukha nito.
Lumapit ito sa puno at niyakap siya ng mga nagraramihang mga sanga para itago.
"Nasaan na ang bata?" tanong ng mga tao.
'Hindi naman nila ako nakikita, hindi ba?'
Nagtama ang mata ni Hermia at ng matandang babae.
"Binibini!"
Lumapit ito sa kaniya kaya nagulat siya.
'Nakikita niya ako?!'
"May nakita ka bang batang babae?" tanong nito.
Pasimpleng tumingin si Hermia sa punong pinagtataguan ng bata.
"Hindi po," pagsisinungaling niya.
'May koneksyon ang batang iyon sa kalikasan.'
Dismayadong tumango na lang ang matanda.
Lumapit ang matanda sa mga kasamahan nito at nag-usap sila na sa susunod na lamang nila itutuloy ang paghahanap sa bata.
Nang maka-alis na ang mga taong iyon ay lumapit si Hermia sa punong pinagtataguan ng bata.
Kumatok siya roon at malumay na nagsalita.
"Wala na sila, ayos na ang lahat."
Narinig ni Hermia ang mahinang iyak ng batang babae.
"Sinungaling, kapag lumabas ako rito ay ibibigay mo ako sa kanila."
Hindi pinilit ni Hermia ang bata na lumabas.
Umupo si Hermia sa puno at sumandal.
"Bakit ka nila hinahabol?" tanong niya rito.
"Nahuli nila ako."
"Nahuli?"
"Mhm, kaya kong kontrolin ang kalikasan. Nahuli nila akong nagdasal sa pinaka mataas na bundok dito na sana ay umulan at natupad iyon,"
"Nagalit sila dahil ako pala ang laging nagpapa-ulan kaya laging may baha at nakakaperwisyo raw ako. Ilang araw na nila akong hinahabol, kaya lang naman ako lumalabas sa pinagtataguan ko ay dahil gutom na ako."
"Nasaan ang mga magulang mo?" tanong pa ni Hermia.
"Sabi nila ay sumulpot lamang daw ako."
Tumayo si Hermia sa pagkaka-upo. Humarap siya sa puno.
"Habang buhay ka na lamang bang magtatago?"
Dahil sa tanong pa ni Hermia ay dahan-dahan lumabas sa pinagtataguan ang batang babae.
Namumula ang mga mata nito at sobrang payat nito. Kayumanggi ang kulay ng buhok nito at ang mga mata nito ay berde.
"Isa ka bang salamangkera?" Umiling ang batang babae.
"Sa tingin ko mas higit pa ako sa salamangkera."
Namangha at natawa si Hermia sa sagot ng bata.
"Kung ganoon, ano ka?"
Ngumiti ang batang babae kaya ngumiti rin si Hermia, pero nawala agad ang ngiti ni Hermia sa sumunod na sinagot ng batang babae.
"Anak ako ng Diyosa ng Kalikasan."
BINABASA MO ANG
Hermia
FantasySi Hermia ay naniniwalang walang pakielam sa kaniya ang reyna, ang mama niya. Kaya tinuon na lamang ni Hermia ang atensyon niya sa nanay-nanayan niyang si Grace Villin. Pero noong nahulog siya sa hagdan, nakita niya ang nanay-nanayan niyang...