Espesyal Na Kabanata (1)

294 17 0
                                    

    PARALLEL UNIVERSE.

  Sa kaligitnaan ng burol ni Hermia ay nahimatay sina Hero, Johan, Erik, Eli, at Teresa.

   Mabilis na nilapitan sila at tinulungan.

   Pinagpahinga muna sila sa bahay ni Dinah.

  Sabay-sabay din silang gumising na ikinagulat ni Jet na inatasan na asikasuhin sila. 

   “Ang galing! Sabay kayong nahimatay at sabay din kayong gumising!” kumplemento ni Jet sa kanila.

   “Sino ka?” tanong ni Hero.

   “Jet, pamangkin ako ni Tiya Dinah.”

   Sabay-sabay silang napahawak sa ulo nila na mas ikinamangha ni Jet dahil sabay na naman sila.

   “Sabay-sabay din kaya kayong mamamatay?” pabirong tanong ni Jet pero walang pumansin sa kaniya.

   Abala ang lahat dahil medyo sumasakit pa ang ulo nila.

   ‘Pakiramdam ko ay may nakalimutan akong isang bagay... hindi parang maraming bagay,’ iisang isip nila.

   Mabilis tumakas si Alejandro at bumalik sa Gubat ng Kamatayan.

   Nang makapasok na siya sa gubat ay napa-upo siya.

   “Ha... ha... anong ginawa ko? Wala akong maalala. Paano ako nakalabas sa Gubat ng Kamatayan? Wala ba ako sa sarili? Nakapatay pa ako...”

   ‘Pero bakit parang hindi ako nakonsensya sa pagpatay sa dalawang matanda na iyon?’

   Lahat sila walang maalala noong makabalik ang taga ibang sila sa kabilang sansinukob(universe).

   Kahit na walang kaalam-alam si Erik kung paano siya naging katulong sa palasyo ay nagpapasalamat pa rin siya dahil may pangpa-buhay na siya kina Eli at Teresa.

   Bumalik na sila Heroine sa Thelanisus nang magising na si Hermia.

   Hiyang-hiya si Hermia dahil naalala niyang pinuntahan niya si Heroine. Hindi makapaniwala si Hermia na ginawa niya iyon.

   Si Johan at Hero na pakiramdam nila ay may nakalimutan sila, pero kinalimutan na rin nila ang pakiramdam na iyon.

   Ang daming nag-asikaso kay Hermia pagka-uwi niya pa lang.

   Ang daming balita na nagpakamatay si Hermia dahil marami raw galit sa kaniya kaya nakunsensya ang lahat sa kaniya.

   Namatay na rin ang dating hari at ang kanang kamay nito. Maraming dumating para mag-imbistiga pero hindi nila mahanap ang nakapatay.

   “Bakit niyo ako inaayusan?” tanong ni Hermia sa mga katulong na nagsusuklay at tinutulungan siyang mag-suot ng damit.

   “Sabay-sabay po kayong kakain magpapamily,” masayang sagot sa kaniya ng isang katulong.

   Dumating na ang mama ni Liam, si Murin at ang ate nito. Kaya kailangan nilang kumain nang sabay-sabay at magkita. Buong magpamilya.

   Hindi nagtanim ng sama ng loob si Liam sa mama niya dahil iniwanan siya nito. Naintindihan niya ang paliwanag ni Murin sa kaniya, kahit hindi na magpaliwanag dahil ang mahalaga kay Liam ay makita niya ang mama niya sa wakas bago siya mamatay.

   “Ang Reyna Heroine pa po ang nagbigay ng damit na ito sa inyo,” salita naman ng katulong na tinutulungan siya sa damit.

   Namula ang buong mukha ni Hermia sa kahihiyan.

   Hindi siya sanay na lumapit sa kaniya ang mga tao dahil hindi siya masyadong nilalapitan, iniiwasan pa nga siya, eh.

   ‘Siguro dahil daw na nagpakamatay daw ako kaya lumalapit na sila sa akin. Pero tanga ba ako para magpakamatay?!’

   Umalis na ang mga katulong.

   Lumabas na si Hermia sa kuwarto.

   Sa bawat makakasalubong niya ay binabati siya.

   Nahihiya siya. ‘Pakiusap, huwag niyo akong pansinin!’

   Mabilis na tumakbo si Hermia at iniiwasan niyang makasalubong ng mga tao.

   Medyo nahihirapan pa siya dahil nakasuot siya ng mahabang damit o daster, maraming palamuti at puti ang kulay.

   Takbo lang siya nang takbo at nagulat siya ng may humigit sa braso niya bago siya makapasok sa Gubat ng Kamatayan.

   “Eh?” Nagtatakang lumingon siya sa taong humigit sa kaniya.

   Isang lalaking kulay itim ang mga mata at buhok.

   “Mamamatay ka kapag pumasok ka sa gubat na iyan,” babala sa kaniya nito.

   Napatingin siya sa gubat na ilang hakbang na lamang ay makakapasok na siya.

   Bumalik ang atensyon niya sa lalaki at nagsalita, “Tama ka nga, ako nga pala si Hermia. Ikaw?”

   Binitawan ng lalaki ang braso niya at nagpakilala rin, “Alejandro ang pangalan ko.”

   Ngumiti sila sa isa't isa.

   Ang bagong simula sa kabilang sansinukob.

  


HermiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon