Umalis na sina Harper, Parker, at Taylor sa Bundok ng Kagandahan dahil wala naman silang nagawa. Pero kahit ganoon ay naaliw sila sa labanan. Lalo na bugbug na bugbug sarado talaga ang mga pangkat kila Alejandro.
Maraming mga tao sa Teritoryo ng Belmonte ang nagtatanong kung anong nangyari sa Bundok ng Kagandahan dahil napansin nila na ma-ingay at may mga dumating na mga kawal, kabalyero. Nagsinungaling si Enriquez na may inaayos lang. Ayaw niyang sabihin kung ano talaga ang nangyari, hindi niya gustong matakot para sa kaligtasan ang mga tao sa teritoryo niya.
Umayos na rin ang lahat at pinarusahan ni Agustin ang mga pangkat na nanggulo. Dahil galing sa Kaharian ng Pershia ang mga pangkat ay responsibilidad niya ang mga ito, dahil siya ang hari.
Dito na rin naninirahan sa Teritoryo ng Belmonte ang Pangkat ng mga Kuneho at Asong Lobo dahil dito, hindi sila di-ni-diskriminasyon ng mga tao.
‘Wala na ang may-akda o si Davino o kaya naman ang dating Diyos ng Kapalaran. Wala na ang mga nanggugulong mga tao. Payapa na ang lahat, sobrang saya,’ masayang salita ni Hermia sa isip niya habang nakahiga sa ilalim ng puno.
‘Walang digmaan, wala talaga, sobrang payapa ng lahat.’
Pero kahit ganoon...
“Hoy! Anong ginagawa mo pa rito?! Hindi ba ikaw ang nakipagdigmaan kila mama?!” bulyaw ni Dayang kay Atlas na hindi siya pinapansin.
Patuloy lang ang makikipagkuwentuhan ni Atlas kila Alejandro.
Wala siyang pakielam kahit na sinasabunutan, sinisipa sa paa, sinusuntok sa balikat siya ni Dayang.
Bumuntong hininga si Hermia at hinila palayo si Dayang kay Atlas.
“Dayang, puwede mo ba akong gawan ng magandang mga halaman? sa tapat ng kubo ko para tuwing umaga ay sobrang ganda ng umaga ko.”
Masayang tumango si Dayang at kumaripas nang takbo para sundin ang pinagawa ni Hermia.
Nang umalis na si Dayang ay nagtanong at nagsalita si Hermia kay Atlas, “Kailan ka babalik sa Alenua? Maraming gagawin ang katulad mong susunod na hari, ah.”
Pinansin siya ni Atlas, “Kapag gusto ko. Tinatamad pa ako.”
Napa-iling-iling si Hermia sa tugon ni Atlas.
“Oo nga pala Hermia, hindi ka na ba babalik sa palasyo?” nagtatakang tanong ni Hero kay Hermia.
“Puwede naman akong bumisita roon kahit anong gusto ko,” tugon ni Hermia.
Humangin nang malakas.
Napangiti ang lahat ng ating mga bida.
Masaya talaga kapag payapa ang lahat at walang mga pa-epal na tao.
...At namuhay silang lahat ng masaya at payapa.
Wakas.
BINABASA MO ANG
Hermia
FantasySi Hermia ay naniniwalang walang pakielam sa kaniya ang reyna, ang mama niya. Kaya tinuon na lamang ni Hermia ang atensyon niya sa nanay-nanayan niyang si Grace Villin. Pero noong nahulog siya sa hagdan, nakita niya ang nanay-nanayan niyang...