Kabanata 98: Labanan? (4)

130 13 0
                                    

   “Umalis si Hermia kahit kakagising niya pa lang?” gulat na tanong ni Hero kay Amari.

   Tumango si Amari habang ginagabayan si Nori na gumawa ng gayuma.

   “Hindi marunong magpahinga,” komento ni Erik.

   “Gusto kong malaman kung bakit siya ang huling gumising, kung anong nangyari sa kaniya,” ani naman ni Alejandro.

   Natawa si Amari sa sinabi ni Alejandro.

   ‘Nararamdamna kong may koneksyon ang mga Diyos at Diyosa sa pangyayari na iyon.’

   Nakasimangot sa isang sulok si Dayang habang pinapanood sina Eli at Teresa na mag-ensayo.

   ‘Dapat sinama ako ni mama... sobrang hina pa naman ni Ginoong Enriquez pero siya pa iyong sinama. Ha...’

   Umalis na agad si Hermia sa bahay ni Aragon nang matapos na niyang makuha ang mga importanteng impormasyon.

   ‘Nagawa na ba ni Enriquez ang pinapagawa ko sa kaniya sa Pershia? Kasi kung hindi pipigilan ng Kaharian ng Pershia ang mga pangkat na nagmula sa kanila, ang mga pangkat na nanggugulo sa parte ng Thelanisus, baka magkaroon na naman ng digmaan.’

   ‘Ang mga walang kuwentang digmaan ang pinaka-ayoko sa lahat. Pero kung gusto ng Pershia ng walang kuwentang digmaan, bakit hindi. Subukan lang talaga nilang magyaya ng ganoon.’

   Huminto muna si Hermia sa bahay tuluyan.

   Dito sila magkikita ni Enriquez.

   Humiga si Hermia sa higaan, pero mabilis siyang bumangon dahil napagtanto niya na lagi na lamang mahaba ang pagtulog niya.

   ‘Hindi ba ito masama sa katawan ko? Senyales na ba nito na mamamatay ako?’

   Lumabas na lamang si Hermia.

   Naggala-gala siya sa siyudad.

   Natawa at huminto muna siya nang madaanan niya ang mga pader na may nakadikit na pangalan at mukha ni Mago.

   ‘Kawawang lalaki, ayan ang mangyayari sa mga taong pa-epal,’ kutya niya sa isip niya.

   “Ang galing, ang saya ba sa pakiramdam?” tanong ng taong sumulpot sa tabi niya.

   “Oo, ikaw? Masakit ba sa pakiramdam na inabandona ka ng may-akda?” balik tanong niya sa taong sumulpot na lang basta-basta sa tabi niya.

   “Hahaha.”

   Tumawa na lang ang sinagot sa kaniya ni Atlas.

   “Bakit ka nandito sa labas ng palasyo?” Napansin ni Hermia na patago na lumalabas ng palasyo si Atlas dahil iniba nito ang buhok at kulay ng mata nito.

   “Walang dahilan.”

   Sandali silang tumahimik.

   “Magkakaroon ba ng digmaan ang Thelanisus at Pershia?” tanong na naman ni Atlas.

   “Digmaan?”

   “Mhm, napapansin ng ibang pinuno ng mga bawat teritoryo sa mga kaharian na parang may kakaiba sa Teritoryo ng Belmonte.”

   ‘Kasalanan iyon ni Davino, eh. May inutos siya sa mga pangkat. Hindi ba nagtataka ang mga pangkat na iyon na inabandona na sila ni Davino. Hindi marunong gamitin ang utak. Halata namang hindi na nagpapakita sa kanila si Davino, eh. Tapos susundin pa rin nila ang binilin na utos ni Davino? Tsk, tsk.’

   “Hindi ko sasabihin sa iyo, noong nakaraan lang nagkaroon ng digmaan ang Alenua at Thelanisus.”

   “Ganoon ba? Sige, ma-una na ako.”

   ‘Mabuti at marunong ka ng umintindi,’ komento ni Hermia habang pinapanood maglakad paalis si Atlas sa tabi niya kanina.

   Bumalik na si Hermia sa bahay tuluyan.

   ‘Ang tagal naman ni Enriquez.’

   Nakatulog si Hermia kakahintay kay Enriquez.

   Nagising na lamang siya nang may taong kumakatok sa kuwarto.

   Binuksan niya ang pinto at sumalubong sa kaniya ang mabanal at inosenteng mukha nina Enriquez at Agustin.

   ‘May kulang, kapag sinama rin dito si Alejandro at pinagtabi silang tatlo ay napakaperpekto nang tignan.’

  

HermiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon