Kabanata 76: Ang Kuwento (6)

113 13 0
                                    

   “Anong nangyayari, Hermia?” nalilitong tanong ni Hero.

   Mabilis hinigit ni Hermia si Hero papunta sa walang katao-tao na lugar.

   Dahil sa ginawa ni Hermia ay maraming napatingin at nagsimulang mag-alala kay Hero.

   ‘Ano na naman kaya ang gagawin niya sa Prinsipe Hero?’

   ‘Nako naman.’

   ‘Kawawang Prinsipe.’

   Susunod sana ang mga katulong kila Hermia pero mabilis silang hinarangan ni Johan. Bumalik ulit si Johan para tignan kung anong nangyari.

   “Maraming mga gawain kaya anong pinaggagawa niyo?” seryoso niyang tanong sa mga ito.

   Nagtaka ang mga katulong dahil lagi sa kanilang sinasabi ni Johan na kailangang bantayan nila ang Prinsipe dahil baka kung anong gawin ng Prinsesa rito.

   ‘Ha... ano bang nangyayari? Nagising na lang ako nasa palasyo na ako,’ Johan.

   “Nasa loob tayo ng kuwento!” malakas na pabulong ni Hermia kay Hero.

   “Eh?! Kaya pala ganoon ang trato sa iyo ng mga tao rito!”

   Tumango si Hermia kay Hero.

   Si Hermia sa kuwento ay laging iniiwasan ng mga tao. Natatakot ang mga tao na maging Reyna siya ng Thelanisus. Sa tuwing iniisip nila na magiging reyna si Hermia ay isang mapagmalupit na pamumuno ang magagawa nito.

   “Kailangan kong puntahan si Alejandro sa Gubat ng Kamatayan,” salita ni Hermia. Maglalakad na sana siya pero pinigilan siya ni Hero.

   “Nasa kuwarto ko si Alejandro,” Hero.

   “Talaga? Kung ganoon, magaling. Tara,” Hermia.

   Dumating na si Hermia at Hero sa kuwarto.

   “Anong gagawin natin?” mahinang tanong ni Erik pagkapasok pa lang nina Hero at Hermia.

   Alam na rin nila na nasa loob sila ng The Hero's Sacrifice.

   Huling dumating si Johan na seryoso ang mukha.

   Nagsalita ito, “Buhay ang dating hari at ang kanang kamay nito.”

   Natawa si Hermia dahil sa pagkamangha at inis, dahil nasa loob sila ng kuwento at buhay ang dalawa.

   “Ano bang ikinamatay nila?” usyoso namang tanong ni Hero.

   Wala pa rin kasi nakaka-alam ng ikinamatay ng dating hari at ang kanang kamay nito.

   “Ako ang pumatay sa kanila at mukhang papatayin ko na naman sila. Ha...”

   Ang daming nagulat sa tugon ni Hermia sa tanong ni Hero.

   Nagsimula silang maraming itanong kay Hermia.

  

HermiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon