“May dinalang binata si Hermia?” tanong ni Liam sa kanang kamay niya.
“Opo, kamahalan.”
Komportableng sumandal si Liam sa kina-uupuan.
“Anong pangalan ng lalaki?”
“Alejandro, kamahalan.”
Tumingin si Liam sa katabi ng kanang kamay niya.
Ang katulong na nag-asikaso kay Alejandro.
“Sabihin mo sa akin ang mga bawat galaw ng nagngangalang Alejandro,” wika ni Liam sa lalaking katulong.
“Masusunod, kamahalan.”
Pinaalis na ni Liam ang katulong.
—
“Anong plano mo?” tanong ni Hero kay Hermia.
“Ipapahanap ko kay Alejandro si Binibining Dinah sa Kaharian ng Alenua,” simpleng sagot ni Hermia.
Kinuha ni Hermia ang tasa sa lamesa at uminom bago binalik ulit ito sa lamesa.
“Nabalitaan mo na bang namatay na si mama?”
Tumawa si Hero at tinaas niya ang boteng alak na nasa lamesa.
“Kaya nga ako naglalasing at nandito, eh.”
“Pero bakit mo naman ipapahanap si Binibining Dinah?” usyosong tanong ni Hero.
“Tinatanong pa ba? Nandoon ang libingan ni mama at kaya ko pinadala si Alejandro roon dahil mas mabilis pa siyang makakapunta kaysa sa mga ipapadala nila papa. Malakas ang lalaking iyon. Gusto kong kunin niya ang bangkay ni mama at dalhin dito. Dito ililibing si mama. Si Binibining Dinah ang nakaka-alam kung saan naka libing si mama.”
“Oh... sigurado kang mas mauuna si Alejandro kaysa sa mga ipapadala ni papa?”
Tumango si Hermia. “Mabilis tumakbo ang lalaking iyon, mga... siguro tatlong araw ay nandoon na siya sa Kaharian ng Alenua.”
Napasinghap na lang si Hero dahil sa tiyak na sagot ni Hermia.
‘Natatandaan ko kung paano ako binuhat ni Alejandro sa Gubat ng Kamatayan at kung gaano siya kabalis. Kasing bilis niya ang kidlat.’
Medyo tumayo ang balahibo ni Hermia sa batok tuwing naalala niya iyon.
“Kaya ko rin uunahan si papa dahil mainipin akong tao ngayon. Mabagal ang ipapadala ni papa pero ang mga iyon lang ang pinaka mabilis na tauhan ni papa. Iyon nga lang, mas mabilis pa sa kanila si Alejandro,” wika pa ni Hermia.
“Sasama ako kay Alejendro.”
Nagtaka ang mukha ni Hermia dahil sa sinabi ni Hero.
“Napaka misteryosong tao ng lalaking iyon.”
Sumang-ayon si Hermia sa pangalawang sinabi ni Hero.
“Naamoy ko na sobrang lakas niya.” Niyakap at hinawakan nang mariin ni Hero ang bote ng alak dahil sa pagtayo nang mga balahibo sa buong katawan.
“Nararamdaman kong nakakatakot at may kakaibang awra sa kaniya.” Napa-inom naman si Hermia ng tsaa para pakalmahin ang nanlalamig na katawan.
‘Hindi ko maiwasang mag-imahinasyon na tumatakbo nang mabangis at mabilis si Alejandro para lang maka punta sa Kaharian ng Alenua.’ Lalong nanlamig ang buong katawan ni Hermia dahil sa iniisip.
Nang dahil pag-uusap ng kambal ay hindi sila makatulog ng maayos dahil binabangungot sila kung gaano nakakatakot si Alejandro.
BINABASA MO ANG
Hermia
FantastikSi Hermia ay naniniwalang walang pakielam sa kaniya ang reyna, ang mama niya. Kaya tinuon na lamang ni Hermia ang atensyon niya sa nanay-nanayan niyang si Grace Villin. Pero noong nahulog siya sa hagdan, nakita niya ang nanay-nanayan niyang...