“Ayaw mo bang bumalik sa totoong mundo mo? Baka nag-aalala na sa iyo ang mga taong naghihintay sa iyo.”
‘Hindi binanggit sa kuwento ang mga pamilya ni Alejandro. Pero sigurado akong meron siya dahil mukhang lumaki siyang mabuting tao.’
Tahimik na nakikinig ang lahat kay Hermia dahil sa sinabi at tinanong niya bigla kay Alejandro.
“Wala na akong magulang. Namatay sila dahil sa kalikasan,” simpleng sagot ni Alejandro.
Napa-awang ang labi ni Hermia.
Naintindihan ng lahat ang ibig sabihin noon. Namatay ang pamilya ni Alejandro dahil sa bagyo o ano mang konektado sa kalikasan.
“Ayoko ng bumalik. Mas gusto ko dito. May mga kaibigan ako dito,” masaya pang wika ni Alejandro.
‘At bagong pamilya.’
Ibinulong na lang ni Alejandro ang bagay na iyon sa isip niya.
Hindi rin maiwasan ng lahat na nasa kuwartong mapangiti.
‘Hindi na ako nagtaka kung bakit siya naging isang bida sa kuwento,’ Hermia.
Hindi nabanggit sa kuwento na ulila lang si Alejandro. Noong walong taong gulang siya ay namatay ang mga magulang niya dahil sa bagyo.
At sa totoo niyan ay hindi nagandahan si alejandro sa kuwento. The Hero's Sacrifice.
‘Mas maganda pa ang mga nabasa kong fantasy novels bago ako napunta dito sa mundo na ito, sa totoo lang.’
‘Pero... sino ang taong nagpunta sa akin sa mundo na ito?’
Isang tanong ang gustong masagot ni Alejandro.
Sa kabilang banda.
“Sinasabi mo bang... magkasama ang kontrabida at ang bida?”
“Nakita ko silang magkasama at mukhang malapit sila sa isa't isa. At saka, iyong inutos mo sa akin kung buhay pa ba ang dating Hari ng Thelanisus at ang kanang kamay nito... ang sagot ay, matagal na silang patay.”
“Oh... hahaha! Tanginang kuwento 'to! Anong nangyari sa The Hero's Sacrifice?! Bakit magkasundo ang villain at hero?! Sinong mga peste ang sumira sa ginawa kong kuwento?!”
Sa galit ng lalaki ay binato niya ang librong hawak niya.
Pinulot iyon ni Atlas Amos, ang Prinsipe ng Alenua.
“Anong plano mo?” mahinang tanong ni Atlas habang nakatingin sa pinulot na libro.
“Burahin ang mga tauhang hindi sumusunod sa takbo ng kuwento.”
BINABASA MO ANG
Hermia
FantasySi Hermia ay naniniwalang walang pakielam sa kaniya ang reyna, ang mama niya. Kaya tinuon na lamang ni Hermia ang atensyon niya sa nanay-nanayan niyang si Grace Villin. Pero noong nahulog siya sa hagdan, nakita niya ang nanay-nanayan niyang...