Kabanata 92: Davino (5)

114 12 0
                                    

   “Alam mo na kung sino ang dating Diyos ng Kapalaran o ang may-akda, hindi ba?”

   Tumango si Hermia.

   “Mhm, siya si Davino. Nasa alaala siya ng may-ari ng katawan na ito,” sagot ni Hermia.

   ‘Isang President si Davino sa classroom. Mabait, palangiti at matulungin ang meron sa alaala ni Angela. Hindi nga?’

   Medyo hindi pa naniniwala si Hermia.

   “Anong gagawin ko rito?” tanong naman ni Hermia.

   “Nakalimutan naming sabihin sa iyo na may iniba si Davino sa kuwentong The Hero's Sacrifice. Nakikita niya ang hinaharap kaya nagsusulat siya, iniba niya at ginawang kaaway mo sila Alejandro. Pero ang totoong kaaway mo ay ang dating hari at ang kanang kamay nito. Totoo na bumalik ka sa nakaraan at pinatay ang dating hari at ang kanang kamay nito dahil kapangyarihan iyon ng mama mo. Si Heroine ay kalahating Dragon, kung si Amari ay pakiramdam ang katangian niya, si Heroine naman ay nakaraan. Kaya niyang ibalik ang nakaraan pero isang beses nga lang, binigay niya iyon sa iyo noong mabasa niya ang kuwento. Ah, ang napuntahan niyo ay ang ginawang kuwento ni Davino na ang iba ay hindi totoong mangyayari. Napunta ka sa ibang —————— ehehe...”

   “Hahaha...”

   Hindi narinig ni Hermia ang huling binulong ng Diyos ng Kamatayan at ang mahinang tawa ng Diyosa ng Buhay.

   ‘Hindi niya ginamit ang bagay na iyon para bumalik siya sa nakaraan noong nabuo kami ni Hero, kung ginamit niya iyon ng isang beses at iniba ang nakaraan. Hindi sana kami nabubuhay ni Hero,’ Hermia, pagtukoy niya kay Heroine.

   “Bumalik tayo sa sinasabi ko. Ang tinutukoy ko nga na si Davino ay nawalan ng kapangyarihang ibahin ang kapalaran ng tao. Pero kahit ganoon ay dati siyang Diyos, kaya may kakaunti pa rin siyang kapangyarihan. Sinakripisyo niya ang nakikita niyang hinaharap para lang makuha ang mahiwagang librong nilalabasan ng mga misteryosong tao. Dahil nga nakita niya ang hinaharap na si Alejandro ay mapupunta sa ibang mundo kaya sasabay siya,”

   “Alam namin na mapupunta si Davino sa ibang mundo kaya naghanap kami ng taong makakapantay niya at iyon si Alejandro.”

   “Huh? Ano iyon? Hindi pareho ang anggelong nakikita niyo sa hinaharap?”

   “Oo, nakikita namin na manggugulo si Davino sa kabilang mundo kaya naghanap kami ng makakapantay niya at nakita nga namin si Alejandro at pinadala sa mundo niyo, habang si Davino naman ay nakikita niyang may ipapadala sa ibang mundo kaya sumabay siya.”

   “Medyo magulo.”

   “Meron pa pala akong sasabihin sa iyo, hehe... akala mo si Amari lang ang Lola mong Dragon? May Lola ka rin na Dragon! Ang mama ng papa mo!”

   ‘Putangina... hanapin ko? Ah, kailangan ko ring hanapin ang Lola ko sa kabila. Naalala kong sabi nila na hindi pa nakikita ni papa ang mama niya. Ha... paanong pumatol ang Dragon sa tarantadong Hari? Tsk, tsk.’

   “Kung ganoon, anong gagawin ko rito?”

   “Sabihin mo kay Davino na maglalaho na siya at ang makakagawa lang niyon ay ikaw. Saksakin mo sa puso si Davino nito.”

   May lumitaw sa kamay ni Hermia na kakaibang matulis na bagay.

   “Saksakin mo siya gamit iyan nang sa gayon ay tuluyan na siyang maglaho. Katulad ng kahilingan niya.”

HermiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon