“Lola, puwede bang dito muna ako tumira?” Ngumiti nang matamis si Hermia.
Tumango si Amari at nagsalita.
“Pero hindi libre. Tutulungan niyo ako sa mga gawain.”
“Pero... hindi ba't isang Hari si Liam? Ibig sabihin ay prinsesa ka, kaya bakit wala kang titirahan?” nagtatakang tanong pa ni Amari kay Hermia.
Nahihiyang ngumiti si Hermia at tumingin sa mga kasamahan niya.
Naintindihan ng kasamahan niya ang tingin na iyon at si Johan na ang sumagot.
Nahihiya si Hermia na sabihing pinasabog niya ang kalahati ng palasyo para lang ibato ang pagiging prinsesa.
“Isa na lamang siyang ordinaryong tao dahil pinasabog niya ang kalahati ng palasyo.”
“Ha...” natatawang buntong hininga ni Amari.
“Magiging kapaki-pakinabang kami sa iyo, Lola, hindi kami magiging walang kuwenta,” Hermia.
Nagsimula ng ipakilala ni Hermia ang sarili at ang mga kasamahan kay Amari.
—
Nakatunganga lang si Hermia sa ilalim ng puno. Kasama rin ang mga kasamahan.
‘Bakit wala siya sa aming pinapagawa?’
Hindi maiwasan ni Hermia na ma-inis dahil heto ang unang beses na magiging ordinaryong tao siya. Pero ang taong nagpatira sa kaniya ay wala man lang pinapagawa. Susundin ang ipapagawa ng nagpapalamon at nagpapatira sa kaniya, ayon ang akala niya.
“Ang ganda talaga rito,” komento ni Erik. Nakabalibot sa leeg niya ang ahas, si Eli. Habang si Teresa naman ay natutulog sa mga bisig niya.
“Tama,” sangayon ni Alejandro.
“Kumain pa kayo,” alok ni Johan sa lahat.
Dahan-dahan napangiti si Hermia.
Ngayon niya lang napagtanto na mas maganda talaga kung wala kang ginagawa. Nawala agad ang pagka-inis niya.
‘Kalimutan na kung walang pinapagawa, mas pipiliin ko pa ang tumunganga kaysa gumalaw. Nakakatamad.’
Nagsimula nang yakapin si Hermia ng katamaran.
Umabot na ang isang linggo nilang paninirahan sa Bundok ng Kagandahan. Tag-iisa sila ng kubong tinutulugan. Magkasama sa isang kubo sina Erik, Eli, at Teresa. Habang sina Hermia, Johan, at Alejandro ay solo.
“Hermia,” tawag sa kaniya.
Tumingin si Hermia sa taong tumawag sa kaniya.
“Lola?”
Hindi maiwasang kabahan si Hermia.
‘Masama ang kutob ko.’
Nararamdaman niya rin ang pagtayo ng mga balahibo sa batok.
“May ipapagawa ako sa iyo,” salita ni Amari at may inabot kay Hermia na lalagyanan.
“Kumuha ka ng kung anong makikita mong puting dahon,” salita pa nito.
Tumango si Hermia.
‘Kung kailan tinatamad ako saka siya may ipapagawa.’
“Tulungan na kita.” Umiling si Hermia kay Alejandro.
“Magpahinga lang kayo, ayos lang ako.”
Nagsimula nang maglakad si Hermia para gawin ang pinapagawa ni Amari.
‘Naglakad lang ako, mas lalong tinamad at nanghina agad ako. Bakit ngayon ka pa may ipapagawa kung kailan talaga tinatamad na ako?’
Gusto ni Hermia magreklamo kay Amari pero naalala niya na ang taong iyon ang nagpatira sa kanila.
Napunta sa madilim na parte si Hermia.
‘Hindi niya pa sinabi kung saan ko mahahanap ang puting dahon.’
May narinig na yapak si Hermia kaya naalarmahan siya.
‘Sumunod ba sila Alejandro sa akin?’
“Hindi ba sinabi ko sa inyo na—”
“Hmm? Anong sinabi mo sa amin?” tanong ng taong bigla na lamang sumulpot sa likod ni Hermia.
Dahan-dahan siyang lumingon at nagtama ang mga mata nila.
‘Kulay pilak ang mga mata niya.’
Napa-atras si Hermia.
‘Ang misteryosong salamangkero!’
“Prinsesa—hindi. Hindi ka na pala prinsesa. Kaya puwede na kitang tawagin sa pangalan mo, hindi ba? Hermia.”
‘Ha... kaya ko nga binato ang pagiging Prinsesa ko para manahimik na ang buhay ko! Ahhh nakaka-inis! Ano na naman ba ito?’
“Anong ginagawa mo rito? Anong kailangan mo sa akin?”
Ngumiti sa kaniya ang salamangkero.
“Inutusan niya ako na burahin ka. Sabi niya ginulo mo raw ang lahat, totoo ba iyon Hermia?”
Humakbang palapit sa kaniya ang salamangkero.
‘Niya? Anong ginulo ko?!’
Mabilis tumakbo si Hermia.
‘Kapag alam mong mas malakas ang tao kaysa sa iyo, tumakbo ka na! Mahina ka pa kaya ganoon! Saka ka na lang bumalik kapag malakas ka na! Hindi ka duwag, sadyang mas mahalaga lang talaga ang mabuhay! Puwede mo naman silang balikan kapag malakas ka na, pero kung mahina ka pa, hindi pa ito ang oras!’
Alam ni Hermia na hindi niya kaya ang misteryosong salamangkero. Wala sa tabi niya ang malalakas na kasamahan kaya ang pagtakbo lang ang magagawa niya.
‘Ipapabugbog ko na lang ang salamangkero na ito sa mga bida ng The Hero's Sacrifice.’
BINABASA MO ANG
Hermia
FantasíaSi Hermia ay naniniwalang walang pakielam sa kaniya ang reyna, ang mama niya. Kaya tinuon na lamang ni Hermia ang atensyon niya sa nanay-nanayan niyang si Grace Villin. Pero noong nahulog siya sa hagdan, nakita niya ang nanay-nanayan niyang...