Magmamadaling araw na at simula pa noong gabi si Mago sinusubukang tumakas.
Siya na lang ang mag-isa na nasa ilalim ng puno. Natutulog na ang lahat.
‘Tae, ilang oras pa bago ko matanggal ang lubid na ito, nahihirapan akong gumamit ng mahika dahil putol ang isa kong kamay.’
“Huh?”
Nagtaka siya ng nararamdaman niyang medyo lumiliwag ang lubid.
‘Gumana ba? Sobrang kaunti at hina lang ang ginamit kong mahika.’
Kumalasag na nang tuluyan ang lubid sa katawan ni Mago.
Blangkong tumayo si Mago.
‘Eh? Hindi ba at gawa sa mahika ng Dragon ang lubid na ito? Imposible namang mahihina ang mahika ng mga Dragon, akala niya ba ay mahina ako kaya gumamit lang siya ng mahina at kaunting mahika?’
Umiling-iling na lang si Mago at mabilis na tumakas.
Kinaumagahan, nagkakagulo sina Alejandro, Erik, Eli, at Teresa.
“Nawawala ang salamangkero!” Eli.
“Nasaan na? Marami pa akong itatanong!” Teresa.
“Hindi mo ba sasabihin sa kanila na sinadya mo talagang patakasin ang tao na iyon?” tanong ni Amari kay Hermia.
Malumay na binaba ni Hermia sa lamesa ang tasa.
“Mamaya na, kapag katapos na lang nang tsaan natin,” sagot ni Hermia.
Ang alam ng mga kasamahan niya ay natutulog pa siya, pero hindi. Umiinom sina Amari at Hermia ng tsaa sa kubo niya.
“Ang sama mo naman, dating prinsesa. Ano na ang nangyari sa inosente at liwanag ng Thelanisus?”
Nasamid nang iniinom na tsaa si Hermia nang dahil sa isang taong nagsalita.
“Bakit hindi mo sinabi na nandito ka?!” tanong ni Hermia kahit paubo-ubo pa siya.
Ngumiti lang sa kaniya ang matandang katulong.
‘Liwanag? Kailan pa ako naging liwanag ng Thelanisus? Inosente? Ako? Haha, liwanag at inosente mo mukha mo!’
“Ah, hindi ko sinabi sa iyo na kanina pa nandito si Kuya Johan, akala ko kasi alam mo,” salita ni Amari.
Hindi na iyon pinansin ni Hermia.
Umayos na rin si Hermia at naglakad papunta sa labasan ng kubo.
‘Isa ring bida si Johan, siya lang ang bida sa anim na bida ng The Hero's Sacrifice ang matanda. Kahit na ganoon ang ugali niya ay nagtitiwala sa kaniya ang lahat.’
Saktong pagbukas ni Hermia ng pinto ay nakatayo doon si Alejandro, mabilis niyang sinarado agad.
Napahawak muna siya sa dibdib para pakalmahin dahil sa pagkakagulat at pagkatapos noon ay saka niya kalmadong binuksan ulit ang pinto.
“Bakit?” tanong niya rito.
“Si Mago nakatakas,” sumbong ni Alejandro.
“Uhm.” Tumango si Hermia at naglakad papunta kung saan naka tali sa ilalim ng puno si Mago na wala na.
“Paumanhin, kung binantayan ko lang si Mago ay hindi sana siya makakatakas,” salita pa ni Alejandro na may panghihinayang.
“Maganda siguro kung pinutol ko rin ang isa niyang kamay para sigurado talagang hindi siya makakatakas.”
Tumayo ang balahibo ni Hermia sa batok dahil narinig niya ang bulong na sinabi ni Alejandro.
“Huwag kayong mag-alala, mahahanap natin si Mago,” kalmado at tiyak na wika ni Hermia sa mga kasamahan.
‘At mahahanap din natin ang taong nag-utos na burahin raw ako.’
Naalala niya ang sinabi sa kaniya ni Amari.
“Kaya kong maramdaman ang tao, lalo na kung gumamit ito ng kapangyarihan at lakas. Malakas ang salamangkero na iyon kaya sobrang lakas din ng pakiramdam ko.”
“Puwede mo rin bang malaman kung saang lugar o lokasyon sila? Kahit na malayo ito sa iyo?”
“Oo. Mararamdaman ko.”
“Ah, Lola. Kung maari, puwede bang gawin natin iyon sa salamangkero? Plano ko siyang patakasin.”
“Sige.”
‘Napaka dali lang talagang kausapin si Lola, wala siyang pasikot-sikot na tanong, dahil ba kadugo niya ako kaya siya pumayag? Haha!’
Naalala rin ni Hermia ang sinabi sa kaniya ni Mago bago siya tumakbo.
“Inutusan niya ako na burahin ka. Sabi niya ginulo mo raw ang lahat, totoo ba iyon Hermia?”
‘Mukhang ang tao na tinutukoy niya na 'niya' ay maraming nalalaman. Alam din ni Mago ang kuwento kaya alam din ng tao na iyon, baka nga may mas marami pang alam ang tao na iyon. Hindi kaya...’
“Ang tao na iyon ba ang may-akda ng The Hero's Sacrifice?”
BINABASA MO ANG
Hermia
FantasySi Hermia ay naniniwalang walang pakielam sa kaniya ang reyna, ang mama niya. Kaya tinuon na lamang ni Hermia ang atensyon niya sa nanay-nanayan niyang si Grace Villin. Pero noong nahulog siya sa hagdan, nakita niya ang nanay-nanayan niyang...