“Bakit parang tumatahimik yata sila?” nagtatakang tanong ni Erik.
Hindi lang siya ang nakapansin noon. Pati ang lahat.
Napapansin nila na hindi nanggugulo ang Pangkat ng mga Ahas, Pusa, Tigre, at Leon.
Kahit anong oras ay gagawa ng kahit anong bagay na makakasira sa Bundok ng Kagandahan ang mga ito. Kapag naman lalabanan sila nila Erik ay bigla-bigla ang mga ito tatakbo.
Kaya hindi maiwasang ma-inis ng Pangkat ng mga Kuneho, Asong Lobo at Balyena.
‘Anong kalokohan ba ang pinaggagawa nila? Kung gusto nila ng labanan, bakit hindi?’
Nakahiga si Dayang sa mga damo.
‘Paparating na sila, protektahan mo ang kalikasan. Dayang.’
Mabilis siyang napamulat dahil sa salita ng Diyosa ng Kalikasan.
Bumangon ni Dayang para babalaan ang lahat sa babala ng Diyosa. Nang Bumabagsak ang lahat ng mga puno.
Mabilis kumilos ang lahat.
“Tangina!” Naghagis si Mago ng kalasag sa buong kapaligiran ng Bundok ng Kagandahan para maprotektahan at hindi mahulog ang mga bato, mga buhangin, mga puno sa ibaba dahil nandoon ang mga naninirahan na mga tao. Baka matapunan at mabagsakan ang mga naninirahan sa baba.
“Magaling,” pagpuri ni Amari sa mabilis na ginawa ni Mago.
Napangiti si Mago sa sarili niya dahil pakiramdam niya ay isa siyang magaling na salamangkero sa buong mundo. Pero, nawala rin iyon nang mapansin niyang masama ang ekspresyon ng mukha ni Dayang at Amari sa kapaligiran.
‘Ang daming alaala ng asawa ko rito! Ang kapal ng mababang nilalang na iyon na siraiin ang alaala ng asawa ko!’ Amari.
‘Bakit ang hilig nilang sirain ang kalikasan?!’ Dayang.
Medyo lumayo si Mago sa kanila at tumabi kila Alejandro na hinahanda ang sarili para sa bakbakan na mangyayari.
“Wala pa rin ba rito sina Enriquez at Hermia?” tanong ni Hero.
“Paparating na siguro sila,” Erik.
Nagsimulang magpakita ang Pangkat ng mga Ahas, Pusa, Tigre, at Leon.
“Tsk!” Sumama ang mukha ni Erik nang makita niya muli ang Pangkat ng mga Ahas at Pusa.
Hinanap niya sina Eli at Teresa sa takot na baka kung anong mangyari sa mga ito.
Nagtama ang mga mata ni Erik at ni Alfred.
Ngumiti sa kaniya si Alfred.
“Oh! Erik, kumusta? Alam mo bang pinagtalsikan mo ang pangkat natin? Tinakas mo pa ang dalawang walang kuwenta, tsk, tsk. Nakakapanghinayang dahil maari ka pa namang sumunod na pinuno ng Pangkat ng mga Ahas.”
Hinanap ng mata ni Alfred sina Eli at Teresa pero hindi niya ito mahanap.
Sa paglibot ng mga mata niya ay napukaw ng atensyon niya ang dalawang batang tao.
“Oh... may kuwenta na pala ang aming Eli at Teresa! Bakit ngayon lang kayo nagkaroon ng kuwenta? Hay nako naman, oh...” nanghihinayang na salita niya kina Eli at Teresa na nasa tabi ni Dayang.
May pumalupot na mga halaman sa paa ni Alfred.
“Hmm?” Nagtatakang tinignan ni Alfred ang nasa paa niyang halaman.
“Patibong?...”
Umirap si Dayang at mas lalo niyang pinaliputan ng mga halaman sa katawan si Alfred hanggang sa wala nang makita ito.
“K-kayo! Tanggalin niyo ito! Huwag niyo lang ako panoorin dito! Mga ungas! Hoy!”
Walang pumansin sa sigaw ni Alfred.
‘Bakit ba kami nandito? Para saan ba itong ginagawa namin?’
‘Nadamay pa kami sa kagaguhan ng Pangkat ng mga Ahas at Pusa.’
‘Hindi na sa amin nagpapakita ang lalaki na iyon pero bakit sinunod pa rin namin ang utos nito? Sobrang tagal na, eh!’
Iisang reklamo at katanungan sa isip ng Pangkat ng mga Ahas, Pusa, Tigre, at Leon.
“Mga gago! Mapapatay kayo niyan sa ginagawa niyo!”
Hindi napansin ng Pangkat ng mga Pusa, Ahas, Tigre, at Leon ang paparating na lusob nila Alejandro.
Mabuti na lamang ay nagising sila sa iisang iniisip nila at ang iba sa kanila ay naka-ilag.
May ibang nasugatan, si Alfred lang ang naiwanan sa puwesto niya at grabe ang nakuha niyang sugat dahil sa paghagis ni Alejandro ng awra na galing sa dalawang espada niya.
“M-mga... gago talaga kayo...” huling salita ni Alfred para sa mga kasamahan niya bago siya mahimatay, pero walang may pakielam sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Hermia
FantasySi Hermia ay naniniwalang walang pakielam sa kaniya ang reyna, ang mama niya. Kaya tinuon na lamang ni Hermia ang atensyon niya sa nanay-nanayan niyang si Grace Villin. Pero noong nahulog siya sa hagdan, nakita niya ang nanay-nanayan niyang...