Kabanata 62: Ang Pagtitipon (2)

152 15 0
                                    

   Pagdating ni Hermia sa Bundok ng Kagandahan, naabutan niyang nag-eensayo ang lahat.

   “Nasaan si Lola?” tanong niya agad.

   Tumigil ang lahat at nagulat dahil dumating na ang taong hinihintay nila, si Hermia.

   At nagtaka sila.

   Nasa likod ni Hermia si Mago.

   “Hehe,” mahinang tawa ni Mago.

   ‘Bakit pa ako susunod sa may-akda na hindi naman kayang kontrolin ang mga tauhan ng The Hero's Sacrifice. Bakit hindi na lang ang kontrabida, si Hermia,’ Mago.

   Pakiramdam ni Mago tama ang pagsama niya kay Hermia.

   “Inabandona na siya ng may-akda, pinulot ko siya dahil may pakinabang pa siya,” salita ni Hermia kaya tumango-tango ang lahat.

   Nilapitan ni Jet si Mago.

   Naalarmahan si Mago sa paglapit nito.

   “Pare... mukhang malakas ka, ah,” komento ni Jet.

   Ngumisi si Jet at tinuro ang kanang kamay ni Mago na nababalutan ng tela.

   “Hindi ko nakita ang kanang kamay mong magsituluan ng dugo, ano kayang hitsura...” dismayadong salita pa nito.

   Tumingin si Mago kay Hermia para magtanong.

   Hindi niya kilala si Jet, alam niyang hindi kasama sa mga tauhan ng The Hero's Sacrifice ang lalaking lumapit sa kaniya.

   “Jet ang pangalan niya,” simpleng pakilala ni Hermia.

   ‘Sabihin ko kayang baliw sa kulay dugo ang baliw na si Jet?’ Hermia.

   “Kilala niyo naman siya, hindi ba? Siya ang pinakakriminal sa iba't ibang kaharian,” Hermia. Tinutukoy niya si Mago.

   Simula noong pagsulpot ni Mago sa pagitan ng digmaan ng Thelanisus at Alenua, maraming nakakita sa kaniya at kinalat ang mukha niya. Naging kriminal din siya sa pinagmulan niyang kaharian.

   Alam ni Mago na makikita ng mama niya ang mga kumakalat na mukha niyang pagiging kriminal. Puwede siyang umuwi sa Mama niya para magtago, pero natatakot siya sa mama niya.

   Hindi rin siya puwedeng sumama kay Atlas na uuwi sa Alenua dahil masisira naman ang reputasyon ni Atlas.

   Kaya mabuti na lamang ay nakasalubong niya si Hermia.

   “Pupuntahan ko na si Lola, bahala na kayong anim,” paalam ni Hermia bago magtungo kay Amari.

   Naiwan si Mago. Kasama sina Johan, Jet, Hero, Erik, at Alejandro.

   “Kumusta ang kanang kamay mo?” nag-aalalang tanong ni Alejandro kay Mago.

   Tumawa si Mago.

   “Ayos lang, hanggang sa nagagamit ko pa ang aking mahika ay ayos lang ang lahat.”

   Sa totoo niyan, medyo humina ang mahika ni Mago dahil sa pagkawala ng kanang kamay niya. Eh, ano naman? Malakas pa rin siya, kailangan niya lang talagang gumaling.

   “Nandito ka na.”

   Kahit nakatalikod si Amari at may ginagawa alam niya kung kailan dumating si Hermia.

   “Anong ginagawa mo?” Sinilip ni Hermia ang ginagawa ni Amari.

   “Gumagawa ako ng mahiwagang gayuma.”

   “Gayuma? Ang ibig sabihin mo ba nakapagpapagaling na gayuma rin?”

   “Parang ganoon na nga. Gumagawa ako ng mga Nakapagpapagaling na gayuma, pampalakas na gayuma, at nakamamatay na gayuma.”

   Namangha si Hermia.

   Ngumiti nang matamis si Hermia kay Amari.

   “Sobrang galing mo talaga, Lola,” puri ni Hermia.

   Ngumisi si Amari.

   “Ano pa bang aasahan mo sa Dragon na katulad ko? Pftt.”

   Tumigil sa ginagawa si Amari at hinarap si Hermia. Alam niya kung bakit siya pinuri ni Hermia.

   “Lola, puwede bang...”

   “Sabihin mo na.”

   “Gumawa ka ng nakamamatay na gayuma, nakapagpapagaling na gayuma, at pampalakas na gayuma. Maari ba? Kahit ilan, basta marami.”

   Tumango si Amari.

   “Mukhang sobrang saya ng gagawin mo, ah,” komento nito.

   Sabay silang tumawa.

  

  

HermiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon