Madaling araw na at tahimik na umalis sina Hermia, Hero, Eli, at Teresa. Tutungo sila sa Kaharian ng Alenua.
Pupuntahan nila si Heroine. Hindi pa mamamatay si Heroine.
"May naamoy ba kayong kakaiba?" tanong ni Hermia sa dalawang bata.
Umiling ang dalawang bata.
"Wala," sagot naman ni Hero na nagpapatakbo ng sinasakyan nilang karwahe.
'Wala silang naamoy na kakaiba... habang ako ay may nararamdamang kakaiba.' Hindi masaya si Hermia.
-
"Kamahalan, nagpaalam si Hermia na tutungo siya sa kaharian ng Alenua para bisitahin ang reyna," pa-alam na ni Johan nang nag-umaga na.
Umiinom si Liam pero nang pina-alam sa kaniya iyon ni Johan ay nabulunan siya kaya napa-ubo-ubo siya.
"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong niya kay Johan.
Kahit kailan ay hindi binabanggit ni Hermia ang salitang mama, puwera na lang kung si Grace.
"Ah, at kasama niya rin pala si Hero."
Nabigla na naman si Liam.
'May kakaiba talaga... magkasundo na ba talaga sila? Kung ganoon ay maganda iyon.'
Medyo napangiti si Liam.
'Alam kong hindi ako mabuting ama dahil nakatutok lang ako sa kaharian at hindi ko na sila nabibigyan ng oras. Paumanhin.'
-
"Kamahalan, magkasamang nagtungo sina Prinsipe Hero at Prinsesa Hermia sa Kaharian ng Alenua para bisitahin si Reyna Heroine," pa-alam ni Erik kina Paham at Logan.
Kumunot ang noo ng dalawang matanda.
'Totoo ba talaga ang balita na magkasundo na ang dalawa? Paano? Bakit hindi sinasabi sa akin ng babaeng iyon?!'
Napahawak sa sintido ng ulo ang dating hari.
Naalala ni Erik kung anong sinabi sa kaniya ni Hermia.
"Mas maganda kung mamamatay sila na may sama ng loob."
Nagtama ang mga mata ni Erik at Alejandro.
Ang mata mismo ang nagpahiwatig na masaya sila.
BINABASA MO ANG
Hermia
ФэнтезиSi Hermia ay naniniwalang walang pakielam sa kaniya ang reyna, ang mama niya. Kaya tinuon na lamang ni Hermia ang atensyon niya sa nanay-nanayan niyang si Grace Villin. Pero noong nahulog siya sa hagdan, nakita niya ang nanay-nanayan niyang...