Kabanata 53: Ang Anak Ng Diyosa Ng Kalikasan (1)

205 16 0
                                    

   Umaga na at maagang binulabog ni Hermia si Enriquez na ipasyal siya sa mga magagandang lugar.

   'Sa kuwento ay pupumunta si Enriquez sa magagandang lugar sa teritoryo na ikamamatay niya. Kaya kailangan niya akong idala sa lugar na naisip niyang maganda.'

   "Paumanhin kung nabulabog kita Ginoong Enriquez, masyado lamang talaga ako nasabik."

   Umiling si Enriquez at ngumiti.

   "Normal lamang iyan sa edad mo, noong nasa edad mo ako ay mas malala pa ako kapag nasasabik."

   'Mhm, dalawampu't pitong taong gulang na pala si Enriquez.'

   Ngumiti at tumango na lamang si Hermia kay Enriquez at saka tumingin sa magandang tanawin.

   Ipinunta siya ni Enriquez sa magandang bundok na mas maganda pa sa Bundok ng Kagandahan.

   Nagtatago lang din sa paligid sina Eli at Teresa. Inutusan ni Hermia na magmasid ang dalawa sa kapaligiran para tignan kung may kakaiba ba.

   Nakaramdam ng kakaiba si Hermia.

   Tumingin si Hermia sa likod ni Enriquez.

   Gumagalaw ang mga sanga ng puno at inaabot nito si Enriquez.

   Mabilis na kumilos si Hermia at tinulak si Enriquez.

   Nagulat si Enriquez sa biglaang ginawa ni Hermia. Pero noong tinignan ni Enriquez si Hermia ay napapalibutan na ito ng mga sanga ng puno.

   Yakap-yakap si Hermia ng puno, nakulong siya.

   Habang nakakulong si Hermia sa mga nagraramihang sanga ay may narinig siyang mga sigaw.

   "Ang anak ko!"

   "Bakit nila pinatay ang anak ko?!"

   "Binigyan ko na nga sila ng magagandang bundok at kapaligiran kaya bakit nila pinatay ang anak ko?!"

   'Sino ka naman?' yamot na tanong ni Hermia sa taong sumisigaw nang may galit at lungkot.

   Nagsimulang palibutan ng mga liwanag si Hermia.

   At dahan-dahan siyang nilamon ng liwanag.

   Parang naging normal na ang pakiramdam ni Hermia nang wala na siyang maramdamang nakayakap sa kaniyang mga sanga ng puno.

   Nang tuluyan na niyang minulat ang mata niya ay nagtaka siya.

   "Huh?"

HermiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon