Kabanata 50: Enriquez Belmonte (3)

230 15 5
                                    

   May tiwala silang lahat kay Hermia. Wala silang pakielam sa kontrabidang Hermia sa libro. Iba ang Hermia sa harapan nila. Ang takbo ng kuwento sa The Hero's Sacrifice ay hindi na talaga buhay. Tanging kaunting pangyayari na lang ang nangyayari o medyo buhay. Ang mga tauhan sa kuwento ang pinaka may buhay sa lahat.

   Tanging si Jet lang ang nakatulala sa kawalan dahil hindi niya alam ang pinag-uusapan ng mga kasamahan.

-

   Tinali ni Hermia sa paa ng kalapati ang sulat at pinalipad ito.

   "Hindi na ako makapaghintay na iligtas si Kuya Enriquez."

   "Ako rin."

   Napangiti si Hermia sa sinabi ng dalawang bata.

   "Matulog na kayo."

   Binuhat ni Hermia sa higaan ang dalawa.

   Sa kaniya muna matutulog sina Eli at Teresa dahil maaga sila bukas tutungo sa Teritoryo ng Belmonte.

   Hinintay muna ni Hermia na makatulog ang dalawang bata bago binuksan ang libro.

   'Napaka may pakinabang talaga ang libro na ito.'

   Binasa ulit ni Hermia sa simula ang The Hero's Sacrifice hanggang sa matapos na niya ang kuwento.

   "Natukoy din dito sa libro na binasbasan ng Diyosa ng Kalikasan ang Teritoryo ng Belmonte. Katulad ng sabi ng lahat, kaya magaganda ang mga bundok at kapaligiran ng Teritoryo ng Belmonte ay dahil binasbasan sila ng Diyosa ng Kalikasan."

   Napatango-tango si Hermia.

   'Ang kalikasan ang pumatay kay Enriquez. Hindi binanggit sa kuwento kung anong bagay na kalikasan ang pumatay kay Enriquez ang naka lagay lang ay, 'Namatay si Enriquez Belmonte dahil sa kalikasan.' '

   'Umalis si Enriquez at ang huli niyang sinabi sa mga tao ay, "Gusto kong pumunta sa mga magagandang lugar sa teritoryo." '

   'Bumalik si Enriquez, pero patay na Enriquez ang bumalik. Ang daming mga mamamayan ng Teritoryo ang nalungkot at naghinagpis dahil sa pagkamatay ni Enriquez.'

   'Kaya ang plano ay sasamahan ko si Enriquez kung saan man siya magtungo para mailigtas ko siya kung anong araw siya mamatay dahil sa kalikasan.'

   Naalala ni Hermia ang sulat na tinali niya sa paa ng kalapati.

   'Kailangang mabasa ni Enriquez ang sulat na iyon.'

-

   《Para kay Enriquez Belmonte,

Maari ba akong tumuloy muna sa bahay ng Belmonte?

Hermia Basilio》

   Pagkagising pa lang sa umaga ni Enriquez ay may nakita siyang kalapating nasa bintana niya. Nakita niyang may sulat doon kaya kinuha at binasa niya iyon.

   'Totoo nga talaga ang balita na pinatalsik si Prinsesa Hermia sa palasyo at tinanggalan pa ang pagiging Prinsesa niya. Kahit na may mga kasamahan siyang kasama ay wala pa rin siyang matirahan.'

   Biglang naawa si Enriquez kay Hermia.

   Tinawag ni Enriquez ang isang katulong.

   "Dadating dito ang Prinsesa ng Thelanisus."

   Nagulat ang katulong.

   Naintindihan ng katulong kung bakit iyon sinabi ni Enriquez sa kaniya.

   "Sasabihin ko sa lahat na maghanda sa pagdating ng Prinsesa!"

   Nakaramdam ng pagkasabik ang mga taong nagtratrabaho sa kastilyo ng Belmonte nang malaman iyon.

   Kahit na hindi na Prinsesa si Hermia ay isa pa rin siyang Prinsesa sa mga mata ng iba.

HermiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon