Kabanata 39: Hindi Na Prinsesa (1)

257 19 0
                                    

   Sa mga nakaraang araw na pagkapanalo ng Thelanisus at Hearth laban sa Alenua ay ang daming nagpapadala ng mga imbitasyon at sulat sa iba't ibang kaharian. Gusto ng mga itong malaman kung bakit nagkaron ng digmaan at kung paano, bakit sinuportahan ng Hearth ang Thelanisus.

   At sa mga araw na rin na iyon ay tinitignan ng mga tao si Hermia na liwanag ng Thelanisus.

   Paano nangyari iyon?

   Dahil sa mga pinagsasabi ni Everest noong lasing ito.

   "Hahaha! Alam niyo ba si Hermia, matapang talaga niyang kinausap ako para suportahan ang Thelanisus. Napakabuting tao... iniisip niya ang mga hinaharap ng mamamayan ng Thelanisus! Nakikita ko na ang liwanag ng Thelanisus!"

   Dahil doon, ang daming sumangayon. Kakaibang ekspresyon at pakiramdam ang mga naramdaman ng mamamayan ng Thelanisus noong mabalitaan nila iyon. Bihira lang ang taong ibaba ang sarili at hihingi ng tulong para sa ikabubuti ng iba.

   "Ganoon pala ang nangyari," malamig na salita ni Hermia nang mabalitaan niya rin ang mga puri ni Everest habang nakikipag-inuman at lasing na noong pagdidiwang ng pagkapanalo.

   Bumuntong hininga si Hermia habang si Hero ay humagigikgik sa gilid ng kuwarto.

   "Tumahimik ka at lumayas ka sa silid aralan ko," iritang wika ni Hermia kay Hero.

   Nakangising lumayas si Hero sa silid aralan ni Hermia.

'ka-inis.'

   Napasuklay si Hermia sa inis.

   'Kasalanan ito ng Alenua, eh. Kung hindi lang sila nakipag-digmaan. Tanginang dahilan nila.'

   'At nagkakamali ang mga mamamayan. Hindi ko binaba ang sarili ko, bakit ko iyon gagawin? Hindi naman ako ang namumuno sa Thelanisus! Sadyang ayoko lang ng digmaan at pagkatalo! Hindi ako isang bayani! Sila Alejandro ang bayani! Normal lang ang ginawa ko!'

   "Ah..."

   Napagtanto ni Hermia na lumuhod siya kay Alejandro.

   "Hmp."

   Kumakalat din na si Hermia ang susunod na mamumuno sa Thelanisus.

   "Hindi ako papayag... sinong nagsabi na ako ang susunod na mamumuno? Ha, isa lamang iyong alamat!"

   Tumayo si Hermia.

   May kinuha siya sa aparador.

   Isang mahikang bomba.

   "Ehehe..."

   Hindi mapigilan ni Hermia tumawa.

   BOOM!

   "Kamahalan! May sumabog na bomba sa lugar ng Prinsesa Hermia!"

   Nagulat si Liam.

   Dali-daling tumungo si Liam doon.

   Nadatnan ni Liam ang kalahati ng palasyong gumuho. Sakto sa kuwarto ni Hermia.

   May lumipad sa kaniyang ibon.

   Sa paa ng ibon ay may naka taling sulat.

   Kinuha iyon ni Liam at binuksan.

《Ako si Hermia Basilio at sinusumpa kong hindi na ako ang Prinsesa ng Thelanisus. Dahil ako mismo ang nagpasabog sa kalahati ng palasyo. Ilang dekada, hindi. Sobrang makasaysayan na ang palasyo pero sinira ko ito.

Kaya dahil sa kasalanan ko, ako si Hermia Basilio, pananagutan ko ang ginawa ko at bilang parusa...

Tatanggalin ko ang titulo ng pagiging Prinsesa ng Thelanisus.

Hermia Basillio,
Karaniwang tao》

   "Ha..."

   Natatawang bumuntong hininga si Liam nang mabasa niya ito.

   'Bilang isang ama, wala akong karapatan sa kasiyahan ng mga anak ko. Katulad ng sinabi ni Heroine, "Hindi mo naman kailangang mabuhay para sa iba, mabuhay ka dahil buhay ka, dahil ikaw ka. Hindi ka nabuhay para pakiusapan ang ibang nabubuhay. Kaya kung gusto mong magkaroon ng kulay ang buhay mo, kumuha ka ng isang kulay na gusto mo." '

   'Mukhang nahanap na nga talaga ni Hermia ang kulay na gusto niya.'

   'At mukha ring marami akong gagastusin para maayos muli ang kalahati ng palasyo.'

-

   "Pupunta na ako sa lolo at lola ko! Hahaha!"

   Maraming bagahe na dala-dala si Hermia. Wala na ang kuwarto niya dahil pinasabog niya. Pero bago iyon ay inutusan niya ang lahat na umalis para wala siyang mapatay na tao at masugatan dahil sa pagpapasabog. Hindi na siya isang Prinsesa ng Thelanisus, isa na lamag din siyang ordinaryong tao at mamamayan ng Thelanisus.

   Hindi mapigilan matawa ni Hermia sa pagkasabik.

   "Pero... may kakaiba... bakit nakatira ang lolo at lola ko sa tagong lugar?" tanong ni Hermia sa sarili.

   Nakatingin siya sa isang hawak na mapa. May bilog na pula ang mapang lokasyon ng lolo at lola nila ni Hero.

   'Nag-imbistiga ako kanina sa silid aralan para malaman ang iba pang bagay kay mama. At hindi ako nagsisi... dahil nalaman ko na inampon lang pala si mama ng Pamilyang Rose. Ang totoong mga kamag-anak ni Mama ay nasa Bundok ng Kagandahan! Baka nandoon ang lolo at lola ko.'

HermiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon