Kabanata 22: Ang Mga Misteryosong Tao (1)

708 23 0
                                    

   “Mag-ingat kayong dalawa.”

   Gabi ngayon at pasikretong aalis sina Alejandro at Hero. Nasa labas sila ngayon ng palasyo.

   “Gagawin namin iyon,” Alejandro.

   “Paano kung pagpunta ng mga pinadala ni papa ay wala na ang bangkay ni mama?” nagtatakang tanong ni Hero.

   “Ako na ang bahala roon.” Ngumiti pa si Hermia kaya walang nagawa si Hero.

   “Alejandro, alam mo na ang sinabi ko sa iyong plano, hindi ba? Ingatan mong buhatin ang bangkay ni mama, ah.” Tumango si Alejandro habang nakangiti.

   Bago matapos ang usapan niya at ni Hermia noong nasa personal na silid aralan sila ni Hermia ay napag-usapan nila ang plano.

   Plano na mabilis na i-uwi ang bangkay ni Heroine.

   ‘Kailangan kong magbayad kay Hermia dahil tinulungan niya ako.’ Lalong lumaki ang ngiti ni Alejandro dahil sa pagpapasalamat.

   Nang makita ni Hero ang malaking ngiti ni Alejandro ay napa-atras siya.

   ‘Hindi bagay sa kaniya ang inosenteng ngiti! Ang awra at presensya niya ay hindi nababagay sa inosenteng ngiti!’ Hindi makapaniwalang nakatingin si Hero kay Alejandro.

   Biglang nawala ang ngiti ni Alejandro at lumingon-lingon sa paligid nila.

   Nakaramdam nang takot sina Hermia at Hero dahil kakaiba ang kinikilos ni Alejandro.

   Tumakbo si Alejandro sa isang direksyon.

   “Alejandro?”

   Tinawag siya nina Hero at Hermia pero hindi siya lumingon.

   Hinigit niya ang taong nakasuot nang itim na damit at may maskara.

   “Sino ka?” tanong niya sa misteryosong tao.

   Hindi ito sumagot at tatakas pa sana ito sa pagkakahawak sa kaniya, kaya ang ginawa ni Alejandro ay hinawakan na niya ang leeg nito.

   “Anong plano mong gawin?” Hindi pa rin sumagot ang misteryosong tao kaya ginamit na ni Alejandro ang awra niya.

   Nahihirapang huminga ang misteryosong tao dahil sa nakakatakot na awrang ginagamit ni Alejandro.

   Lumapit sina Hermia at Hero at napasinghap sila dahil sa nakikita nila.

   ‘Ginagamit niya ang awra niya!’ Nakakaramdam si Hermia nang takot.

   “Hmm? Naamoy ko na delikado ang tao na iyan.”

   Magtataka sana si Hermia sa sinabi ni Hero nang maramdaman niya rin iyon.

   Nararamdaman niya ang delikado at masama na nagmumula sa misteryosong tao.

   Nagulat silang tatlo nang bigla na lang may kinuha ang misteryosong tao na patalim at...

   Sinaksak niya ang sariling leeg na hawak-hawak pa ni Alejandro.

   Binitawan na ni Alejandro ang misteryosong taong patay na.

   Booom! Booom!

   Lumingon sila sa siyudad kung saan nila narinig ang ingay.

   Ang Siyudad ng Czyrah.

   Kahit na medyo malayo ang siyudad sa palasyo ay nakikita nila ito dahil mataas ang lugar ng kinatatayuan ng palasyo.

   Nakikita nila ang nagliliparang mga apoy sa itaas ng siyudad na nagbigay ng liwanag sa gabi.

   “Ang mga mamamayan!”

   Sigaw ni Hero.

   “Hero, Ipaalam mo ito kay papa para magpadala sila ng mga kabalyero at mga kawal, Ngayon na,” kalmadong utos ni Hermia sa kakambal.

   Mabilis sinunod ni Hero ang utos ni Hermia.

   “Alejandro, buhatin mo ulit ako katulad ng ginawa mo sa Gubat ng Kamatayan. Pupunta tayo sa Siyudad ng Czyrah.”

   Ginawa rin ni Alejandro kung anong sinabi ni Hermia.

   Tumatakbo si Alejandro buhat-buhat si Hermia patungo sa siyudad.

   ‘Pasyensya na. Mahina ang istamina ko,’ Hermia.

   

HermiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon