“Oh, gising na kayo, kumusta ang ginawa sa inyo ng Diyosa ng Kalikasan?” salubong na tanong ni Amari sa kanila.
Dahan-dahan silang bumangon sa pagkakahiga. Nakahiga sila sa magagandang bulaklak.
“Bigla na lamang kayong limang nahimatay. Nagsalita sa akin ang Diyosa ng Kalikasan na ilagay lang kayo rito. Anong nangyari?”
Hindi sila sumagot. Mabilis tumakbo si Alejandro sa kubo ni Hermia.
“Hoy! Bakit bigla ka na lang pumasok sa kubo ni mama?! Manyak ka ba?!” galit na sigaw ni Dayang kay Alejandro.
Napatingin si Amari kay Dayang.
‘Ang babaeng ito, nararamdaman kong may koneksyon siya sa Diyosa ng Kalikasan.’
Naabutan ni Alejandro si Hermia na mahimbing na natutulog.
Hahawakan sana niya ang parte ng leeg ni Hermia para tignan ang pulso at paghinga nito pero mabilis siyang pinigilan ni Amari.
“Anong kalokohan ang pinaggagawa mo pagkagising mo pa lang huh?” nakakatakot na tanong sa kaniya ni Amari.
“Tinitignan ko lang po kung humihinga pa po siya,” tugon ni Alejandro.
“Anong ibig mong sabihin kung humihinga pa si Hermia? Natutulog lang iyan.”
Tumingin ng seryoso si Alejandro kay Amari bago magsalita, “Nagpakamatay si Hermia.”
“Hmm? Nagpakamatay? Si Hermia? Ikuwento mo nga kung anong nangyari sa inyo. Hindi ko alam kung anong ginawa sa inyo ng Diyosa.”
Tumango si Alejandro at kinuwento ang buong nangyari. Hindi na niya kailangang itago dahil alam na ng buong kasamahan niya ang The Hero's Sacrifice, nabasa nga nila ang buong kuwento, eh.
“Ha, matalino si Hermia at bobo rin pala,” komento ni Amari nang matapos ng ikuwento ni Alejandro ang buong pangyayari.
Napahawak ang mga kasamahan sa bibig nila. Nakikinig lang sila sa labas.
‘Pinunta sila ng Diyosa ng Kalikasan sa loob ng kuwento? Ha...’ Amari.
‘Nagpakamatay si mama sa kuwento at nang makapunta rin siya ngayon ay nagpakamatay din siya! Bakit mo siya pinunta roon?!’ Dayang. Medyo nagagalit siya sa Diyosa ng Kalikasan.
“Hmm?”
May naramdaman si Amari sa malapit na karagatan ng bundok.
“Nandito na si tanda!” masayang sigaw ni Erik.
Sa hindi kalayuang karagatan, may mga lumalangoy. Nang maka-apak ang mga ito sa lupa ay nag-iba ang mga anyo nito.
Sa unahan nila ay nandoon si Johan. May mga kasama si Johan na galing din sa Pangkat ng mga Balyena.
Namangha ang Pangkat ng mga Kuneho at Asong Lobo na nandito rin sa Bundok ng Kagandahan. Bakit?
Dahil ang Pangkat ng mga Balyen ang parang Dragon sa karagatan.
BINABASA MO ANG
Hermia
FantasySi Hermia ay naniniwalang walang pakielam sa kaniya ang reyna, ang mama niya. Kaya tinuon na lamang ni Hermia ang atensyon niya sa nanay-nanayan niyang si Grace Villin. Pero noong nahulog siya sa hagdan, nakita niya ang nanay-nanayan niyang...