“Hermia... puwede ba natin silang isama? Kawawa naman sila dahil wala silang matutuluyan.” Pilit na ngumingiti si Hermia sa bawat salitang sinasabi ni Alejandro.
Katabi ni Alejandro si Erik na buhat-buhat ang pusa at ahas.
“Oo naman! Kailangan nating magtulungan, pare-pareho lang naman tayong humihinga sa mundo na ito kaya kailangan nating magtulungan,” malumay na salita ni Hermia.
‘Magiging maayos lang ang lahat, hindi ba?’ tanong ni Hermia sa isip niya.
‘Bakit parang ang dami ko yatang pinupulot sa tabi-tabi? Ang gagawin ko lang ay pupuntahan si Binibining Dinah at kunin ang katawan ni mama. Kaya bakit?... ha...’ Gusto ni Hermia na umiyak dahil pakiramdam niya ay madadamay siya sa ano mang mga bagay.
“Maraming salamat,” sabay-sabay na pasalamat na may galang nina Alejandro, Erik at ng pusa, ahas kay Hermia.
Tumango na lang si Hermia at ngumiti kahit sa loob-loob niya ay hindi siya maayos.
‘Waaah.’
—
Sa kabilang banda. Sa itaas ng puno ay may nagtatagong tao. Nakayuko siya sa baba habang pinagmamasdan sila Hermia.
‘Tulad ng inaasahan ko. Malakas nga talaga ang Alejandro na iyon, pero hindi niya nararamdaman ang presensya ko.’ Habang nakatingin kay Alejandro.
‘Nagustuhan kong panoorin ang mga bawat galaw ni Alejandro katulad nga ng inutos ng Hari, pero parang wala ng saysay ang isa pang inutos ng Hari.’
《“Protektahan mo sila kapag may delikadong nangyari.”》
‘Mukha ngang hindi ko na kailangang protektahan sila at hanggang nood na lang ako sa kanila.’ Natatawa siya sa isip niya habang nakatingin pa rin kay Alejandro.
‘Mas malakas sa akin ang Alejandro na iyon, siya ang magiging proteksyon nila.’
—
“Hermia, napaka mabuti mo talagang tao,” Ngumiti pa si Alejandro nang inosente pagkatapos niyang sabihin iyon.
“Hahaha.”
Tumawa na lang si Hermia.
‘Kung alam mo lang na pumatay ako.’
Pagkatapos, nagsimula nang maglakbay sina Hermia, Hero, Alejandro. Kasama ang mga bagong kasamahan sa grupo.
Dalawang ahas, isang pusa, at isang taong pasikretong nakasunod sa kanila.
BINABASA MO ANG
Hermia
خيال (فانتازيا)Si Hermia ay naniniwalang walang pakielam sa kaniya ang reyna, ang mama niya. Kaya tinuon na lamang ni Hermia ang atensyon niya sa nanay-nanayan niyang si Grace Villin. Pero noong nahulog siya sa hagdan, nakita niya ang nanay-nanayan niyang...