Kabanata 83: Ang Kuwento (13)

112 12 0
                                    

   “Anong nangyari sa mata mo?” tanong ni Hermia kay Hero.

   “Aksidente namin siyang natamaan sa mukha,” sagot ni Teresa dahil mahihiya na naman siya. Siya mismo ang mahihiya kapag nalaman nila na umiyak si Hero.

   ‘Nakakahiya talaga,’ Teresa.

   Tumango si Eli dahil nahihiya rin siya para kay Hero.

   Mariin na tumitig si Hermia sa mga mata ni Hero na namumula.

   ‘Sobrang sakit siguro noon, nasuntok o nasipa ba siya kaya namumula ang mata niya? Parang may sipon din siya, kadiri.’

   “Kumain muna kayo.”

   Dumating si Heroine na may dala-dalang mga pagkain.

   Nilapag niya iyon sa lamesa.

   “Hmm? Anong pangalan niyong dalawa? Ang tagal na rin simula noong makakita ako na galing sa mga pangkat,” tanong at salita ni Heroine nang mapansin niya sina Eli at Teresa.

   “Eli at Teresa po,” sagot ni Eli. Kumuha si Teresa ng isang tinapay. Kinagatan niya at sinubuan niya rin si Eli ng tinapay.

   “Paano niyo po nalaman na galing sa pangkat sina Eli at Teresa?” nahihiyang tanong ni Hero kay Heroine. Ngayon niya lang kasi makaka-usap ang mama niya.

   “Sa paglalakbay ko. Marami akong nakikitang mga iba't ibang mga pangkat,” sagot ni Heroine.

   “Nandito na ako!”

   Dumating na si Dinah sa bahay.

   Pagpasok niya ay nagulat siya.

   “Ano ito?! Pagtitipon ng magpapamilya?! Nandito rin ba si Haring Liam?”

   Tinawanan siya ni Heroine.

   “Oh... napakaganda ng mga anak mo Heroine!”

   Lumapit si Dinah at hinalikan sa noo sina Hermia at Hero.

    Pati rin sina Eli at Teresa ay hinalikan niya sa noo. Kinalmot siya sa mukha ni Teresa, habang si Eli naman ay kinagat ang kamay niya. Nagulat kasi sina Eli at Teresa sa ginawa ni Dinah.

   “A-aray!”

   Nagsituluan ang dugo sa mukha ni Dinah.

   “Hala! Dinah, mamamatay ka na! Ang kalmot at kagat ay nakakamatay kapag galing sa Pangkat ng mga Ahas at Pusa!” natatarantang paalam ni Heroine.

   “Talaga? Waaaaah!”

   Nagsituluan na rin ang mga luha ni Dinah.

   Takot na nagtago sina Eli at Teresa sa bisig ni Hermia.

   Tumingin si Hero kay Hermia dahil alam niyang may binigay na mga nakapagpapagaling na gayuma si Amari. Pero, nang masulyapan niya ang mukha ni Hermia ay natakot siya.

   Kumikinang ang mga mata ni Hermia at may maliit na ngiti sa labi. Pinapanood niya lang mataranta si Dinah.

   Malumay na hinawakan at hinimas-himas niya ang ulo nina Eli at Teresa.

   ‘Magaling, kung gaanon ay makamandag ang ngipin ni Eli, si Teresa naman ay ang kuko. Hehe!’

   “H-Hermia...” nauutal at takot na tawag sa kaniya ni Hero.

   “Hmm?”

   “M-meron ka diyang nakapagpapagaling na gayuma, hindi ba?”

   Namumutla ang mukha ni Hero.

   ‘Ang mga nakapagpapagaling na gayumang binigay sa akin ni Lola Amari lang ang nadala ko rito sa kuwento,’ Hermia.

   “May sakit ka?” Hinawakan niya pa ang ulo ni Hero.

   “Hindi, para sa kaniya.” Tinuro ni Hero si Dinah na nag-iiba na ang balat.

   “Oh, oo nga.”

   Binaba ni Hermia sina Eli at Teresa.

   Lumapit si Hermia kay Dinah.

   May kinuha siya sa bulsa niya.

   Inabot niya iyon kay Dinah.

   Mabilis na ininom iyon ni Dinah.

   Dahan-dahan kumalma si Dinah at bumalik ang masiglang kulay.

    “Salamat,” pasalamat niya.

   “Paumanhin...” sabay na paumanhin nina Eli at Teresa.

   Ngumiti si Dinah sa dalawang bata at nilapitan muli sila para yakapin.

   ‘Tsk, baka malason na naman siya sa ginagawa niya,’ Hermia.

   Si Eli at Teresa na mismo ang tumakas sa yakap ni Dinah.

   “Nasaan si Heroine?” nagtatakang tanong ni Dinah at nilibot ang buong mata sa paligid. Napansin niya na nawala sa tabi niya si Heroine.

   “Nakita ko tumakbo siya sa labas ng bahay,” sagot ni Teresa.

   Kinabahan si Hermia at mabilis tumakbo papalabas.

   Sa pagtakbo niya ay nakasalubong niya si Heroine na tumatakbo pabalik.

   “Saan ka pumunta mama?”

   “Nagsulat ako at ipinadala ko kay Grace at Liam na patay na si Dinah!” mangiyak-ngiyak na salita ni Heroine.

   Ngumiti na lamang si Hermia.

   “Ma, buhay pa si Dinah.”

   “Huh? Paano siya nabuhay?”

   “May binigay akong gayumang gamot.”

   Tumigil ang pagtulo ng luha ni Heroine.

   “Ah... ganoon ba... h-haha...” nahihiya na lamang na salita ni Heroine.

   Napatakip ng mukha si Heroine.

   ‘Nakakahiya... umaakto akong ganito sa harapan ni Hermia... para akong hindi ina.’

  

  

HermiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon