Pinalilibutan nang Pangkat ng mga Tigre ang isang kawawang kuneho.
“Pftt, hindi ko alam kung bakit may Pangkat ng mga Kuneho pa, anong magagawa nila? Napakawalang kuwentang nilalang,” natatawang wika ng isa sa Pangkat ng mga Tigre.
Nanginginig ang kuneho.
‘Anong gagawin ko? Mamatay na ako...’
“K-kakainin niyo ba ako?” nanginginig at takot na tanong ng kuneho.
“Ikaw? Kakainin namin? Hahaha! Bakit naman namin kakainin ang isang nilalang na hindi man lang makapag-anyong tao.”
Tumawa ang buong Pangkat ng mga Tigre.
Nalungkot ang kuneho.
‘Tama sila... hindi man lang ako makapag-anyong tao... at kilala pa ang Pangkat ng mga Kuneho sa pagiging walang kuwenta...’
“Anong ginagawa niyo sa teritoryo namin?!”
Sa hindi kalayuan ay may sumigaw.
Lumingon ang Pangkat ng mga Tigre sa lalaki.
Hindi nagsalita ang mga ito at umalis na lang.
Alam ng Pangkat ng mga Tigre na nasa teritoryo sila ng Pangkat ng mga Asong lobo. Pero wala silang pakielam, puwede naman nilang kalabanin ang mga asong lobo kung gusto nila, pero may importante pa silang pupuntahan.
Nang maka-alis na ang Pangkat ng mga Tigre, lumapit ang lalaki sa kawawang kuneho. Galing ang lalaki sa Pangkat ng mga Asong lobo.
“Bakit ka nandito? Delikado ang umalis sa pangkat mo.”
Hindi siya pinansin ng kuneho at nagsalita ito, habang nakatingin sa direksyon kung saan umalis ang Pangkat ng mga Tigre.
“Magsisi sila, dadating ang araw na matatalo namin sila.”
—
“Bakit niyo kami tinawag? Huh?” medyo iritang tanong nito.
Ngumisi ang lalaking nagngangalang alfred, at sinagot ang tanong na iyon, “Kailangan nating magtungo sa Bundok ng Kagandahan at sirain ang mga bagay-bagay doon.”
“Ha, at bakit naman namin kami sasama sa inyo?” tanong naman ng isa sa Pangkat ng mga Tigre.
“Sasama kayo sa amin, nakita mo naman ang mga Hari ng gubat,” natatawang tinuro ni Alfred ang Pangkat ng mga Leon na nasa isang sulok at walang imik-imik.
“Napayuko namin sila, hahaha!”
Napa-awang ang mga labi ng Pangkat ng mga Tigre.
‘Huh?!’
‘Ang Pangkat ng mga Leon ay yumuko sa Pangkat ng mga Pusa at Ahas?!’
‘Isang malaking kalokohan!’
Hindi sila makapaniwala.
Ang Pangkat ng mga Leon ay kilala sa pagiging hari ng gubat. Sila ang sumunod sa mga Dragon. Mapagmataas at malakas ang mga ito.
Pero anong nangyari?
Bakit parang napasunod ng Pangkat ng mga Ahas at Pusa ang mga ito.
“Tsk!” Nakaramdam nang inis ang isa sa Pangkat ng mga Leon.
“Kung hindi lang talaga tayo natalo sa mga pusa at ahas, ha...” usal naman ng isa.
Inis ang nararamdaman ng buong Pangkat ng Leon.
‘Wala kaming magawa, kailangan naming sumunod sa kanila.’
“May kakaiba talaga sa Pangkat ng mga Ahas at Pusa. Para bang... lumakas ang puwersa nila. Anong nangyari?” tanong ng isang Leon.
—
“Ang Pangkat ng mga Kuneho at Asong lobo... kailangan nating magtungo sa kanila...” Lumingon si Hermia sa mga kasamahan bago ituloy ang sasabihin.
“Si Ramon, ang asong lobo at si Nori, ang kuneho. Kailangan natin sila. Isa sila mga importanteng tauhan ng The Hero's Sacrifice.”
BINABASA MO ANG
Hermia
FantasySi Hermia ay naniniwalang walang pakielam sa kaniya ang reyna, ang mama niya. Kaya tinuon na lamang ni Hermia ang atensyon niya sa nanay-nanayan niyang si Grace Villin. Pero noong nahulog siya sa hagdan, nakita niya ang nanay-nanayan niyang...