Kabanata 95: Labanan? (1)

129 13 0
                                    

   ‘Hmm? Nasaksak na ba ni Davino ang sarili niya? Naka-alis na ako sa katawan ni Angel.’

   ‘Pero ano ang mabigat na nakapatong sa akin?’

   Nagsimulang mayamot si Hermia.

   “Uwaaaah! Bakit hindi ka pa rin gumigising mama? Ano bang pinaggagawa ng mga Diyos at Diyosa?”

   ‘Dayang! Bakit ka ba nakayakap sa akin?! Hindi talaga ako magigising nito!’

   “Hoy, Dayang. Hindi makakahinga niyan si Hermia sa pinaggagawa mo,” suway ni Amari kay Dayang.

   Dahil sa pagsaway ni Amari ay bumitaw na si Dayang sa pagkakayakap kay Hermia.

   ‘Ha... salamat... pero tinatamad pa akong bumangon. Saan ba ako nakahiga? Kahit nakapikit ako ay alam kong nasa maliwanag ako nakahiga. Nasa labas ba ako? Naamoy ko ang mga halaman at bulaklak.’

   “Alam kong gising ka na, Hermia,” natatawang salita ni Amari na nagpabangon kay Hermia.

   Inilibot ni Hermia ang mga mata niya at nagtaka siya nang makita ang mga taong nasa paligid niya.

   ‘Bakit sobrang dami naman yata nila? Ah, nandito rin pala ang Pangkat ng mga Kuneho at Asong Lobo, hmm? Pangkat ng mga Balyena?’

   Napatingin si Hermia sa grupo na kasama ni Johan.

   ‘Tama nga ang sinabi ni Erik, isang pinuno sa Pangkat ng mga Balyena si Johan.’

   ‘Pero may kakaiba pa...’

   Sumingkit lalo ang mata ni Hermia.

   Sobrang dungis ng lahat, puwera na lang sa kaniya. Para bang, nasa gitna ng digmaan o kaya naman nag-ensayo ng napakahalimaw ang mga ito.

   “Anong meron?” usyosong tanong niya.

   Natawa si Amari sa kaniya at sumagot, “Nilusob ng mga walang hiyang mga Pangkat ang Bundok ng Kagandahan, nagtulungan ang Pangkat ng mga Kuneho, Asong Lobo, at Balyena para protektahan ang Teritoryo ng Belmonte laban sa mga Pangkat na nanggugulo.”

   “Bakit masaya ka pa, lola?”

   “Hmm? Ako? Masaya? Natatakot kasi akong baka heto na ang huli kong pagngiti dahil alam mo bang maraming alaala ang asawa ko rito tapos guguluhin nila ang Bundok ng Kagandahan? Sinong hindi mapapangiti lalo na sa bawat panggulo nila at may nasisira ay mas lalong bumabalik ang alaala ng asawa ko,” malumay na sagot ni Amari na ikinatayo ng balahibo ni Hermia.

   Napapansin ni Hermia na nakangiti si Amari pero ang mga mata nito ay walang emosyon at ang noo, leeg ay may kaunti siyang nakikitang ugat.

   ‘Patay! Baka kapag nagulo nang tuluyan ang Bundok ng Kagandahan ay makapatay si lola na kung sino-sino lang! Kahit kami pang kakilala niya! Basta para sa alaala ng asawa niya!’

HermiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon