“Lola magtutungo ako sa Alenua para may hanapin at sa Pershia dahil may ipa-paalam sa hari,” wika ni Hermia kay Amari.
“Sige, mag-ingat kayong dalawa ni Enriquez.”
Tumango si Enriquez at Hermia.
Si Enriquez lang ang isasama ni Hermia dahil si Enriquez ang kakausap kay Agustin, ang Hari ng Pershia.
‘Magkaka-intindihan silang dalawa dahil parehas sila,’ salita ni Hermia sa isip tungkol kay Enriquez at Agustin.
Nagsimula nang umalis si Enriquez at Hermia. Sabay silang umalis ng Thelanisus, pero magka-iba ng direksyon ang tinahak nila dahil tutungo si Enriquez sa Pershia, habang si Hermia naman ay sa Alenua.
Mabilis na nakapasok si Hermia sa Alenua. Nakataklob siya ng tela sa mukha dahil baka malaman ni Atlas na nandito siya sa Alenua.
Sa wakas, nakarating na rin siya sa tapat ng bahay ni Aragon.
Kumatok siya nang tatlong beses sa pinto.
“Teka lang!”
Narinig niya ang bawat yapak ni Aragon.
Papikit-pikit na binuksan ni Aragon ang pinto at sumalubong sa kaniya si Hermia.
“Eh? Bakit ka nandito? Kasama mo ba si Hero?” tanong niya kay Hermia.
Umiling si Hermia at ngumiti.
“Maari ba akong bumili ng mga impormasyon?”
Mabilis lumaki ang mata ni Aragon at mabilis din niyang hinila si Hermia papasok sa bahay.
“Paano mo nalaman na nagbebenta ako ng mga impormasyon?”
“Nalaman ko kay Hero,” simpleng sagot ni Hermia.
“Kaninong impormasyon ang bibilhin mo?” Naglakad papunta sa lalagyanan ng mga aklat si Aragon.
May ginawa siya sa mga librong nakalagay doon na siyang nagbukas ng daanan patungo sa sikretong kuwarto.
Sinenyasan niya si Hermia na sumunod. Sumunod si Hermia sa kaniya.
Maraming makikita ritong mga papeles na maayos ang pagkaka-ayos.
“Gusto kong malaman kung sino ang mama ng papa ko o ang asawa ng dating hari.”
“Hmm... ang dating hari... saan nga ba nakalagay iyon, ah!”
May hinalukay si Aragon sa mga papeles.
“Tae, puwede mo ba akong tulungang maghanap? Hehe, sobrang daming mga papeles dito.”
“Piling mga tao lang ba ang may mga impormasyon dito?”
Tumulong na rin si Hermia.
“Syempre, pero kapag wala rito ang taong pinapahanap o impormasyon ay kailangan kong ako mismo ang maghanap sa taong iyon at gumawa ng impormasyon tungkol sa kaniya. Ayon, sobrang bagong impormasyon ang ibibigay ko. Nandito rin ang mga kasaysayan na nabura,” tugon ni Aragon.
Umaabot na ng dalawang oras ay wala pa rin silang mahanap.
Mawawalan na sana ng pag-asa si Hermia, pero narinig niya si Aragon na nahanap na raw nito ang impormasyon.
Lumapit siya at inabot sa kaniya ni Aragon ang may katamtaman na patong-patong na papel.
Sumama ang mukha ni Hermia.
<Ang Hari ng Thelanisus ay nagtungo sa bilihan ng mga alipin at kung ano-ano pa.
Maraming mga bagay na binebenta na makakatulong sa Kaharian ng Thelanisus pero hindi niya iyon pinagbibili.
Halatang-halata sa mukha ng hari na na-i-inip na siya sa mga bagay na binebenta. Walang bagay na nakakuha ng atensyon niya hanggang sa may huling inilabas.
Isang itlog at malapit nang lumabas dito ang Dragon.
Nagkaroon ng interesado ang hari at binili iyon.>
<Kahit na mas matanda ng dalawampung taon ang hari ay pasikreto niyang pinakasalan ang dragon na malaki na—>
Tumigil muna si Hermia sa pagbabasa at napahawak sa sintido ng ulo.
‘Ang dragon na binili niya ay 14 pa lang habang siya nasa mga 34 na?! Tarantado ka bang matanda ka?! Ikaw ang nagpalaki sa kaniya kaya para mo na rin siyang anak kaya bakit ka ganiyan?! Napakagago ang putangina!’
<Ipinanganak ang Prinsesa ng Thelanisus.
Hindi nagustuhan iyon ng hari at inutusan niyang ipatapon ang prinsesa, mabuti na lamang ay napigilan iyon ng Dragon, si Murin.
Laging pinag-iinitan ng ulo ng hari ang prinsesa.
Bakit galit ang hari sa prinsesa?
Dahil hindi niya matanggap na sa babae niya ibibigay ang trono. Ayaw niya sa babae dahil naniniwala ang hari na mangunguna ang emosyon ng babae habang naka-upo sa trono at sa tingin niya ay mahihina ang mga ito.
Pero, nasiyahan ang hari nang malaman na nagdadalang tao si Murin.
Ipinanganak naman ang Prinsipe ng Thelanisus. Noong nalaman ng hari na lalaki ang anak niya ay nagalit ito.
Maraming nakarinig sa komento ng hari noong unang kita niya sa prinsipe.
"Ang batang iyan! Aagawin niya ang trono ko!">
‘Sobrang gulo naman ng matandang ito! Ayaw sa anak na babae tapos ayaw din sa anak na lalaki. Eh, anong gusto mo?! Sana hindi ka na lang nag-anak, parang tanga!’
‘Pero hindi ko akalaing may nakakatandang babaeng kapatid pala si papa...’
<Nawala nang parang bula si Murin pagkapanganak niya sa prinsipe. Sinama niya ang prinsesa at iniwanan ang prinsipe.
Walang pakielam ang hari at nagsalita, "Akala ba niya hahanapin, hahabulin, at susuyuin ko siya? Pfft! Hahahha!>
‘Bakit mo iniwanan si papa? Mas maganda kung sinama mo rin.’
“Tangina mo talagang matanda ka, nanggigil ako sa iyo,” yamot na mura ni Hermia sa dating hari.
—
Sa kabilang banda, masayang at mabait na nag-uusap si Enriquez at ang Hari ng Pershia, si Agustin Parel.
Nakarating na rin si Enriquez sa Pershia para kausapin si Agustin tungkol sa mga Pangkat na galing sa Pershia na nanggugulo sa Teritoryo ng Belmonte, sa Bundok ng Kagandahan.
BINABASA MO ANG
Hermia
FantasySi Hermia ay naniniwalang walang pakielam sa kaniya ang reyna, ang mama niya. Kaya tinuon na lamang ni Hermia ang atensyon niya sa nanay-nanayan niyang si Grace Villin. Pero noong nahulog siya sa hagdan, nakita niya ang nanay-nanayan niyang...