Nagising si Hero.
“Huh?”
Tumingin siya sa buong paligid niya.
“Bakit ang gulo?”
Tumayo siya sa pagkakahiga.
‘Eh? Bakit ako nandito sa kuwarto ko? Nalasing ba ako at napunta rito? Ginulo ko ba ang kuwarto ko dahil lasing ako? Huh? Bakit nandito ako sa palasyo? Nandoon ako sa Bundok ng Kagandahan, ah.’
Hinawakan ni Hero ang ulo niya.
“Hindi naman masakit ang ulo ko, hindi ako lasing.”
May malakas na bumukas nang pinto kaya nagulat si Hero.
“Prinsipe Hero! Anong nangyayari?”
Si Johan.
Nagtatakang tumingin si Hero sa natataranta at naguguluhang si Johan.
Magsasalita na sana si Johan nang bigla na lamang tumalsik ang bintana gamit ang espada.
“Anong nangyayari?” tanong ni Alejandro at pumasok sa bintanang sinira.
“Sobrang kakaiba,” salita naman ni Erik na sunod na pumasok. Buhat-buhat niya sina Eli at Teresa.
“Si Hermia, nasaan siya?” tanong ni Alejandro.
Nagsimula silang mag-aalala.
May kumatok.
“Mahal na prinsipe, pinapatawag po kayo ng kamahalan, ang hari.”
Tumingin si Hero para senyasang magtago muna sila Alejandro.
Lumapit si Hero sa pinto at binuksan.
“Magtungo na tayo.”
“Sumunod po kayo sa akin.”
Sumunod si Hero at Johan sa katulong.
Sa paglalakad nila ay may tumawag kay Johan na katulong. Marami pang aayusin si Johan sa mga baguhang katulong kaya kailangan niyang humiwalay kay Hero.
Sa paglalakad din ni Hero ay napapansin niyang mabilis na nagsisilayuan ang mga katulong o ang lahat sa taong lumabas ng isang kuwarto.
Tumingin siya sa taong lumabas at nang malaman niya kung sino iyon ay mabilis niya iyon nilapitan.
“Hermia!”
“Hero!”
Mabilis silang lumapit sa isa't isa na ikinagulat ng lahat.
BINABASA MO ANG
Hermia
FantasySi Hermia ay naniniwalang walang pakielam sa kaniya ang reyna, ang mama niya. Kaya tinuon na lamang ni Hermia ang atensyon niya sa nanay-nanayan niyang si Grace Villin. Pero noong nahulog siya sa hagdan, nakita niya ang nanay-nanayan niyang...