Nakatulala lang si Hermia sa harapan.
Maraming mga estudyanteng nagtatawanan, nagkakasiyahan, at nagkukuwentuhan sa paligid niya.
‘Hindi ako makapaniwalang mapupunta ako sa mundo na ito. Nakabalik na siguro ang mga kasamahan ko. Ako hindi pa, ang duga talaga.’
Pasimple ni Hermia hinawakan ang mukha niya.
‘Ang katawan na ito ay hindi sa akin. Pero kahit ganoon... may kakaunting alaala akong nakukuha galing sa totoong may-ari. Kaya medyo makakasabay ako sa mga tao rito at mundo na ito. Heto ang mundong pinanggalingan ni Alejandro.’
“Angel.”
“Hoy, Anghel na walang pakpak!”
Napatigil si Hermia sa pagkatulala.
‘Angel ang pangalan ng katawan na ito, hindi ba?’
Tumingin si Hermia sa taong tumawag sa kaniya.
Kaibigan ni Angel.
“Iyong tatlo mong crush, Angel, may kumakalat ngang rumors na baka ikaw sinumpa mo sila kasi ni-reject ka! Whahaha! Pero totoo ba talaga iyon?”
“Crush?” nagtatakang tanong ni Hermia.
Tumawa ng malakas ang kaibigan.
“Si Cohen namatay, si Alejandro namatay, at si Davino ay nag-aagaw buhay! Si Cohen na na-aksidente sa pagmo-motor, si Alejandro na nabangga, si Davino na nabangga din dahil susubukan niyang iligtas si Alejandro kaso nahuli.”
Napatulala si Hermia ng ilang sandali.
Pumasok ang alaala ni Angel.
Si Angel na mahilig sa mga guwapo kaya lagi siyang nagkakagusto sa mga guwapo.
Si Cohen na laging kinukulit ni Angel na humantong na nang suntukan. Nagsuntukan si Angel at Cohen. Na-irita na si Cohen kay Angel kaya hinamon niya ng suntukan ito.
“Wala akong pakielam kung babae ka, kasi para sa akin ay hindi ka babae! Gender equality!” Cohen.
Si Alejandro na laging nagtatago sa sulok-sulok para iwasan ang mga babaeng nagkakagusto sa kaniya.
May isang beses na nahanap siya ni Angel. Humantong na ayaw nang pumasok ni Alejandro dahil natatakot siya sa baliw na si Angel.
“Angel ang pangalan niya pero demonyo siya! Nakakatakot!” Alejandro.
At si Davino na kinakaya ang kabaliwan ni Angel. Mahilig tumulong si Davino sa kapwa, dahilan na rin siguro dahil isa siyang Class President kaya tinulungan niya rin si Angel.
“Sa tingin ko kailangan mo na ng tulong, bakit hindi ka pa napupunta sa mental hospital?” mabait na tanong ni Davino kay Angel.
Natatawang napabuntong hininga si Hermia sa mga alaala ni Angel.
‘Sa tingin ko bagay sila ni Jet. Pareho silang baliw.’
‘Pero may isang bagay na napukaw ang atensyon ko.’
“Patay na ba talaga si Alejandro?”
Mahinang hinampas siya ng kaibigan ni Angel.
“Oo, gagi. Sayang nga, eh.”
‘Patay na talaga si Alejandro rito.’
BINABASA MO ANG
Hermia
FantasySi Hermia ay naniniwalang walang pakielam sa kaniya ang reyna, ang mama niya. Kaya tinuon na lamang ni Hermia ang atensyon niya sa nanay-nanayan niyang si Grace Villin. Pero noong nahulog siya sa hagdan, nakita niya ang nanay-nanayan niyang...