“Umuwi na kayo,” utos ni Johan sa dalawa.
Hindi nakinig ang dalawa at mas lalo pa siyang kinulit.
“Oh, sino kayo?” Sumulpot si Hermia kasama si Erik.
Ngumiti si Hermia sa dalawa.
“Ako si Hermia at siya si Erik,” pakilala niya sa sarili at kay Erik.
Nagbulungan ang lalaki at babae.
“May kakaiba sa kaniya.”
“Oo nga, eh.”
“Iyong Erik ay galing sa Pangkat ng mga Ahas.”
“Bumalik na kayo,” pag-uulit na utos ni Johan.
Hindi siya pinansin ng dalawa.
“Hermia! Puwede ba naming i-uwi ang papa namin? Bigyan mo siya ng araw ng pahinga, pakiusap?” Hinawakan pa ng babae ang magkabilang kamay ni Hermia.
‘Walang pahinga si Johan. Matanda na rin siya, kaya kailangan niya ng bakasyon,’ Hermia.
“Sige ba! Isang masipag na katulong si Johan sa Palasyo, isa rin siyang pinagkakatiwalaan ni papa. Kaya kayo na ang bahala sa bakasyon niya!” masiglang salita ni Hermia.
Natuwa ang babae at lalaki.
“Ang pangalan ko Anahita at siya naman si Adair,” pakilala ng babae sa sarili at sa lalaki.
Ngumiti sa isa't isa sina Hermia, Erik, Anahita, at Adair.
Napa-iling-iling si Johan.
‘Bakasyon ba kamo? Baka hindi ako makakapagpahinga dahil maraming magmamaka-awa sa akin na turuan ko sila. Marami akong magiging estudyante.’
“Susulatan ka na lang namin, ah! Kailangan mong pagpahingahin ang pagiging bida mo, tanda. Hahaha!” Paalam ni Erik kay Johan.
“Magpakasaya ka sa bakasyon mo, tatawagin o susulatan ka na lang namin kung kailan ka babalik,” Hermia.
—
Isang buwan na ang nakalipas. Naka-uwi na sila Hermia sa Bundok ng kagandahan.
Sinama niya ang Pangkat ng mga Kuneho at Asong Lobo.
Nasundo na rin nila sina Dayang, Eli, at Teresa.
Ang daming nagtaka kung sino si Dayang. Pinakilala ni Hermia sa lahat na matalik na kaibigan niya ito.
Pero ang daming nagtataka dahil tinatawag ni Dayang si Hermia na mama.
Sa isang buwan na payapa ay laging tamad si Hermia.
Kain, tulog, at pinapanood ang lahat na kasamahang mag-ensayo.
Noong malaman nina Eli at Teresa na espisyal sila ay lagi na rin silang nag-eensayo.
Lagi rin bumibisita si Enriquez sa kanila. Hindi alam ng mga kasamahan ni Hermia kung paano niya nailigtas si Enriquez. Sa tuwing magtatanog sila ay iiwasan ni Hermia iyon.
Bakit?
May masamang alaala si Hermia noong ililigtas niya sa kamatayan si Enriquez at ang anak ng Diyosa ng Kalikasan.
At iyon ang rebultong ginawa sa kaniya ng mga tao. Hindi siya masaya roon.
“Ngayong natatanaw ko ang rebulto na iyon...” salita ni Alejandro.
“Rebulto?” malamig na tanong ni Hermia.
‘Bumabalik talaga ang masamang pangyayari na iyon,’ Hermia.
“May pagkahawig kayo, Hermia,” pagpapatuloy ni Alejandro.
Matatanaw sa Bundok ng Kagandahan ang rebulto dahil sa laki nito.
Pasikretong ngumiwi si Hermia.
“Alejandro may ipapagawa ako sa iyo.”
“Ano iyon?”
“Wasakin, paguhuin, pasabugin o kahit ano para lang mawala sa paningin ko ang rebulto na iyan. Bibigyan kita ng maraming pera.”
Umiling si Alejandro bilang magtanggi.
“Huh?! Bakit ayaw mo?!” gulat na tanong ni Hermia kay Alejandro.
“Hindi ko kailangan ng pera,” tugon ni Alejandro.
Tumawa si Hermia at may napagtanto.
‘Hindi pala matakaw si Alejandro sa pera. Sobrang bait na tao naman niya kung libre niyang gagawin. Bida nga naman, oh.’
“Nanghihinayang ako sa rebultong kamukha mo kaya hindi ko sisirain ang napakagandang bagay na iyon,” masaya pang salita ni Alejandro.
Nawalan ng pag-asa si Hermia dahil sa sinabi pa ng mabait na si Alejandro.
BINABASA MO ANG
Hermia
FantasíaSi Hermia ay naniniwalang walang pakielam sa kaniya ang reyna, ang mama niya. Kaya tinuon na lamang ni Hermia ang atensyon niya sa nanay-nanayan niyang si Grace Villin. Pero noong nahulog siya sa hagdan, nakita niya ang nanay-nanayan niyang...