Kabanata 29: Lesson (2)

322 19 0
                                    

   “Ughh... ang sakit ng ulo ko,” daing ni Alejandro.

   Tahimik na napatingin sina Hero at Aragon kay Alejandro. Nasa hapag kainan silang lahat para mag-almusal.

   ‘Ayos pa kaya ang kalusugan ng isip ko?’

   Iisa lang ang tanong nina Hero at Aragon sa isip nila.

   Naalala nila kagabi kung gaano kalasing si Alejandro.

   Nagsisi sila kung bakit nila niyaya, pinilit ang mahiyain at inosenteng si Alejandro sa inuman.

   Noong tuluyan na ngang nalasing si Alejandro ay pinapagalitan sila at hinila sila palabas para gawin ang tinatawag na lesson.

   Ang lesson na ginawa ni Alejandro sa dalawa ay pinatakbo niya ang mga ito at kapag nahabol niya ay isasama niya sa Gubat ng Kamatayan.

   Kaya walang nagawa sina Hero at Aragon kung hindi ay tumakbo nang tumakbo kung saan man makarating ang mga paa nila at magtago na rin kung saan-saan.

   Umaabot iyon hanggang sa tumaas na ang araw.

   Habang hinahabol sila at hinahanap sila ni Alejandro ay tumatawa pa ito. Nagkuwe-kuwento kung gaano nakakatakot ang mga halimaw sa Gubat ng Kamatayan. Sinasabi niya rin ang mga bawat ditalye ng hitsura ng mga halimaw.

   Hindi maiwasang ma-imahe sa isip nila Hero at Aragon ang hitsura ng mga nakakatakot na halimaw. Pero mas natatakot sila sa taong humahabol sa kanila.

   Kaya parang silang tumatakbo papalayo kay kamatayan. Pakiramdam ng dalawa ay nasa bingit na sila ng kamatayan.

   Mabuti na lang at dumating si Hermia habang buhat-buhat ang pusa at ahas. Umaga na.

   Naawa sa kanila si Hermia. Binaba muna ni Hermia ang dalawang bata at pasimple siyang lumapit sa likod ni Alejandro, pagkatapos ay hinampas niya ito gamit lamang ang kamay para makatulog.

   Pero kahit ganoon ay hindi pa rin gumagaling ang takot nina Hermia, Hero, at Aragon kay Alejandro.

   Nakita nila ang epekto kapag nalalasing si Alejandro.

   “Wala akong maalala,” naguguluhang wika ni Alejandro.

   ‘Ang sakit ng paa ko kakatakbo,’ Aragon.

   ‘Hindi ko na bibigyan ng alak si Alejandro,’ Hero.

   ‘Bakit ba nila kasi nilasing si Alejandro?!’ Hermia.

   “Ayos lang po kayong lahat?” tanong ni Teresa kina Alejandro, Hermia, Hero, Aragon dahil naririnig niya at ni Eli ang daingan ng apat.

   “Hahaha, ayos lang kami. Kumain lang kayo diyan para lumaki agad kayo.” Ngumiti pa si Hermia sa dalawang batang walang ka-alam-alam.

HermiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon