Kabanata 18: Alejandro (1)

1.2K 37 0
                                    

   Mabilis ang paglalakad ni Hermia pagkagising niya pa lang.

   Hinintay niyang umalis sina Liam at Grace para hindi siya nito pigilan. Maraming aasikasuhin sina Liam at Grace dahil sa pagkamatay ni Heroine.

   Sa tuwing makakakita si Hermia ng mga katulong ay nagtatago siya. Hindi siya nagpakita sa lahat. Basta ang alam ng lahat ay nagpapahinga siya.

   Umakyat sa pader at magtago sa mga sulok-sulok o kaya ay sa madidilim na parte. Ginawa lahat iyon ni Hermia para lang makalabas ng palasyo.

   Nang nakalabas na siya sa palasyo ay napatitig naman siya sa madilim na gubat.

   ‘Ang galing, kahit na gusto kong umiyak ay hindi ako maka-iyak at nakokonsyensya ako dahil doon.’

   Matapang na pumasok si Hermia sa Gubat ng Kamatayan.

   Ang Gubat ng Kamatayan ay pinaniniwalaang kapag pumasok ka pa lang ay mamatay ka na dahil sa mga mababangis na halimaw.

   ‘Nauuhaw akong pumatay ng mga halimaw.’

   Nang banggitin ni Hermia ang salitang ‘halimaw’ sa isip niya ay naalala niya sina Paham at Logan. Hindi niya rin alam kung bakit hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin siya ng pagka-inis at yamot sa tuwing naalala niya ang dalawang taong pinatay niya.

   ‘Sinasabi sa akin ng kutob ko na marami nang pinatay ang dalawang iyon na humaharang sa pagiging buwaya nila. Pero wala na ang dalawang buwaya dahil pinatay ko na sila. Mukhang nakuha ko rin ang pagiging halimaw nila dahil nagawa ko ring pumatay. Ayon ang unang beses na naka patay ako ng tao—hindi, ng hayop.’

   Sa paglalakad niya sa madilim na gubat ay naririnig na niya agad ang mga halimaw.

   “Kirikkii!!!”

   “Roaaaweeerrrr!”

   ‘Heh.’

   Natatawa na lang siya sa pagkasabik.

   May tumalon sa kaniyang halimaw na maliit.

   Dahil mas maliit lang sa kaniya ang halimaw na itim na itim, isang sakal at bali lang nang buto ang ginawa niya. Pagkatapos ay hinagis niya lang ito sa tabi.

   Sa katunayan, lahat ng mga makikita mo rito ay dilim. Puro mga itim at wala kang makikitang maganda rito. Mga puno, mga lupa, at mga halimaw ay lahat itim.

   Hindi rin masyado nasisinagan ng araw ang gubat na ito dahil hinaharangan ang araw ng mga naglalakihang puno. Laging gabi lang ang gubat na ito kapag pumasok ka.

   Isa, dalawa, tatlo, at hanggang sa hindi na mabilang ni Hermia ang mga napatay niyang mga halimaw.

   Pero ngayon ay nag-iba na ang sitwasyon ng mga halimaw at ni Hermia.

   ‘Ha! Nakalimutan kong kapag napagod ako ay manghihina agad ako! Kulang talaga ako sa istamina! Malakas nga ako pero mabilis din akong manghina! May limitasyon nga pala ang tibay ko! Bakit ko nakalimutan?!’

   Hinahabol na siya ngayon ng mga malalaki at maliliit na halimaw.

   Takbo lang nang takbo si Hermia. Kada takbo niya ay marami siyang naakit na mga halimaw kaya parami nang parami ang mga humahabol sa kaniya.

   ‘Huh?...’

   May lalaking bigla na lang sumulpot sa pagtakbo niya. Hinila at binuhat siya nito na parang sako.

   “Kiki?!”

   “Rarreiieisi?”

   Tumingin si Hermia sa mga halimaw dahil bigla itong mga umatras.

   Takot na takot ang mga ito, sa sobrang takot ng mga halimaw ay pinag-uuntog nila ang mga sarili nila.

   ‘Bakit?’ 

   Tumigil na sa pagtakbo ang lalaki at binaba na siya.

   Tumingala si Hermia sa lalaki. Nagtataka siya.

   ‘Takot sa kaniya ang mga halimaw. Bakit?’

   Tanong ni Hermia sa isip niya habang nakatingala sa lalaki. Para sa kaniya ay kakaiba ang lalaking nasa harapan niya.

   ‘Itim na mata at buhok... isa ba siyang halimaw? Pero mukha siyang tao, hindi. Tao talaga siya.’

   “Sino ka?”

   “Alejandro. Alejandro ang pangalan ko,” masaya nitong pakilala kay Hermia.

   ‘Hmm? Bakit parang ang saya niya yatang makita ako?’

  

HermiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon