Kabanata 43: Misteryosong Salamangkero (3)

208 21 0
                                    

   “Anong pangalan mo?” tanong ni Hermia sa misteryosong salamangkero nang maka lapit siya kila Alejandro.

   Tinignan siya ng mabuti ng misteryosong salamangkero.

   “Hindi ko pa rin makuha... bakit kasama ka ng mga bida?”

   Napatigil ang lahat dahil sa tanong na iyon.

  Mabilis na umayos si Hermia.

   “Alam mo?” kalmadong tanong ni Hermia.

   Tumango ang misteryosong salamangkero.

   The Hero's Sacrifice. Alam niya.

   ‘Tama rin ang sinabi niya, mukhang nabasa ni Hermia ang kuwento, alam na ni Hermia ang lahat kaya bakit pa magpapakatangang hindi ko rin alam ang kuwento?’ misteryosong salamangketo

   “Alejandro, tanggalin mo ang maskara niya,” utos ni Hermia.

   Lumapit si Alejandro sa naka taling salamangkero.

   “H-huh?! Alejandro! Bakit ka sumusunod sa kontrabida na iyan! Bida ka at kontrabida lang siya! Hoy!”

   Kahit anong gawin ng misteryosong salamangkero ay hindi niya napigilan si Alejandro na tanggalin ang maskara niya.

   Kahel ang kulay ng buhok niya at makapal ito, kulay pilak naman ang mga mata niya.

   “Hmp, ayos lang,” mahinang salita nito.

   Lumuhod si Hermia para magkapantay sila ng lalaking nakatali at upo sa ilalim ng puno.

   “Naalala ko ang sinabi mo sa akin bago mo ako habulin, sino ang nag-utos sa iyo na burahin ako?”

   Umiwas nang tingin ang lalaki. Ayaw niyang sagutin ang tanong ni Hermia.

   “Ang Prinsipe ng Alenua?”

   Nanginig ang mata ng lalaki.

   ‘May reaksyon,’ Hermia.

   “Kahit patayin niyo ako, hindi ko sasabihin.” Pumikit ng taimtim ang lalaki at umiling.

   “Napakamatapat mo naman sa tao na iyon,” natatawang komento ni Hermia.

   ‘Hindi ko alam pero, parang tumayo yata ang mga balahibo ko,’ misteryosong salamangkero.

   “Pangalan mo?” tanong ni Hermia na ayon lang ang sinagot sa kaniya ng misteryosong salamangkero.

   “Mago Guiden.”

   “Hmm, Mago, nakikita mo ba ang mga tao sa paligid ko? Alam mo naman yata ang kaya nila, hindi ba?” Ngumisi pa si Hermia.

   ‘Mukha rin namang alam mo ang kuwento at alam mo rin na isa akong kontrabida sa kuwento.’

   ‘Sabi na, eh, kolektor talaga siya ng malalakas! Alam ba ng mga bida na kontrabida si Hermia?! Sasabihin ko!’

   Tumingin si Mago kay Alejandro para sabihin na kontrabida si Hermia, pero napatigil siya.

   ‘Hindi sila maniniwala dahil wala akong ebidensya! Magmumukha lang akong katawa-tawa!’

   “At Mago,”

   Bumalik ang tingin ni Mago kay Hermia.

   “Alam mo rin kung anong kaya kong gawin, hindi ba?”

   Ngumisi ng mala kontrabida si Hermia kay Mago.

   Namutla ang mukha ni Mago.

   Nabasa niya ang kuwento, kaya alam niya kung anong kayang gawin ni Hermia kahit na mahina lang ito. Ang Hermia sa kuwento ay malakas ang pag-uutak, paano pa kaya ang babaeng nasa harapan niya na nakangiting mala kontrabida sa kaniya.

   ‘Ang babaeng ito... isa talaga siyang kontrabida, kahit na patay na ang dalawang taong magpapakontrabida sa kaniya. Mahihirapan akong patayin siya, lalo na kung napunta na sa mga palad niya ang mga bida. Pero bumalik ba siya sa oras? Naglakbay ba siya sa nakaraan para patayin ang dating hari at ang kanang kamay nito na magpapakontrabida sa kaniya? Kung bumalik nga talaga siya sa nakaraan, sigurado akong kaya niya iyon nagawa dahil ginawa siyang kontrabida ng dalawa kaya gumanti siya, nagsisi siguro siyang nakinig sa lolo niya.’

 
  

  

HermiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon