Kabanata 64: Ang Pagtitipon (4)

145 13 0
                                    

   Nagtungo ang grupo nila Hermia sa Kaharian ng Pershia.

   Sa isang malaking gubat sa Pershia nakatira ang iba't ibang pangkat. Pupuntahan na lang nila ang gubat na iyon dahil nakapasok na sila sa Kaharian ng Pershia.

   Hindi na rin kailangan ni Hermia ipaalam na tutungo sila sa Pershia dahil hindi na siya prinsesa.

   “May problema ba, Erik?” tanong ni Hero nang mapansin niyang may kakaiba kay Erik.

   “Nag-alala ka bang hindi ko sinama sina Eli at Teresa? Huwag kang mag-alala, inaalagan sila ni Enriquez,” ani ni Hermia kay Erik para mapanatag ang loob nito.

   “Hindi iyon... ahm... ha...” Napahilamos na lamang si Erik sa mukha.

   “Sabihin mo na kasi,” salita naman ni Jet kay Erik.

   Pumikit muna si Erik. “Hindi namin binanggit sa inyo ang dahilan na kung bakit kaming tatlo nina Eli at Teresa pagala-gala. Ang totoo niyan...”

   Nahihirapan si Erik kung sasabihin niya, nahihiya siya. Ayaw niyang bumaba ang tingin ng lahat kina Eli at Teresa.

   “Pinagtaksilan niyo ang pangkat niyo?” Johan.

   Umiling si Erik.

   “Nagnakaw kayo, kaya pinatalsik kayo ng pangkat niyo?” Hero.

   Umiling si Erik.

   “Naligaw kayo ng daanan pa-uwi sa pangkat niyo?” Alejandro.

   Umiling si Erik.

   “Pumatay kayo ng tao?” Jet.

   Umiling si Erik.

   “Eh, ano—sabihin mo na kasi!”

   Hindi na ni Mago mapigilan ma-inis.

   ‘Hindi kami manghuhula! Tae naman, oh!’ Mago.

   “Ano kasi—” Naputol ang sasabihin ni Erik nang nagsalita si Hermia.

   “Hindi makapag-anyong tao sina Eli at Teresa, tama?”

   Tumahimik ang lahat.

   Habang si Erik ay nanginig ang mga mata niya dahil sa emosyon.

   ‘Matagal ko ng pinag-iisipan ang bagay na iyon, mukhang tama ako,’ Hermia.

   ‘Ang Hermia sa kuwento... ayaw niya sa mga bagay na walang kuwenta. Paano kung ang tingin na niya ngayon kina Eli at Teresa ay walang kuwenta? Pero, iba na siya ngayon, hindi na siya ang Hermia sa kuwento. Magka-iba sila,’ Erik.

   “Sa totoo niyan na-iinis ako.”

   Nagsimulang mawalan ng pag-asa ang lahat dahil sa sinabi ni Hermia. Maliban na lamang kina Amari, Jet, at Mago na nagtataka sa simoy ng hangin.

   ‘Ano pang inaasahan niyo? Kontrabida si Hermia, hindi ba?’ Mago.

   Nawala ang hangin ng kawalaan ng pag-asa sa sunod pang sinabi ni Hermia.

   “Na-iinis ako dahil sa tingin ko inaapi sina Eli at Teresa sa pangkat dahil hindi sila makapag-anyong tao. Tama ba?”

   “T-tama! Inaapi sina Eli at Teresa sa pangkat dahil hindi sila makapag-anyong tao!”

   “Kaya tinakas ko sila!”

   Nakaramdam nang ginhawa si Erik dahil nasabi na niya rin.

   ‘Nandito kami sa Pershia, tutungo pa kami sa gubat kung saan nandoon ang iba't ibang pangkat,’ Erik.

   “Ang Pangkat ng Ahas at Pusa... ganoon ba kabobo ang pinuno niyo sa pangkat?” natatawang singit na tanong ni Amari.

   “Huh?”

   Nagsimulang magtaka ang lahat.

   “Hindi ba nila alam o nagbubulag-bulagan lang ang iba sa kanila?”

   “Lola?”

   Ngumiti si Amari sa lahat at nagsimulang magpaliwanag.

   “Ang mga matagal makapag-anyong tao ang siyang pinakamalakas. Bihira lang sa bawat pangkat ang may ganoon,”

   “Kaya tumakbo ka na kung may kakilala kang katulad ni Eli at Teresa.”

   Napangiti ang lahat.

   Puno ng magkasabik si Erik, gusto niyang sabihin kina Eli at Teresa ang bagay na sinabi ni Amari para hindi na talaga malungkot ang dalawang bata.

   Tumigil na ang karwaheng nagpapatakbo ay ang mahika ni Amari.

   “Nandito na tayo,” ani ni Hermia.

   Isa-isa silang bumaba sa sinasakyang karwahe.

   “Kailangan na nating puntahan sina Ramon at Nori,” masaya pang wika ni Hermia habang nililibot ang mata sa kapaligiran.

HermiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon