“Nandito na sila Hermia.”
Naglalakad palapit sina Hermia, Amari, Johan. May dalawa silang kasama. Si Nori at Ramon.
“Ang galing naman. Nagtitipon na ang lahat, huh,” komento ng lalaki kay Hermia.
Nakalapit na sila Hermia sa tabi nila Alejandro.
“Syempre para matuwa ka. Hindi ba nakakatawang tignan na magkakasama kami? Pftt,” natatawang tugon ni Hermia.
Tumingala at tumingin si Hermia kay Alejandro.
“Kilala mo ba siya Alejandro?”
Tumango si Alejandro at sumagot, “Isang taong kakilala ko lang.”
Lumaki ang mata ni Mago. ‘Huh?! Magkakilala ang bida at ang may-akda?! Paano?!’
Nagsimulang gumulo-gulo ang utak ni Mago.
“Ang sakit mo naman magsalita, Alejandro. Hahaha!” Umaktong nasaktan ang lalaki sa pagsabi ni Alejandro na isa lamang siyang kakilala.
Natawa si Hermia. ‘May saltik na may-akda.’
Tumingin ang lalaki kay Mago at ngumiti.
“Ang galing naman, pinagtaksilan niyo na agad ako ni Atlas, Mago?”
Natawa si Mago dahil sa pagka-inis.
‘Wala akong mapapala kung sasama ako sa iyo. Tsk, mas gusto ko pa ang matalinong Hermia ang sundan ko.’
“Jusko... kawawa ka naman,” nagkukunyaring naawang wika ni Hermia sa lalaki.
‘Anong pang ginagawa namin dito?’ iisang tanong ng Pangkat ng mga Tigre.
“Hermia, ayan ba ang bobong nilalang na sinasabi mo?” bulong ni Amari kay Hermia. Tumango si Hermia bilang tugon.
“Mukha siyang normal na tao na parang hindi,” salita pa ni Amari.
‘Syempre hindi siya normal na tao,’ Hermia.
“Pakiramdam ko nasa harapan ko ang isa sa mga Diyos at Diyosa.”
Napatigil si Hermia dahil sa sinabi pa ni Amari.
“Huh? Nakakita ka na ng Diyos at Diyosa?” nagtataka at usyosong tanong ni Hermia kay Amari.
“Mhm, ang Diyosa ng Kalikasan ang laging nagpaparamdam sa akin paminsan-minsan.”
“Oh, nagparamdam na naman siya. Siya pala ang nararamdaman ko.” Tumingin si Hermia sa isang puno.
Ang mga sanga nito ay medyo gumagalaw.
“Ang Diyosa ng Kalikasan, huh... tsk tsk,” mahinang salita ng lalaki nang maramdman ang presensya ng diyosa.
Nakaramdam nang pagka-irita ang lalaki.
“Kayo,” tawag niya sa Pangkat ng mga Tigre.
“Lusubin niyo sila.” Tinuro niya ang grupo nila Hermia.
Mabilis sinunod ng Pangkat ng mga Tigre ang lalaki at nilusob sila Hermia.
“Tsk!” Mabilis gumawa ng malaking kalasag si Amari sa buong grupo nila.
Pinagsusuntok nang Pangkat ng mga Tigre ang kalasag pero kahit isang daan na suntok ay hindi pa rin nasisira.
“Anong kaguluhan ito?”
May sumulpot na lalaking nakasakay sa itim na kabayo.
‘Parang nangyari na ito,’ komento ni Hermia habang pinapanood na bumaba ang lalaki sa kabayo.
‘Ngayon, sino na naman ito?’
“Ilang beses ko ba sasabihan ang Pangkat ng mga Tigre na huwag mangmaliit at manggulo.”
Tuluyan nang nakababa ang lalaki sa kabayo at nilapitan ang Pangkat ng mga Tigre.
“P-paumanhin, kamahalan...” paumanhin ng pinuno ng Pangkat ng mga Tigre sa lalaki.
Tinapik nito ang balikat ng pinuno at nagsalita, “Sana huwag na itong mauulit.”
Tumango ang Pangkat ng mga Tigre.
“Magandang araw, kamahalan!” pagbati nina Nori at Ramon sa lalaking dumating.
Ngumiti ang lalaki na siyang nagdulot ng kasilawan ng buong paligid. Kulay puti at mahaba ang buhok nito, mala dagat ang mga mata.
May napagtanto si Hermia.
“Ah, ang Hari ng Pershia.”
Nagsimulang mayamot si Hermia.
“Oh, ang Prinsepe ng Thelanisus.”
Napansin na nang hari si Hero.
“At ang Prinsesa ng Thelanisus. Kahit na hindi ka na prinsesa, isa ka pa ring prinsesa rito sa Pershia.”
Hindi siya pinansin ni Hermia.
“Huwag kayong mag-away, hindi ba dapat ay magtulungan tayong lahat?”
Dahil doon ay hindi na ni Hermia maiwasang umirap.
‘Naalala ko na. Siya ang batang Hari ng Pershia. Kilala siya sa pagiging mabait. Napaka taong mabanal,’ Hermia.
BINABASA MO ANG
Hermia
FantasySi Hermia ay naniniwalang walang pakielam sa kaniya ang reyna, ang mama niya. Kaya tinuon na lamang ni Hermia ang atensyon niya sa nanay-nanayan niyang si Grace Villin. Pero noong nahulog siya sa hagdan, nakita niya ang nanay-nanayan niyang...