Unang napansin ni Lucid ang mga Norzinian dahil sa lakas ng mga presensya nila. Hindi niya pinagtuonan ng pansin ang grupo nina Steffy dahil wala naman siyang napapansin na malalakas na aurang nakapaligid sa kanila.
Napangiti si Lucid bago itaas ang kamay at may lumabas na namang magic beast na galing sa kung saan. Biglang inatake ng magic beast na ito ang grupo nina Ruffin.
Agad naman silang naglabas ng kanilang kapangyarihan at pinatama sa magic beast na kamukha ng isang lobo.
"Tahanan nina tito at tita iyan di ba? Sabi ko na nga ba, walang makakatanggal sa mga harang na gawa ko. Galing ko talaga." Pumalakpak pa si Steffy matapos purihin ang sarili.
"Apat na magic beast lang pero ang dami ng bangkay sa paligid?" Takang tanong ni Rujin.
"Wala silang mga pakiramadam. Ang tanging alam nilang gawin ay manira, pumatay at kumain ng mga lamang loob. Hindi nila makokontrol ang kanilang sarili dahil may kumukontrol sa kanila." Sagot ni Arken at napatingin kay Lucid sa di kalayuan.
"Mukhang summoner ang isang yan a." Sabi ni Geonei sabay turo kay Lucid na nakatayo lang sa di kalayuan at nanonood sa laban.
Walang pumansin sa mga Norzinian na nakikipaglaban sa magic beast na may katawang lobo.
"Naka-program sila. Para silang robot na ni-program sa pagpanira. At walang ibang may alam gumawa sa program na ganito maliban sa mga Hanaru. Sila lang naman ang magaling magkontrol ng mga katawan ng iba." Sagot naman ni Asana.
"Anong gagawin natin?" Tanong ni Izumi. Napatingin sila dahil may tumunog. Tunog ng ngumunguya. Kaya naibaling nilang muli ang tingin Steffy.
Natuklasan nilang isusubo pa lang nito ang hawak na prutas. "Bakit sa akin na naman kayo nakatingin? Ako lang ba ang mahilig kumain dito?"
Hinanap nila kung sino ang ngumunguya at nakita si Hyper na tinatago ang hawak na prutas.
"Nakakakain kayo sa lagay na yan?" Di makapaniwalang tanong ni Asana.
"Kailangan ko ng energy dahil sa mga nakikita ko. Bawal ba iyon?" Sambit ni Hyper at mabilis na nilunok ang anumang hindi pa nalulunok.
"May nagsoshooting kaya dapat may meryenda." Sagot naman ni Steffy.
Mabilis silang nagsialisan sa kinatatayuan makita ang papalapit na kayawan ni Mesia na tumilapon sa gawi nila.
Napaungol ang babae at sumuka ng dugo. Pero gusto pang sumuka ulit ng dugo makita ang grupo nina Steffy na nakatayo lang at parang wala lang sa kanila ang mga nangyayari sa paligid. Samahan pa ng kumakain na dalawang kabataang ito habang nakayukong nakatingin sa kanya.
"Ano pang ginagawa niyo? Bakit nakatayo lang kayo? Labanan niyo na sila!" Sigaw niya kina Steffy at napaungol nang subukang tumayo.
"Mamaya na, nanonood pa ako." Sagot ni Steffy.
Ilang sandali pa'y nakarinig sila ng hiyaw. Isa na naman sa mga kasamahan ni Mesia ang tumilapon.
"Nandito kayo para tumulong di ba? Bakit nakatunganga lang kayo?" Galit na sigaw ni Rohan. Nahihirapan na kasi sila sa pagtalo sa nag-iisang lobo na ito tapos mukhang natutuwa pang manood ang mga kabataang ito?
Wala ding makalapit-lapit kay Lucid dahil ang mga mandirigmang sinikap makapunta sa gawi niya bigla nalang di nakokontrol ang mga sarili at ang mga kasamahan ang biglang inaatake. Kaya wala ng may gustong lumapit dahil sa takot sa half-mysterian snake beast na si Lucid.
Ang mga mandirigma naman, natuwa na sana nang malamang dumating na ang tutulong sa kanilang mga Naicronian, pero nadismaya makitang isa lamang grupo ng mga kabataan ang dumating. At mukhang wala ding balak tumulong at lumaban.
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasyRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...