Nakaupo si Sioji sa itaas ng sanga ng puno. Saglit nga lang siya sa Naicron Academy naiinip na agad siya. Wala na ang maingay at makulit niyang pinsan. Wala ang palaging nagyayaya sa kanyang lumabas at kung saan-saan siya dinadala.
Hindi niya alam kung ano ang nangyari ngunit bigla silang pinagbawalan nina Yuji at Stella na lumabas pang muli ng Naicron Mountain. Hindi rin sila pinayagang sundan si Steffy na ikinainip niyang lalo. Ayaw na niyang mananatili sa iisang lugar katulad ng dati. Mas natutuwa siyang maglakbay kasama ang kanyang pinsan at makipaglaban.
Kaya naman naisipan niyang lumabas ng Naicron at sundan si Steffy.
Aalis na sana nang makita ang bulto ni Rujin at Geonei na mukhang may balak ding palihim na lumabas ng Academy.
Patungo ang dalawa sa likod ng Academy, na sinundan naman agad ni Sioji.
"Psst! Saan kayo pupunta?" Napapreno ang dalawa nang marinig ang tanong ni Sioji kaya sabay silang napalingon.
"Ano ba! Bakit ka nanggugulat?" Sigaw ni Rujin na tinapik pa ang dibdib.
"May balak kayong tumakas ano?" Tanong pa ni Sioji.
Hindi kasi pumayag ang Headmaster na umalis sila sa Naicron at sundan si Steffy. Unang-una dahil hindi sila makakapag-teleport patungo sa exiled land kung nasaan si Steffy. Wala rin silang special teleportation scroll na maghahatid sa kanila sa lugar na iyon.
Hindi rin sila katulad ni Steffy na kayang maglabas-pasok sa kahit ano mang uri ng magic barrier. Wala kasing nakakapunta sa Exiled land gamit ang ibang teleportation item maliban sa special teleportation scroll o ba kaya ang dumaan sa teleportation array sa Hanje City.
Ang Hanje City ang pinakamalapit na lugar sa Exiled land ngunit siyang pinakamagulong lugar sa Hariatres. Lahat na yata ng krimen matatagpuan na sa lugar na ito. Pinamumugaran din ito ng mga bandido, mga takas na mga kriminal ng Hariatres at pinamumunuan ng mga masasamang Mysterian.
Higit sa lahat, may mga halimaw ang nanggugulo sa Hanje city na siyang dahilan kung bakit palihim na nagpadala ng mga tauhan ang Naicron sa lugar na ito.
Gusto nilang alamin ang dahilan ng paghahasik ng lagim ng mga halimaw. Kung galing ba sa Monsterdom ang mga halimaw na ito o gawa ba ito ng mga Hanaru? Kaya ayaw ng Headmaster na pumunta sila sa Exiled land dahil kailangan pa nilang dumaan sa Hanje city kung gusto nilang makapasok sa lugar na iyon.
Nag-alala kasi ang mag-asawang Arizon na baka mahuli sila ng mga Hanaru o ba kaya ng kahit sinong mga masasamang Mysterian lalo na sa tunay na naghahanap sa mga katulad nila. Alam ng mag-asawa kung gaano kahalaga ang dugo ng mga Chamnian sa katawan ng mga Mysterian. At kung mahalaga man ang dugo ng mga Chamnian mas mahalaga ang dugo at kapangyarihan nina Sioji at ng mga kaibigan nito kumpara sa iba.
At kung tungkol naman kay Steffy, nag-alala sila hindi sa dalaga kundi sa mga Mysteriang mabibiktima ng inosente niyang mukha. Hindi siya katulad ng ibang Chamnian na mahalaga ang dugo dahil nakakamatay ang dugo niya.
Ang tanging magagawa lang nila ay hintayin na si Steffy mismo ang kusang bumalik. Nakakapag-teleport naman ito dahil halos dinala lahat ng mga makikitang teleportation stone sa Naicron Academy, sa palasyo ng Naicron at sa palasyo sa Arizon City.
Sila kahit ilang teleportation item pa ang gamitin nila patungo sa exiled land wala ring silbi. Sa ibang lugar parin ang bagsak nila dahil hindi sila makakapasok sa magic barrier sa lugar na iyon.
"Sinong may balak tumakas? Magpapahangin lang kami." Sagot ni Rujin.
"Oo magpapahangin lang kami." Sagot din ni Geonei na tumango-tango pa.
"Wala kayong balak tumakas?" Tanong ulit ni Sioji.
"Wala!" Panabay pang sagot ng dalawa.
"Sige. Maiiwan ko na kayo." Sagot ni Sioji at nilagpasan na sila.
Nagkatinginan tuloy ang dalawa at hinabol si Sioji.
"Uy! Sandali! Saan ka pupunta?" Tanong ni Rujin at sumabay ng lakad kay Sioji.
"Tatakas. Kung gusto niyong manatili rito, maiiwan ko na kayo." Sagot ni Sioji na mas binilisan pa ang paglakad.
"Sioji! Sandali! May naalala ako!" Sabi agad ni Rujin na humabol ulit kay Sioji.
"Ano yon?" Tanong ni Sioji habang patuloy parin sa paglakad na di tinatapunan ng tingin ang kausap.
"Naalala ko ng balak ko palang tumakas." Sagot ni Rujin.
Sioji: "..." Wala tuloy masabi si Sioji.
"Ako din may naalala ako." Pagsisimula din ni Geonei.
"Na gusto mo ring tumakas?" Tanong naman ni Sioji.
"Hindi no. Masunurin ako. Hindi ako tulad ni Rujin na matigas ang ulo." Proud niyang sagot na itinaas pa ang noo.
"E ano?" Kunot-noong tanong ni Sioji.
"Naalala ko ng gusto ko ring sumama sa inyo." Sagot nito sabay ngiti.
Sioji: "...." Bakit may mga mala-Steffy sa lugar na ito?
Rujin: "..."
"Nasaan ang masunuring sinasabi mo?" Tanong ni Sioji sabay ikot ng mata.
"Pareho lang yon a. Binago lang ang version ko." Sagot din ni Rujin.
Papalapit na sila sa kakahoyan nang makarinig ng boses sa ibang parte ng lugar. At dahil pamilyar ang mga boses hinanap nila ito.
"Sigurado ka bang may daan dito palabas ng Naicron?" Tanong ni Arken.
"Meron nga. Kaya bilisan mo na diyan." Sagot din ni Hyper na hinila pa si Arken dahil tumigil.
"Huy! Saan kayo pupunta?" Napatigil sila sa narinig at napalunok laway na napalingon sa gawi ng bagong dating.
"Tatakas? E ano ngayon?" Sagot ni Hyper at inirapan pa ang mga babaeng papalapit sa gawi nila.
Napalunok-laway siya makitang masama ang tingin na binigay sa kanila ng mga babae.
"Uy! Uy! Wag kayong magalit sa akin. Pinilit lang ako ni Arken! Tama! Pinilit lang ako ni Arken." Sagot pa niya.
Arken: "???" Kailan ko pa siya pinilit? Ako pa nga ang hinihila di ba?
Napaungol si Hyper nang batukan ni Arken.
"Totoo ba yon Arken?" Nanlilisik ang mga matang tanong ni Asana na ikinalunok laway ng lalake.
Arken: "Bakit mukha yatang mas mapanganib ang isang to kaysa kay Steffy?"
"Totoong balak kong tumakas pero ang pilitin itong sumama, isasama ko pa ang unggoy kaysa sa isang to." Sagot din ni Arken na ikinanguso ni Hyper.
Lalo namang sumama ang mukha ni Asana.
"Alam mo namang utang ko kay Steffy ang buhay ko. Sa palagay mo ba mananatili ako dito? Hindi ko ito lugar. Kung nasaan si Steffy nandoon ako." Paliwanag ni Arken. Lalo namang dumilim ang mukha ni Asana sa narinig.
"E bakit di mo kami niyaya ha?" Pinaghahampas ang lalake na ikinatakbo nito.
"Bakit niyo kami iniwan ni di man lang kayo nag-aya?" Patuloy sa paghahampas sa kaibigan at patuloy namang sinasalag ni Arken gamit ang kanyang mga braso para protektahan ang mukha.
"Oo na! Kasalanan na namin." Sagot ni Arken na napatago na lamang sa likuran ni Izumi para tigilan na ni Asana.
***
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasyRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...