Steffy 188: Branch Academy

734 60 2
                                    

"Ang lalakas ng mga aura nila." Sambit ni Arken mapansing may malalakas na mga aura ang nakapaligid sa katawan ng grupong humarang sa kanilang daraanan.

"Patayin silang lahat." Utos ng nagpapanggap na sugatan kanina.

Sabay-sabay na umatake ang limampung mga assassin.

Sinangga ni Steffy ang espadang papunta sa kanya.

"Teka lang. Bakit niyo ba ako dinadamay ha?" Tanong niya. Halata namang hindi sila ang pakay kaya bakit ba siya isasali?

Sinipa niya ang espada ng kalaban na ikinatilapon nito. Nagulat naman ang kalaban niya, maya-maya pa'y binatukan niya ito. Natuwa siya dahil nakokontrol na niya ang kanyang lakas dahil hindi nabasag ang batok ng kalaban. Napakamot naman sa ulo ang kalaban. Pumapatay na nga siya pero binatukan lang ng papatayin niya?

"Tabi diyan. Magbi-video ako." Sabi ni Steffy. Agad namang tumabi ang umatake sa kanya kanina at hinayaang mag-video si Steffy.

Hindi rin naman ito ang pakay nila kundi si Luem na disipulo ni Elder Winfrey.

Agad namang nawalan ng malay ang mga aatake kina Asana at sa mga kasamahan niya. Namamatay o nasusugatan naman ang mga aatake sa limang mga nakahhood na mga Mysterian. Maging ang aatake kay Elder Winfrey.

Mas marami ang umatake kay Luem at nadaplisan ito sa isang fireball ng kalaban. Pero naubos din naman niya ang lahat ng mga umatake sa kanya. Agad siyang ginamot ni Elder Winfrey.

"Paano ang mga to?" Tanong ni Karl. Kaya napatingin sila sa mga nawalan ng malay na mga assassin.

"Patayin sila." Sabi ng tahimik na si Karim.

"Wag naman. Kawawa naman sila." Agad na sabi ni Steffy at hinarang si Karim na balak tuluyan ang isang assassin na naghihingalo na.

"Gamutin mo siya." Gagamutin kasi sana niya kaso nagpapanggap nga pala siyang walang kakayahan.

"Papatayin ko nga bakit ko gagamutin?" Sagot ni Karim.

Akma namang iiyak si Steffy. "Gamutin mo na. Pakiusap. Kapag ginamot mo siya iki-kiss kita kapag di mo siya ginamot iki-kiss mo siya."

Napatitig naman si Karim kay Steffy. Kundi lang nito kapangalan ang kababata niya, pinatay na rin sana niya ang babaing ito.

Ginamot na lamang ni Karim ang naghihingalong assassin na ikinagulat ng iba.

"Mga kalaban sila bakit mo ginamot?" Di makapaniwalang tanong ni Karl.

"Hindi sila ang dapat niyong patayin kundi ang nag-utos sa kanila. Dadami lang ang mapapatay niyo pero kundi ang puno't-dulo ang lulutasin niyo ang lulutasin niyo, hindi pa rin matapos-tapos ang patayang ito." Sagot ni Steffy.

"Nakapaloob sila sa isang magic spell. Isa itong spell na mapapasunod mo sa gusto mong mangyari ang sinumang matatamaan nito." Sabi naman ni Asana.

"Kaya hindi sila dapat patayin dahil wala sila sa kanilang mga sarili." Dagdag pa niya.

"Spell? May alam ba kayo kung paano ito tatanggalin?" Tanong ni Elder Winfrey.

Tumango naman si Asana at bumigkas ng mga katagang siya lamang ang nakakaintindi.

"Ayos na po. Magigising ang mga yan mamaya na di alam kung bakit sila nandito." Isa sa mga assassin ang nagising. Nagtataka pa ito kung bakit nakasuot siya ng puro itim at nakamaskara pa.

Tinanggal niya ang kanyang maskara at nagtataka kung bakit napakasakit ng kanyang mga katawan.

Siya ang in-interrogate nina Elder Winfrey at natuklasan nilang naglalakad lamang ang lalaking ito kahapon matapos ihatid ang anak sa Wynx Empire nang may kung anong tumama sa kanya at nawalan siya ng malay.

Kadalasan sa mga assassin na ito ay mga Mysterian na may malalakas na Mysterian ki. Pero nagiging puppet sila ng kung sino dahil lang sa iisang spell. Kinatatakutan ang mga spell master sa lugar na ito. Pero nagawa itong tanggalin ni Asana na mas ipinagtataka nila.

"Isa kang spell master? Anong level ka na?" Tanong ni Elder Winfrey.

May level ang bawat ability sa Wynx ngunit walang level sa Naicron Academy kaya naman di alam ni Asana kung anong level ba siya.

"Base sa pagtanggal mo sa spell na iyon maaaring isa ka ng Master." Sabi ni Elder Winfrey.

"Kakaiba ang mga batang to. Kung pwede lang sana idiretso na sila sa regular students kanina ko pa sana ginawa. Kanina ko pa sana sila ginawang disipulo." Sambit ni Elder Winfrey sa isip.

Sa totoo lang, nag-alala siya na baka matuklasan ng ibang mga guro ang kakayahan ng mga kabataang ito at gagawin silang disipulo, paano na siya? Siya ang unang nakaalam sa mga kakayahan nila kaya dapat siya ang unang makakakuha sa mga batang to. Kaya lang nagretiro na siya sa pagtuturo at higit sa lahat, isa siyang warrior at hindi spell master, hindi healer at hindi summoner na posibleng papasukan ng mga kabataang ito.

"Baka naman gusto niyong magiging guro ako?" Sabi niya.

"Ele, nagretiro na po kayo." Sagot ni Luem.

"Maging disipulo nalang." Dagdag pa ni Elder Winfrey.

"Kailangan pa nilang makapasa sa mga pagsubok." Angal ulit ni Luem na ikinabagsak ng balikat ni Elder Winfrey.

"Tayo na nga lang." Nagpatuloy na lamang sila sa paglalakbay.

Madilim na nang marating nila ang gate ng Wynx Academy.

"Tingnan mo, hindi man lang sila pinagpapawisan ni mapagod." Sabing muli ni Elder Winfrey.

Iyon nga ang napansin nila. Hindi madaling mapagod, magaling makipaglaban, matatapang, matatalino, at malalakas. Kailangan pa ba silang subukan? Iniisip ni Elder Winfrey na ang grupong ito ang mangunguna sa pagsubok sa batch ng mga recruit sa taong ito. Hihintayin na lamang niya ang pagdating ng grupong ito sa Main ng Wynx Academy.

Kahit madilim na nagpatuloy parin ang pagtatanggap ng mga kabataang examinee. Sina Steffy ang kahulihulihang sumubok.

Ang test nila ngayon ay kung gaano kalakas ang kanilang mga Mysterian ki at kung anong elemento ang kaya nilang kontrolin gamit ang Mysterian ki.

Dahil sa sabik malaman ni Elder Winfrey kung gaano kalakas ang mga Mysterian ki nila hinintay niyang matapos sina Steffy bago magpatuloy. Kaya lang natuklasan niyang sobrang hina ng kanilang mga Mysterian ki. Kaya nadagdagan lamang ng 5 points ang kanilang score.

Si Mika naman na nag-iwan ng magsusubaybay kina Steffy ay napangiti.

"Mahina daw ang mga Mysterian ki ng grupong iyon. Tiyak na sa branch Academy sila mapupunta." Masayang sabi ng kanyang alalay na ikinangiti niya.

"Kailan gaganapin ang first elimination ng mga branch students?" Tanong niya.

"Sa ikaapat na araw na po Lady Mika." Sagot ng alalay niya.

"Siguradong kasali na ang mga baguhang iyon sa elimination. At titiyakin kung magiging inutil sila pagdating ng mga araw na iyon." Nakangiti sambit ni Mika.

Ipinasok naman sina Steffy sa isang dormitory ng Branch Academy. Kasing laki na ng syudad ang nasasakop na teritoryo ng Wynx Academy. Ngunit ang mga paaralan nito ay nahahati sa tatlo. Isang branch Academy, isang Main Academy na nakatayo sa gitna ng buong lugar na nasasakop ng Wynx Academy. At ang Wynx Military Academy na nakatayo sa pinakamatayog na bahagi ng nasabing teritoryo. Nasa silangang bahagi ito ng Wynx Academy teritory at napapaligiran ng malawak na gubat.

Maaakyat lang ang bundok na ito gamit ang mga flying artifact o mga flying beast. Kaya bago pa man makakapasok sa Wynx military Academy, kailangang magkaroon muna ng flying artifact o flying beast ang mga estudyante, para gamitin sa pagpunta sa Wynx Military Academy. Bago din makakapasok rito kailangan munang gumraduate sa Wynx Academy.

Nagsipasukan na sina Steffy sa kanilang mga silid. Tiglilimang estudyante sa bawat silid. Naging magkakasama parin naman sina Steffy at ang mga kagrupo niyang mga babae sa iisang silid. Ganon din sina Rujin at ang apat pang mga kasama. Nagpahinga na muna sila at hinintay ang susunod na mga pagsubok.

***

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon