Laglag panga naman ang mga sundalo, mga bihag, maging ng mga Hanjenian.
Nasaan na ang hinihintay nilang turuan ng leksyon si Steffy? Bakit ang boss pa nila ngayon ang nagkakandarapa sa pagtakbo?
Nasaan ang cold at aroganteng boss nila? Bakit dalawang pipit lang kinatatakutan na?
Makalipas ang ilang minuto, nakatakip na lamang ng dahon ang birdie at pwetan. Nakakalat naman ang punit-punit na damit sa paligid.
Para na ring binagyo ang buhok. Nakayuko siya ngayon habang sinisikap na matakpan ang dapat takpan.
"Patawad na. Pangako, magpapakabait na talaga ako." Pakiusap ni Lucid na kaharap na ngayon si Steffy.
Sinikap ni Lucid noon para mahigitan ang lakas ni Steffy para kapag darating ang araw na magkatagpong muli ang kanilang landas hindi na mauulit pa ang nangyari sa kanya dati.
Dumoble na nga ang lakas ni Lucid kaysa noong unang pagtagpo ng landas nila ni Steffy pero dumoble din naman ang lakas ni Steffy at nagiging dalawa na rin ang pipit nitong walang awang umatake sa kanya.
Dati, sinisisi niya ang poong maykapal kung bakit siya binigyan ng lakas na kakaiba sa lahat. Pero ngayon, nagsisisi siya kung bakit di pa mas lalong pinalakas ang kapangyarihan niya para wala ng sinumang makakapanakit sa kanya.
Pinagpapawisan naman ang mga sundalo ng Wynx maging ang pintong bandido. Ilang ulit pa silang napapalunok ng laway.
Nagpasalamat na nangangamba na baka gawin din sa kanila ni Steffy ang ginawa niya sa mga Hajeniang ito.
"Mabuti nalang talaga at di natin siya ginalit. Kung nagkataong sinaktan o nasaktan natin siya baka mas malala pa sa mga Hanjenian na iyan ang mararanasan natin." Sambit ni Rave.
Si Dero naman lalo lang pinagpawisan. Sino bang mag-aakalang ang batang makulit pa ang siyang magliligtas sa kanyang buhay at ang magliligtas sa kanilang buhay?
Ang inaakala nilang bata lang at gusgusin pa, hindi lang iyon, napakaingay na nga at napakakulit pa ang siya palang makakapagligtas sa kanila sa kapahamakan.
Si Arrow naman kinakabahan din.
"Hindi na ulit ako tatanggap ng misyon. Paano kung may katulad pa niya sa mundong ito ang madudukot natin? Kung si Steffy pinalampas lang yon, pero pa'no kung ibang Mysterian?" Sabi ni Arrow.
Kahit ang mga kasama napatango din sa sinabi niya.
"Makadukot na nga tayo, iyon pang mas mapanganib kaysa sa mga halimaw. Para na rin nating tinatahak ang daan papuntang kamatayan kung ganito." Sagot naman ni Fan.
Gusto man nilang magsisi pero huli na.
"Kuya Feyu. Magsilabasan muna kayo." Bigla nalang sambit ni Steffy.
Nagulat naman ang tatlo kung paano at kailan sila natuklasan ni Steffy.
Agad ding nagpakita sa pag-alalang mapaparusahan sila.
Tatlong napakalakas na aura ang bumalot sa buong paligid. Saka lumitaw sa paningin ng lahat ang tatlong mga lalaking di nila nakikita ang kulay ng mga aura pero ramdam nila ang malakas na pressure na nanggagaling sa katawan ng tatlong mga lalaking ito.
"Arizonian!" Gulat na sambit ni Heneral Histon na nanlalaki ang mga mata.
Ang mga kasuotan ng tatlong mga misteryosong Mysteriang ito ay may nakaburdang kulay puti at itim na mga dragon na nagkadugtong ang mga ulo't buntot at napormang infinite symbol. May pulang espadang nakatusok sa dalawang magkarugtong na dragon.
Ang ganitong logo ay makikita sa mga protector ng isang Arizonian Royal Guard.
"Mahal na prinsesa. Alam mo naman palang nasa paligid lang kami, ba't di ka man lang nagsabi?" Sambi ni Feru at napanguso.
Mahal na prinsesa.
Parang bombang sumabog sa pandinig ng mga Hanjenian maging sa mga sundalo at mga kasama nila ang salitang mahal na prinsesa.
Halos himatayin na sila sa gulat nang biglang sumulpot ang tatlong protector galing sa legendary warrior clan tapos maririnig nilang tinawag nilang Mahal na prinsesa ang gusgusing shidang binihag lamang nila (referring to the 7 bandits), hinuli (referring to the Wynx soldiers), at hinarang (referring to the Hanje City's citizens)?
Anong gulo ba itong pinasok nila? Isang pitik lang naman pala ng gusgusing shidang ito tiyak na katapusan na nila.
Saka kung manggulat di ba pwedeng one at a day lang? Bakit one at every minute pa? Kakayanin pa kaya ng puso nila?
"Baka mamaya matuklasan nalang natin na tagapagmana siya sa isa sa limang invincible clan. Ayoko na. Ayaw ko pang mamatay sa sobrang gulat." Sabi ni Fan na tinapik-tapik pa ang dibdib para mapakalma.
Inutusan naman ni Steffy ang tatlong protector niya na pulutin lahat ng mga nilabas na mga treasures ng mga Hanjenian.
Pagkatapos mailagay sa mga storage ring na dala nila, inabot agad ito kay Steffy.
"Dalhin niyo si Lucid sa Arizon palace para di na makakagawa pa ng anupang pagkakamali."
Arizon palace.
Ang palasyo ng mga legendary warrior na matagal ng naglaho sa paningin nilang mga Mysterian.
"Dalhin din sa Monsterdom ang mga mamamayan ng Hanje na ito."
Monsterdom.
Kahariang pinamumugaran ng lahat ng uri ng mga halimaw at walang kahit isang Mysterian na nakakapasok ang nakakalabas pa sa Monsterdom.
Isang kahariang kinatatakutan ng mga Mysteriang ito. Kaya nang marinig ang Monsterdom, hindi lang sila nagulat kundi nakaramdam din ng kilabot.
"Mahilig kasi silang gumawa ng mga halimaw. Kaya naman, ipapadala ko sila sa lugar na kaharian ng mga halimaw para malaman nilang marami na ang mga halimaw sa mundo kaya di na nila dapat dagdagan pa."
Kung kanina'y muntik ng himatayin sa gulat ang mga Hanjenian matuklasang isang prinsesa ng Arizon clan si Steffy, ngayon naman gusto na nilang himatayin sa sobrang takot.
Mahirap na ngang maka-survive sa lugar na iyon noong may mga kapangyarihan pa sila, ngayon pa bang wala na silang mga kapangyarihan?
Isang katamtamang vortex ang bigla na lamang lumitaw mula sa kung saan. Hinigop nito ang nakatulala pa ring City Lord na si Floro at ang mga tauhan nito maliban kay Rud.
"Magmula ngayon ikaw na ang magiging City Lord ng Hanje." Si Rud na kanina pa nakaawang ang bibig sa sobrang gulat, hindi na magawang itikom ang bibig.
"Ba-bakit po ako mahal na... Mahal na..."
"Dyosa."
"Bakit ako pa Mahal na Dyosa?" Nanayong bigla ang mga balahibo niya nang banggiting mahal na dyosa dahil gusgusin ang kaharap. Ngunit nabigla rin ang puso niya sa gulat dahil kakampi niya ang mga Hanjenian na iyon pero bakit sila lamang ang naparusahan samantalang siya, binigyan na nga ng gamot, gagawin pa siyang City Lord ng Hanje?
"Biro lang po. Tawagin niyo lamang akong Steffy." Bawi ni Steffy.
"S-steffy." Nauutal na bigkas ni Rud.
Pero agad pinalitan ng kamahalan dahil sinamaan siya ng tingin ng tatlong mga protectors.
"Kamahalan." Tawag niya kay Steffy. Napahinga siya ng malalim makitang di na masama ang tingin ng tatlong Arizonian protectors sa kanya.
Agad na lumuhod si Rud.
"Kamahalan. Isa po akong masamang Mysterian. Kaya hindi niyo po ako dapat tinatrato ng ganito. Mas nararapat po akong parusahan kamahalan." Sabi ni Rud.
"Buti alam mo." Sambit pa ni Feyn.
"Pasalamat ka at wala rito ang Hari ng mga Zaihan dahil kung nandito pa, baka matagal ka ng nalitson. Makaatake na nga kayo iyon pang prinsesa ng mga Zaihan." Sabi naman ni Feru.
Tuluyan namang nawalan ng mga malay ang mga sundalong hindi na kinaya ang gulat.
Bago pa man makahuma ang pitong bandido, napaupo na sila sa sobrang gulat.
"Hindi ko na kaya ang gulat. Dapat pala hindi nalang ako nakinig nang sa ganoon hindi magugulat ng ganito ang mahina kong puso." Nanghihinang sambit ni Fan na nakahawak na sa dibdib habang nakaupo sa lupa.
***
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasyRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...