Steffy 147: Meeting another group of soldiers

873 73 12
                                    


Nakarating sila sa sentro ng Hanje City at nakitang mas malala pa ang nangyari sa buong paligid.

"Tingnan niyo. Parang dinaanan ng bagyo ang buong paligid." Sambit ni Spear.

Inilibot nila ang paningin sa buong paligid. Wasak ang lahat ng mga gusali at wala ring ni isang halaman ang nakatayo. Walang makikitang mga bangkay pero kapansin-pansin ang mga preskong dugo sa paligid.

Heeyah! Heeyah!

Napatigil sila makarinig ng mga yabag ng mga kabayo at sa mga sigaw ng kung sino.

Balak sana nilang magtago pero may mga nilalang na bigla na lamang nagsisulputan at pinaligiran sila.

Tumigil ang mga nakakabayo sa tapat nila. Nakatingala si Steffy sa napakakisig na Heneral ng grupo ng mga sundalong ito. Hindi tuloy niya napansin ang nakausling bato kaya natisod siya rito at nadapa. Nakain tuloy niya ang alikabok sa lupa.

"Kahit kailan talaga ang lampa mo!" Sabi naman ni Yunic. Hindi makapaniwala na ang prinsesang kani-kanina lang ay hinangaan niya, may pagkalampa pala.

Tinulungan naman siyang makatayo ni Blade.

Ready to fight naman ang anim pang mga kasama.

"Mag-iingat kayo baka pain lang ng mga kalaban ang mga iyan." Sabi ng Heneral sa mga tauhan nito.

"Sino kayo? At ano'ng ginagawa niyo sa lugar na ito?" Pero sa halip na sumagot nagpapantasya pa ang anim.

"Yung helmet niya. Magkano kaya yan kapag ibenta?" Sambit ni Arrow.

"Ang cool ng sapatos o. Parang gusto ko ring magsuot ng ganyan." Nagdi-dreamy face na sambit ni Sharp.

"Ang haba ng espada at ang ganda ng lalagyan. Sana magkaroon din ako ng ganyang espada." Sambit din naman ni Sword.

"Ano kayang pakiramdam makapagsuot ng ganyang uri ng kasuotan?" Dagger thought.

Si Steffy naman napanganga. Bakit nakikita niya ang limang version ng lima niyang mga lokong mga kasama?

"Kahit saan yata ako mapunta dala-dala ko parin ang virus ng mga lokong yon? Biruin mo, nahawa agad ang mga bandidong ito?" Sambit pa niya sa isip maalala sina Rujin at iba pa. Natitiyak niyang ganito rin ang magiging reaksyon ng apat maliban kay Sioji na sanay ng makakita ng mga magagarang sandata at mga battle armor.

Napakunot naman ang noo ng Heneral. Bakit kasi mukhang manghang-mangha pa sa kanila ang grupong ito sa halip na matakot o ba kaya mag-iingat sa kanila?

"Hulihin sila!" Utos niya sa mga kasama.

Tiningnan naman ng pito si Steffy. Dahil hindi nanlaban si Steffy, hinayaan nalang din nila ang sariling maigapos sa isang espesyal na uri ng lubid.

Ang sinumang maigapos sa lubid na ito ay di na makakagamit ng kapangyarihan.

Tinalian din ng mga sundalong ito ang wrist ni Steffy.

"Ito lang ang pantali niyo? Nang-iinsulto yata kayo e. Pangtuta lang to." Nakangusong reklamo ni Steffy.

Bakit kasi igagapos na siya iyon pang marupok na lubid? Bakit di nalang kadena?

"Aba't. Gawa ito sa special na bagay. Kala mo naman kung sino kang malakas." Sabi ng isang sundalo na patuloy siyang tinatalian.

Pagkatapos talian ang kamay ay umalis na ang sundalo.

"Di mo tatalian ang paa ko?" Tanong pa ni Steffy na ikinatigil ni Rave.

Hindi na niya tinalian ang paa ni Steffy dahil iniisip niyang bata lang ito at imposibleng makakatakas siya sa lubid na ito.

Inutusan ni Rave si Dero para isakay sa sasakyan ng mga bihag na babae si Steffy.

Isa itong parisukat na hawla na may dalawang gulong at hinihila ng isang magic beast.

"Sakay!" Halos itulak na ni Dero si Steffy na muntik na nitong ikadapa.

Ang tatlong invisible na nilalang naman umusok agad ang mga ilong.

"Aba't ang lakas ng loob niyang tratuhin ng ganyan ang prinsesa? Papatayin ko siya e. Sabihin niyo lang? Papatayin ko na ba?" Sabi naman ni Feyn.

"Relaks lang naman." Sagot ni Feru pero makitang tinulak ni Dero si Steffy siya naman ang akmang lumapit.

"Wag niyo akong pigilan. Papatayin ko ang lapastangang nilalang na yan. Sino siyang hawakan ang kamahalan at itulak pa? Ipapakain ko siya sa dragon." Hinila naman siya ni Feyu.

"Bawal tayong pumatay. At nandito tayo para pigilan si Steffy sakaling lalabas ang bloodlust niya hindi para tulungan siyang magkasala." Pampakalma ni Feyu.

Pero nang makitang akmang sampalin ni Dero si Steffy siya na naman itong muntik ng mapasugod.

"Ang lakas ng loob niyang saktan ang ating kamahalan. Tuturuan ko siya ng leksyon." Siya na naman itong hinarang ng dalawang kaibigan.

"Relaks lang. Langgam lang yan sa paningin ng kamahalan. Wag mo ng pansinin." Pampakalma ni Feyn.

Saka nila naalala na mga langgam nga lang pala ang mga ito na kahit ano mang oras ay pwedeng pitpitin o tirisin ng kamahalan nila.

Napatango pa sila pero pinagpawisan agad nang may maalala.

"Paano pag nagalit ang kamahalan?" Panabay pa nilang sambit at napalunok laway.

"Wag lang niyang galitin ang kamahalan dahil pag yon ang magiging dahilan at dadami ang pagsubok niya para sa pagbabalik sa Mystic land, tutustahin ko talaga ang kaluluwa ng nilalang na yan." Sambit pa ni Feru.

Masisi ba nila si Dero kung nakakapikon naman kasi ang kamahalan nilang ito?

"Aray! Dahan-dahan naman. Sipain kita diyan e." Ganyan ba kasi kumausap sa Mysteriang bumihag sa kanya? Bihag na nga ang siga-siga kung magsalita.

"Ano!" Galit na sigaw ni Dero na halos umusok na ang ilong.

"Aba't bingi ka pala e."

Akmang sampalin si Steffy.

"Dero bata lang yan." Awat naman ng Heneral nila.

Napangiti naman agad si Steffy makitang muli ang gwapong Heneral na ito.

"Hi poge! Ang gwapo niyo po. May katipan na po ba kayo? Ako wala pa." Sabi niya pa sabay ngiti ng matamis at kurap-kurap ng mga mata.

Nanindig naman ang mga balahibo ni Dero makita ang pagpapakyut ng maruming batang ito.

"Hindi ka man lang ba nakaramdam ng takot?" Kunot-noong tanong ni Dero.

Takot kaya sila sa cold nilang heneral.

"Sa kanya hindi. Pero sayo oo. Siya kasi poge ikaw panget." Panunubok naman ni Steffy.

"Aba, papatayin na talaga kita."

"Isakay mo na siya sa sasakyan." Utos ulit ng Heneral makitang sasabog na sa galit si Dero.

"Masusunod po Heneral." Magalang niyang sagot at sinamaan ng tingin ang gusgusing si Steffy.

"Sakay!" Sabi niyang muli rito na may nagbabantang mga tingin.

"Anong sakay? T*nga ka ba? Kita mong puno na o pinapasakay mo pa ako dyan?" Siksikan na kasi ang mga sakay sa hawlang ito.

"Papatayin na talaga kita. Kanina mo pa ako iniinis."

Lalo namang tumamis ang ngiti ni Steffy. Paboritong-paborito talaga niyang inisin at pikunin ang mga nilalang na mabilis mainis.

"May daga!" Biglang sigaw ni Steffy na ikinatalon naman ni Dero sa gulat.

"Waah! Ah! Saan-saan." Tarantang sambit niya pa. Kasunod nito ang malakas na tawa ni Steffy.

"Hahaha! Uto-uto." Dahil don gusto na talaga siyang sakalin ni Dero kundi lang nakatingin ang Heneral baka kanina pa niya ginawa

"Ano na naman ba iyan Dero?" Tanong naman ni Rave na bumalik sa gawi nila, mapansing di pa nagagawa ni Dero ang iniutos sa kanya.

Si Rave ang Captain sa squad kung saan nabibilang si Dero. Parehong under sa pamumuno ni Heneral Histon.

"Takot po kasi sa daga iyang sundalo niyo. Siya kaya ang dagang sinasabi ko." Nakangising sagot ni Steffy.

***

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon