Steffy 195: Gagawing alipin

754 77 12
                                    

Agad ipinukos ni Steffy ang atensyon sa mga vines makitang may mga patak na ng dugo ang pumatak sa mga inaapakan ng dalawang bantay.

Pinakiramdaman niya ang enerhiya ng mga vines at inisip na parte sa kapangyarihan niya ang enerhiyang ito at inisip na bitiwan na ang mga bantay at si Karl. Ilang sandali pa'y natanggal ang mga vines na nakagapos sa dalawang guwardiya kaya lang punit-punit din ang mga kasuotan nila na nababalot na ngayon ng dugo.

Natanggal din ang vines na nakagapos kay Karl na ikinahinga nito ng maluwag.

"Yung buntot mo." Sabay turo ni Steffy sa junior ni Karl na nakita na pala. Agad naibaba ni Karl ang tingin saka napamura. Natanggal din pala ang tuwalya niya. Mabuti na lang at natakpan na ngayon ni Kurt ang kapatid kaya di na ito makita ng iba maliban sa kanila ni Steffy.

"Butuytoy yun hindi junior." Angal ni Gellian na kanina pa pala dumating. Agad itong dumapo sa balikat ni Steffy.

"Manok yon. Hindi butuytoy." Kontra ni Steffy. Sino ba kasing nagturo kay Gellian na tawaging butuytoy ang junior ng mga lalake?

"Sabi ni Lucid, butuytoy noong nahuli ko siyang umihi." Sagot ni Gellian.

"Buntot sa harap." Sagot naman ni Jewel.

"Hindi yan buntot, jewel yan ng mga lalaki." Sagot ni Steffy.

"Mas malaki ako no at mas cute sa jewel niya." Sagot naman ni Jewel.

Si Karl naman gusto ng ibaon sa hukay ang katawan sa sobrang hiya at di na kailanman lalabas pa.

Parehong namumula ang mukha ng magkapatid sa usapan ng mga munting agilang ito at ng kanilang amo.

Kung sa iba pang pagkakataon at narinig nilang nagsalita ang puting pipit na ito baka kanina pa sila nagulat. Pero sa pagkakangayon, ang pinagtutuunan nila ng pansin ay ang pagkomento nito sa junior ni Karl na di dapat banggitin.

"Katapusan na natin." Sambit ni Esan.

"Sana naman hindi tayo ipapatay ng Emperador." Sambit din ni Evan na di na pinansin ang pananakit ng katawan dahil sa tindi ng takot. Nakita kasi nila ang hubad na katawan ng ikalawang prinsipe. Higit sa lahat, di nila nagampanan ng mabuti ang kanilang tungkulin bilang kawal ng Wynx tower na ito.

Hinubad naman agad ni Kurt ang kanyang coat na ikinahinga ng maluwag ni Karl.

"May puso din naman pala si Aji Kurt." Karl thought at hinintay na ibalot ni Kurt ang coat sa kanya iyon pala tinapon lang sa ulo ni Steffy kaya natakpan ng coat ang buong katawan ni Steffy at di na nito makita ang nakahubad na si Karl.

"Aish! Sayang ang view." Sambit ni Steffy na pilit na tinatanggal ang malaking coat sa kanyang ulo. Si  Karl naman gusto ng maiyak. Langyang kapatid to, di man lang siya tinulungan. Aantay-antay pa siya sa iba naman pala binigay ni Kurt ang coat nito? Gusto tuloy niyang itanong kung magkapatid ba talaga sila o ampon lang siya?

Agad nilapitan ni Kurt ang kapatid at mabilis silang naglaho. Naalis na rin ni Steffy ang coat na nakatakip sa kanya. Napahinga siya ng maluwag makitang naglaho na ang dalawa. Naglakad na siya paalis nang may tumawag.

"Tigil!" Sigaw ni Anna. Hindi niya ito pinansin na ikinagalit pang lalo ni Anna. Lumutang si Anna sa hangin sakay ng kanyang flying swords patungo sa gawi ni Steffy.

"Di ba sabi ko tumigil ka?" Sabi niya na nakaharang na ngayon sa daraanan ni Steffy.

"Di dahil sinabi mo susundin na kita. Ano ka Mahal na Poon?" Poon o Bathala ay ang sinasamba ng mga Mysterian na tinaguriang Diyos na lumikha sa mundo ng Mysteria.

"Gusto mo ba talagang mamatay? Pagbibigyan kita." Sabay atake kay Steffy gamit ang kanyang espada. Kasunod nito ang pagtilapon niya palayo at bumangga sa pader ng tore.

"Ops! Sorry po. Napalakas e." Sabi ni Steffy saka kumaripas ng takbo.

"Habulin siya." Utos ni Mika na agad namang sinunod ng labinlimang mga kasama.

Balak sanang personal na parusahan ni Vioren ang grupo nina Steffy pero inutos ni Kurt na magiging alipin na lamang sina Steffy sa mga kabataang chosen ones na naririto sa Wynx Academy. Wala siyang magawa kundi sumunod. Si Kurt ang pinakabatas ng Wynx Academy at siyang susunod na magmamay-ari sa paaralang ito kaya naman sino ba siya para umangal?

Balak pa naman sana niyang ipasuli kina Steffy ang mga perang kinuha nila kina Mika pero maisip na na nasa mga kamay na ito sa mga namamahala sa Myrtle's Inn, naisip niyang sa ibang paraan na lamang niya papagbayarin sina Steffy.

Nasa misyon pa ngayon ang kadalasang mga kilalang mga mag-aaral at mga Elders ng Wynx Academy dahil sa biglaang pag-atake ng mga Dethrin sa iba't-ibang parte ng Hariatres. Habang hindi pa sila nakakabalik, susulitin niya ang pagkakataong siya pa ang may pinakamataas na posisyon sa lugar na ito.

"Nahuli na po ang mga bratty students." Sabi ng isang senior students.

"Nasaan na sila?" Tanong niya.

"Dinala na po sila sa abandoned courtyard." Sagot ng estudyante.

Ang abandoned courtyard ay ang tahanan ng mga estudyanteng itinakwil ng Wynx Academy o mga estudyanteng nakagawa ng mga kasalanan. Pinarusahan sila at ginawang mga alipin. Hangga't hindi nila mababayaran ang mga kasalanan nila, hinding-hindi sila makakalabas ng Wynx Academy at hindi rin makakapag-aral.

"Sabihin mo, na magsisimula na bukas ang kanilang trabaho at wag na wag niyo silang dalhan ng mga pagkain." Utos niya pa.

"Masusunod po Elder Vioren." Sagot ng estudyante. Yumuko muna bago umalis.

Si Steffy naman na nanonood mula sa kinauupuang sirang kama ay napangiti.

"Elder Vioren." Sambit niya pa.

"Sino yon?" Tanong ni Aya. Tiningnan pa ang pader na tinitingnan ni Steffy pero wala naman siyang makitang nakasulat sa pader na ito.

Tinawag kasi sila kanina ni Steffy at pinapunta sa lugar kung saan naghihintay ang mga guro ng Wynx Academy. Kundi lang sa pag-alala niyang baka madadamay sina Lenera sa mga kalokohan nila hinding-hindi sila magpapakita.

"Master ni Mika ang matandang yon kaya balak ipaghiganti ang disipulo." Sagot ni Steffy at ikinuwento sa mga kasama ang mga narinig niya.

"Susunugin ko ang matandang yon." Sabi ni Sioji at tumayo para hanapin ang Elder Vioren na yan.

"Wag muna ngayon." Sagot ni Steffy.

"May balak siyang masama sa atin." Nakatagpo na ang mga kilay ni Sioji habang sinasabi yon.

"Hindi na natin sila kailangan pang sunugin o anupaman. Papatayin natin sila sa tindi ng galit." Nakangiting sagot ni Steffy.

"Oo nga no. Ang talino mo talaga pinsan." Puri ni Sioji sa pinsan.

"Palibhasa sa pagpapainit ng ulo lamang kayo magaling." Asana said and rolled her eyes.

"Of course!"

"Natural!" Sambit nina Steffy at Sioji na halos magkasabay pa.

"Excited na ako." Masiglang sambit ni Hyper na halatang nasasabik ng gumawa ng kalokohan.

"Sabihin niyo muna ang first plan." Sabi ni Geonei.

"Yung misyon natin wag na wag niyong kalimutan." Paalala naman ni Arken.

"Bukas na natin iisipin yun. Ang problema ay ang matutulugan natin." Sabi ni Izumi. Wala kasing maayos na kama at kwarto sa lugar na ito. Ang dumi-dumi pa ng buong paligid.

"No problem. Balak niyang maging impyerno ang buhay natin di ba? Pwes ibibigay natin sa kanya." Sabi ni Steffy na di nila naiintindihan. Basta ang alam nila kapag nakangiti si Steffy may mag-aapoy talaga sa galit pagkakatapos.

***

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon