"Umatake na kayo." Seryosong utos ng lalaking nakaitim na maskara. Agad namang nagsitanguan ang mga naka-black suit na nilalang.
Mahimbing na natutulog ang ibang mga misyonaryo at walang kamalay-malay na may mga aninong mabilis na pumasok sa mga tent nila.
Kahit ang tatlong bantay hindi man lang napansin ang aninong papalapit sa kanilang likuran.
Matapos patulugin ng red team captain ang tatlong bantay, dahan-dahan siyang lumapit sa tent ng kids team.
Sinilip niya ang mga kabataan sa loob at nakitang hindi pa sila natutulog. May pinapanood silang eksena sa isang parisukat na kwadrong gawa sa liwanag. Sa ibaba ng kwadrong ito ay isang kulay puting bato kung saan nanggaling ang puting liwanag. Tinatawag nilang miliskren ang puting batong ito. Ito ang ginagamit ng mga Mysterian kung gusto nilang manood ng palabas.
Ang mga palabas sa lugar na ito ay hindi katulad sa mundo ng mga tao na inaarte ng mga artista kundi real life na palabas ang mapapanood sa miliskren nila. Mga recorded best real scene sa Mysteria ang ipinapalabas sa miliskren.
"Bakit palage nalang mga Dethrin ang laman ng mga palabas? Wala man lang bago?" Sambit ni Hyper mapansing pawang mga tungkol sa mga Dethrin ang nilalaman ng palabas. May iilan pa silang nakikitang nagsasanay na mga Dethrin at may palabas rin kung paano sumali sa organisasyon na ito.
"Sa Dethrin channel ka naman kasi. Ilipat mo nga sa Wynx channel." Sabi naman ni Aya. Ni-swipe ni Hyper ang transparent screen at nagbago ang eksena.
"Nagsisimula na pala ang yearly recruitment ng mga estudyante ang Wynx Academy." Sambit ni Asana.
"Saka naghahanap din sila ng mga royal guards para sa Wynx prince?" Tanong naman ni Rujin.
"Woah! Ang ganda ng paaralan nila." Manghang sambit ni Shaira. "Gawa sa mga mamahaling bato."
"Alam niyo bang hindi natatablan ng kapangyarihan ang mga batong yan?" Dagdag niya pa.
"Maganda ba yan? Ordinaryong bato lang naman yan e." Nakangusong sambit ni Rujin.
Ang mga tinaguriang rare stone ng Mysteria nakikita naman kasi sa loob ng Naicron Academy. Inaapak-apakan lang at walang may balak pumulot. Lalo pa't nakarating na si Rujin sa palasyo nina Sioji na gawa sa highest level magic stone ang buong palasyo. Pinaka-bihira kasi ang mga magic stone at hihigit pa ang halaga ng lowest level magic stone sa mga precious stone ng Mysteria.
Walang halaga sa mga mata ng mga Naicronian lalo na sa mga Chamnian ang mga precious stone ng mga Mysterian kaya naman wala lang sa kanila ang makakita ng paaralan na gawa sa rare stone ng Mysteria katulad nalang sa paaralan ng Wynx na gawa sa mga mamahaling bato.
Muntik ng makaangal si Rio sa narinig. Rio, ang red team captain.
"Ordinaryong bato? Mysterian ore ang batong yan. Pinaka-bihira na bato sa Mysteria. Bihira lang ang nakakakuha ng Mysterian ore at masyado itong mahal at napakahalaga nito tapos sasabihin lang nilang ordinaryo?" Sambit niya ngunit lalong nagulat sa sumunod na sinabi ni Geonei.
"Tinatapon nga lang yan sa Academy namin e." Rinig niyang sabi pa ni Geonei. Natapilok tuloy si Rio sa narinig.
Mapansing tumahimik na ang kids team muling sumilip si Rio. Nakita niyang nanonood parin sila ng palabas.
"Kailan ba matutulog ang mga batang to?" Sambit niya pa.
"Aatake nalang kaya ako?" Sambit niya sa isip at papasok na sana sa tent nina Steffy nang may nagsalita.
"Kuyang Captain! Anong ginagawa mo diyan sa labas?" Muntik na tuloy siyang matapilok sa narinig.
Napakunot ang kanyang noo at nagtataka.
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasyRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...