Steffy 116: Isa ding pinili

927 64 0
                                    

Habang kausap ng hari ng Norzian ang grupo nina Asana, nakita nilang tulog na ang isa sa kanila. Isa sa mga opisyal ang hindi nakapagpigil at tinanong kung bakit hindi nila ginising si Steffy ngunit sabay-sabay na tumalim ang tingin ng mga kabataang Naicronian at naramdaman nila ang mabigat na pressure sa paligid na ikinapanindig ng kanilang mga balahibo at ikinakapos ng kanilang mga hininga. Wala ring imik ang hari dahil batid nitong wala din silang laban kapag nagalit sa kanila ang grupo ng mga kabataang ito.

"Bakit kayo pumayag na dito pumunta ang prinsipe na iyon mahal na hari?" Tanong ni Asana.

"Dahil nangako ang kanilang Emperador na tutulungan nila ang Emperialta laban sa mga palihim na umaatakeng mga Dethrin." Sagot ng hari at napabuntong-hininga.

"Sa lahat ng mga kaharian sa Emperialta, ang Norzian, Ifratus at Zilcan na lamang ang hindi pa nasasakop ng mga Dethrin at iyon ay dahil sa tulong niyo. Ang Perzeton na siyang pinakamalakas na kaharian sa Emperialta, masyado ng magulo sa ngayon.

Ang totoo, hindi lang kayo nandito para i-escort ang kamahalan kundi ang tulungan ang mga mandirigma sa pagsugpo sa mga nanggugulong mga Dethrin."

"Alam kong wala akong karapatang mang-utos sa mga katulad niyo pero kung maaari lang sana tulungan niyo kami. Nakikiusap ako." Nagulat ang lahat sa biglaang pagluhod ng kanilang hari. Ang hari na hindi lumuluhod sa kahit sino at siyang niluluhuran, nakikiusap ngayon sa mga kabataang ito?

Nang makita ni Ruffin ang pagluhod ng kanyang ama, lumuhod na din siya. Kaya naman napasunod na lamang ang iba.

Nagkatinginan naman sina Asana na halatang nagulat na nagtataka. Gusto nilang magtanong kay Steffy kaso alam nilang hindi ito maaaring disturbuhin.

"Steffy naman o. Di ngayon ang oras ng paglalakbay mo." Sambit ni Asana bago harapin ang mga Norzian na ito.

"Alam naming malaki ang kasalanan ng mga Mysterian sa mga Arizonian. At wala silang balak tumulong. Kaya nandito ako at lumuhod. Nakikiusap sa inyo. Tulungan niyo kami." Pakiusap ng hari ng Norzian. Wala na siyang pakialam sa kanyang karangalan bilang hari. Kung kailangan niyang lumuhod para sa kaligtasan ng kanyang kaharian gagawin niya. Kung kailangan niyang bumaba sa trono kapalit ng katahimikan at kaligtasan ng kanyang nasasakupan, hindi siya magdadalawang isip na bumaba sa trono para sa ikakabuti ng lahat.

Kahit nangako man sina Asana na tumulong ngunit hanggang saan at hanggang kailan? Ang hinihiling ng hari ay ang pangmatagalang tulong at suporta ng mga Naicronian. At sana muling mapabilang sa lugar na pinoprotektahan ng mga Naicronian.

"Kung maaari sana, ibalik ng mga Naicronian ang proteksyon na ibinigay nila sa kahariang ito. Ibalik ang harang na naghihiwalay sa Norzian sa ibang kaharian at magiging kabilang na muli ang aming kaharian sa kahariang nasasakupan ng Arizon." Ang pinakadahilan kung bakit nangangamba ang hari, dahil batid niyang wala na ang proteksyon ng Arizonian sa kanilang kaharian. Magmula nang maparusahan ang nakaraang piling tagapagwakas, naglaho ang harang na naghihiwalay sa Emperialta at sa ibang kontinente.

Naglaho rin ang harang na nagpoprotekta sa Norzian laban sa ibang kaharian. Kaya kahit sino na ang maaaring maglabas pasok sa kahariang ito. Naglaho ring bigla ang mga Naicronian na siyang tumutulong lage sa kanila sa bawat panahong kailangan nila ng tulong lalo na kapag may lumaganap na epidemya, may nangyaring mga sakuna o ba kaya may mga problema sa kaharian na hindi kayang solusyunan ng hari.

Ang kahariang ito ay ang kahariang ibinigay ng ninuno ng Arizonian na siyang ninuno ni Haring Yuji, sa isang pinagkakatiwalaang mandirigma ng Arizon. Ang ninuno nina Haring Finner na siyang unang namuno at bumuo sa kahariang ito, ay isa lamang sa libo-libong mandirigma ng mga Arizonian. Nanatili ring ligtas ang kahariang ito sa tulong at proteksyon ng mga Arizonian ngunit unti-unting nagbago ang lahat nang sa halip ay magpasalamat sinisisi ng mga Norzian at iba pa ang mga Naicronian na hindi agad nakakarating sa oras ng kanilang pangangailangan na tila ba responsibilidad sila ng mga Naicronian at trabaho ng mga Naicronian na pagsilbihan sila. Dahil ang mga Naicronian ang inatasan ng Arizon na siyang gagabay at tutulong sa mga Norzinian at iba pang mga kaharian sa Emperialta.

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon