Steffy 231: Hindi nag-aalala

804 82 17
                                    

(I'm sorry for not updating for a long time again. Kala ko kasi nakakamove on na ako sa toxic relationship, hindi pa pala. Ang sakit pa rin pala. 😅😅😅✌️✌️✌️. Nakaka-down sa sarili e. Mas mabuti pang magwattpad nalang ako. Papaiyakin man ako ni Wattpad hindi niya ko lolokohin at sasaktan. Papangitiin pa nga niya ako paminsan-minsan. 😁😁😁 Enough na sa drama, back to the story na tayo.)

***
May iilang mga Mysterian ang hindi nakalikas agad dahil sa biglaang pag-atake ng mga Hanaru sa Hariatres, kaya naman nagkakandarapa sila ngayon sa pagtakbo.

Isang bata ang matatamaan ng higanteng bolang apoy na ikinasigaw ng mga nakakita.

Bago pa man tumama ang apoy sa katawan ng bata, may isang nilalang na gawa sa mga maliliit na bato ang katawan ang kumuha sa bata at nilayo sa lugar na ito.

May mga katawan pang gawa sa mga dahon at mga alikabok ang humaharang sa sinumang mga Dethrin na umaatake sa mga civilian. Lahat sila ay may tatak sa dibdib na SMZ.

"Atake!" Sigaw sa isa sa apat na heneral na naatasang mamuno sa mga Deijo warriors na may 200 tawsan ang bilang.

Ngunit nagtaka siya dahil wala ni isa man lang sa mga 200 tawsan Deijo warriors na nasa pamumuno niya ang gumalaw na ikinalingon niya sa mga ito.

Sobrang sama na ng kanyang mukha dahil parang nasa disco ang mga ito at nagsisayawan. Wala na ang formation na matagal nilang pinag-aralang mabuo. Nagsisayawan lang ang kanyang hukbo na tila ba may malaking party.

"Huy! Sabi ko umatake na kayo. Bakit kayo nagsisayawan?" Dumagundong ang boses na sigaw ng nagngingitngit na sa galit na heneral na halos umalingawngaw na sa mga kabundukan.

"Anong ginagawa nila? Seremonya sa digmaan?" Tanong ni Dremin na isa sa mga nagiging heneral ngayon na namumuno para harapin ang mga kalabang lumusob.

Abala naman ang grupo ni Kurt sa mga Dethrin na nakapasok na sa pinakaunang syudad ng Wynx Empire. Ang malala, dahil kapag nasusugatan ang mga kalaban naglalaho silang bigla at may bago na naman na papalit sa mga naglahong mga kalaban.

Pinakawalan ng mga core students ang kanilang mga tunay na enerhiya. Ganon na rin si Kurt. Ang lahat ng mapapalapit sa kanila ay mamamatay. Dito nalaman ng lahat kung ano ang tunay na lakas ng mga core students. Ang mas ikinagulat ng mga nakasaksi ay dahil lahat sila ay may mga pakpak at nakakalipad maliban kay Ruffin. Si Ruffin na walang pakpak ngunit nakakalipad.

Nang mapansin ng mga Dethrin na mauubos sila dahil sa mga core students na walang sawang pumatay ng mga Dethrin naisipan nilang umatras.

"Malalakas nga kayo ngunit natitiyak kong sa susunod, mga kakampi niyo na ang magiging kalaban niyo. Tingnan natin kung makakaya niyo pa bang lumaban." Sabi ng heneral ng mga Dethrin warriors bago naglaho isa-isa ang mga Dethrin sa paligid.

"Ano ang ibig niyang sabihin?" Tanong ni Karl at lumipad palapit kay Kurt. Kapansin-pansin ang mga golden dust na naiiwan ng kanyang mga pakpak.

"Siguradong sa mga oras na to, wala na ang paaralang ipinagmamalaki ninyo. Hahaha!" Ang narinig nilang boses na umalingawngaw sa buong paligid.

"Ang Wynx Academy." Sambit ni Kurt at mabilis tiningnan ang mga sugatang mga kasamahan.

Tanaw niyang marami paring mga nakakalat na mga halimaw sa paligid. At may mga Deijo warriors parin ang natitira. Kaya lang sa ngayon nagsasayawan lamang ang mga Deijo Warriors kung saan sila nakapwesto.

"Nalinlang tayo." Sambit ni Zync.

"Kailangan nating makabalik agad." Sambit ni Kurt.

Mapansing medyo mahihina ang mga Dethrin ang mga umatake sa kanila ngayon, naisip nilang baka hindi pa ito ang tunay na hukbo ng mga Hanaru ngunit hindi nila inaasahan na nasa Wynx Academy na ang tunay na hukbo ng mga Hanaru. Wala rin silang nakitang kahit isang Hanaru na kasama sa mga nakalaban nila kanina.

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon