Steffy 198: Bagong alipin

735 72 5
                                    

Nagsitigil naman sa mga ginagawa ang mga estudyanteng nagsasanay at makikita sa mga mata nila ang tuwa, mangha at pang-iidolo sa mga Mysteriang paparating. Galing ang mga Mysterian na ito sa kasalungat na direksyong pinanggalingan nina Steffy.

"Nandito ang mga core students."

"Ha? Saan? Woah. Ang itinakdang prinsipe ba yan? Ang gwapo pala talaga niya."

"Nakita ko na din sila sa wakas."

"Ayan na! Ayan na sila. Hawakan niyo ko. Hihimatayin na yata ako."

Ito ang mga sinasabi ng mga kababaihang nagpapantasya sa grupo ng mga core students na paparating. Ni di nila napansin ang grupo nina Steffy dahil nakatuon ang pansin nila sa mga core students na ito.

Makikita naman sa mga mata ng mga kalalakihan ang paghanga at inggit makita ang grupo ng mga core students na ito.

Makakasalubong ngayon nina Steffy ang grupo ng mga core students na iniidolo ng mga estudyante ng Wynx Academy. Pinamumunuan ito ni Prince Kurt, at sa gilid niya ay ang nakataas noo niyang kapatid na si Karl. Sa likuran nila si prince Zync, prince Gryn, prince Ruffin at ang mga top students ng Wynx Academy na sina Qinch at Izu.

"Panget ba talaga ang pangalan ko?" Biglang tanong ni Zync.

Kahapon pa niya iniisip kung talagang panget nga ba ang kanyang pangalan. Sabi ng kanyang ina na special daw ang pangalan niya dahil kakaiba daw ito at walang kahit sinong makakagaya rito. Tapos maririnig niya mula sa iba na pinakapangit pala ang pangalan niya?

"Hindi mo pa pala nahahalata yun?" Sagot naman ni Karl na mahilig mambara at pinaka-isipbata sa kanila at siya ring pinakabata.

"Halata na nga bakit mo pa tinatanong?" Sagot din ni Gryn. Pero umasim ang mukha makitang nagpipigil na naman ng tawa sina Ruffin, Qinch at Izu.

Sinamaan ni Gryn ng tingin ang tatlo pero mas lalo pa silang natawa.

"Ehem. Patawad na. Di lang talaga ako makakalimot na naglaho ang pantalon mo at yung..." Di matapos-tapos ni Ruffin ang sinasabi dahil natatawa talaga siya, kaya si Qinch na ang nagtuloy.

"Brief mong pink. Pink pare." Sabay kagat ni Qinch sa bibig para di makatawa.

"Sinabi ng wag niyo na yang banggitin. Gusto niyong sabihin kong naipit ang ari mo Qinch, sa zipper mo dahil napunit ang suot mong pangloob?" Ganti din ni Gryn na ikinasama din ng mukha ni Qinch saka naalala ang lapastangang nagpunit sa kanyang kasuotang pangloob.

"Kapag talaga makita ko ang lapastangang shidang iyon, pagpipira-pirasuhin ko talaga ang kanyang laso." Nanggigil niyang sambit.

Naliligo kasi siya kahapon sa hot spring. Ipinatong niya ang mga kasuotan sa bato kaso tinangay ng hanging dala ng higanteng uwak na lumapag malapit sa kinaroroonan niya. Nakita ni Aya ang brief na papunta sa gawi niya kaya agad na kinuha ang kanyang laso at pinatama sa bagay na iyon at nilapag pabalik sa kinalalagyan ng mga kasuotan ni Qinch. Kaya lang, napunitan ito.

Nagmamadali namang umahon at nagbihis si Qinch dahil sa intruder na bigla na lamang pumasok sa kanyang tinitirhan na maituturing na teritoryo niya sa Wynx Academy na ito. Sa pagmamadaling magbihis di niya napansin ang nabutas na bahagi ng kanyang brief. Nahiyaw na lamang siya nang may naipit.

Siya namang pagdating ni Izu at ikinuwento pa sa mga kaibigan ang natuklasan kaya nalaman ng buong barkada ang nangyari sa kanya. Ang laso lamang ni Aya ang natatandaan niya at hindi ang mukha ni Aya dahil kumaripas na ito ng takbo bago pa man niya mamukhaan.

Habang nagngingitngit sina Gryn, Qinch at Zync sa mga karanasan kahapon, narinig nila ang nanggigil na boses ni Karl.

"Aji, wag na wag mo akong pigilan. Tuturuan ko ng leksyon ang babaing yan." Sabi ni Karl at tinuro ang grupo nina Steffy sa di kalayuan.

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon