Steffy 206: Anak ng Dean

816 64 1
                                    

"Hulihin sila at ilayo sa lugar na ito." Utos ni Elder Vioren sa mga kawal na nagbabantay sa Main Hall. Isang kawal ang lumapit kay Steffy at akma siyang hawakan. Agad namang umiwas si Steffy kaso bumangga siya sa kung sino. Napahawak siya rito.

Bigla na lamang may mga alaalang pumasok sa isip niya. Mga alaalang hindi kanya kundi sa sinumang Mysteriang hawak niya ngayon.

Napabitaw siya at napaatras makita ang pamilyar na batang pamilyar sa kanya. Ang batang nakita niya noon sa libro ng Mysteria. Tinangay ang batang iyon ng itim na higanteng dragon. At nasa alaala ding iyon ang batang mukha niya na umiiyak habang sinisigaw ang isang pangalan na hindi naririnig ng nagmamay-ari ng alaala kung ano at sino ang tinatawag niya.

"Wala akong alaalang ganito. Hindi dahil sa binura ko pero wala talaga ito sa alaala ko. Pero natitiyak kong ako ang batang umiiyak na yun." Napatingala siya sa sinumang nahawakan niya.

Nagulat siya makitang ito ang lalakeng Arkian na pinaghihinalaan nilang isang Mystican. Gulat din ang makikita sa mga mata ni Hairu at napatingin pa sa mga kamay.

"Tayo na Hairu." Sabi ng kasamang Arkian at hinila na si Hairu papasok sa loob ng Main Hall.

Nagsiatrasan naman sina Asana palayo kay Steffy makitang may faint na scarlet na aura ang lumalabas mula sa katawan ni Steffy. Hindi ito nakikita ng sinumang nasa expert pababa ang level ng kapangyarihan. Kaya maliban kina Asana at sa sinumang nasa invincible level na kapangyarihan ang siyang makakakita lamang sa aurang ito.

Nag-alala silang baka bigla na lamang silang magiging bato o ba kaya mauubusan bigla ng enerhiya sa katawan.

Muling nilingon ni Hairu si Steffy bago tuluyang pumasok sa loob. Isinara namang muli ng mga kawal ang malaking pintuan.

Muli sanang lalapit ang kawal para hawakan si Steffy.

"Mawawalan ka ng kapangyarihan kapag hinawakan mo ako." Sabi ni Steffy na ikinatigil ng kawal.

Wala siyang nakikitang masamang binabalak ang kawal sa kanya. Gusto lang nitong ilayo siya sa lugar na ito dahil trabaho nilang wag guluhin ang pagpupulong ng mga pinuno sa loob. Kaya naman pinaalalahanan niya ito.

"Ano pang hinihintay niyo? Bakit hinahayaan niyo ang mga aliping ito?" Naglakad palapit si Elder Vioren kay Steffy dahil siya ang nauuna sa kanilang sampo.

"Bawal ang mga alipin at mga makasalanang kriminal sa lugar na ito kaya umalis na kayo ngayon din!" Mariing utos niya na sobrang talim ng mga tingin kay Steffy.

"Paumanhin po." Hinging paumanhin ni Steffy dahil alam niyang hindi siya dapat na narito dahil nasa importanteng lugar sila at nasa seryosong pagpupulong din ang mga Mysterian sa loob na di dapat magambala.

Nagkatinginan naman sina Asana dahil seryosong Steffy ang nasa harap nila ngayon. Sa palagay nila biglang nagiging santo ang pasaway nilang kaibigan. May imaginary angel's halo pa silang nakikita sa tuktok ng ulo ni Steffy. Pero syempre, imahinasyon lamang nila iyon. 

Bahagyang kumalma ang mukha ni Elder Vioren dahil sumunod agad sa kanya sina Steffy.

"Buti naman at alam niyo kung saan kayo lulugar. Wag niyong pangaraping maabot ang bagay na di niyo kayang abutin." Sabi niya na may mga ngiti sa labi.

"Ano bang pinagsasabi ng matandang to?" Sambit ni Rujin.

Tinawag muli ni Steffy si Hisren ngunit hindi parin siya nito sinasagot. Tapos ramdam pa niya ang wari nanghihinang enerhiya ng kuya Histon niya at ang abnormal na enerhiyang nanggagaling kay Hisren.

Napaisip si Steffy. Dati, tanging ang mga nakakainom lamang sa dugo niya at sa mga nilalang na nakainom sa mga gawa niyang mga gamot ang mararamdaman niya kung ano ang nangyayari sa kanila. At sa sinumang nagtitiwala at tumatawag sa kanya kapag nangangailangan ang mga ito ng tulong.

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon