Steffy 232: Emperador Kelvin's Flashback p.o.v

827 67 10
                                    

Napatingin ang Emperador kina Steffy at Kurt na nagbabangayan pa rin. Naalalang bigla ang huli nilang pag-uusap ni Steffy.

Isang gabi bago dumating ang mga Hanaru biglang sumulpot si Steffy sa silid ng Emperador. Nagulat si Emperador Kevin sa biglaan niyang pagsulpot.

"Bakit ka nandito?" Tanong ng Emperador na biglang napaupo mula sa kanyang kinahihigaan. Naisip kung gaano na ba kahina ang harang sa kanyang palasyo at sa kanyang kwarto para mapasok ng kung sino-sino lang.

"May gusto po kasi akong sabihin." Seryosong sagot ni Steffy.

Napatitig naman ang emperador kay Steffy. Maraming mga katanungan sa kanyang isip ngunit pinili na lamang niyang manahimik na muna.

"Sabihin mo. Makikinig ako." Sagot niya.

"Kamahalan." Panimula ni Steffy.

"Hmm."

"Ampoge niyo po pala." Kung kanina'y seryoso ngayon naman napalitan ng pagkamangha ang mga mata.

Napaubo ang Emperador nang wala sa oras.

Seryosong-seryoso na nga kasi ang mukha ni Steffy kanina tapos sa huli iyon lang pala ang sasabihin?

"Ehem. Hindi naman siguro iyan yung pinakagusto mong sabihin di ba? Pumasok ka sa silid ng isang Emperador na katulad ko para lang sabihin iyan?" Tanong niyang muli.

"Seseryoso na po. Promise." Sabay peace sign ni Steffy.

"May dowry po ba si Kurt? Magkano naman po?" Kung nakatayo lang si Emperor Kevin baka kanina pa siya natapilok.

"Meron. Dapat galing mismo sa babaeng mapapangasawa niya at hindi sa mga magulang ng babaeng mapapangasawa." Sagot niya na sinasabayan lamang si Steffy sa trip nito. Nakita niyang nata natahimik si Steffy at napaisip ng malalim.

"Wala akong perang pinaghirapan ko e. Maaari ba yung mga ninanakaw?" Inosenteng tanong ni Steffy.

Malapit na talagang mawala ang pagka-cool ng Emperador dahil sa batang ito.

"Syempre dapat yung pinaghirapan naman."

"Pinaghirapan ko din iyong nakawin no. Mas nakakakaba kayang mahuli kaysa sa maghanap ng trabaho para magkapera."

Emperador: "..." Ipapakulong ko na kaya ang batang ito?

"Iba ang halaga ng perang nakuha sa masamang paraan, nagbibigay kamalasan iyon. Kung gusto mo ng good blessing, dapat iyong pinaghirapan mo at nagmula sa mabuting paraan." Paliwanag ni Emperador Kevin.

"Ay ganon? Tamad-tamad ko pa naman." Nakangusong sambit ni Steffy pero muling nagliwanag ang mukha nang may naisip. "Kung ganon po ba pwede installment  muna?"

Emperador: "..." Installment? May dowry ba na dapat installment?

Si Shinnon na papasok sana dahil may ibabalita sa Emperador kanina pa pinipigilang tumawa. Kahit ang mga shadow guards ng emperor talagang yumuyugyog na ang mga balikat sa kakapigil tumawa.

"Hindi ba dapat ako ang magtatanong sayo ng ganyan sakaling magkamabutihan kayo ng anak ko?" Tanong ni Emperador Kevin nang maibalik ang pa-cool look niya.

"Ako po kasi ang manliligaw sa future tapos siya ang ikakasal sa akin. Tapos siya ang magiging Arizon este Hanja." Katwiran ni Steffy.

"Bakit napunta na sa Arizon ang usapan naming ito? Paano na yan? Mapapalitan na ba ang apelyido ng anak ko? Hindi pwede, papaalalahan ko ang isang yun na siya ang manliligaw. Dapat bilis-bilisan na niya para hindi siya ang maliligawan." Sambit ng Emperador sa sarili.

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon