"Anong nangyayari?" Tanong agad sa magtuturo na si Frendel makitang nakasimangot na papalapit sa gawi nila sina gurong Chan at gurong Leno.
"Alam niyo bang napakayabang ng mga mag-aaral sa lugar na ito?" Bungad ni gurong Leno.
"May mga lapastangan na estudyante kasi sa lugar na ito at hinamak pa ang Wynx Academy ni di nila ginagalang ang Emperador ng Wynx Empire." Sagot din ni Gurong Chan.
"Nangako akong hinding-hindi na tayo tatanggap ng mga estudyante galing sa mahinang lugar na ito. Kaya mas mabuti pang bumalik na lamang tayo sa Wynx Academy." Nanggigigil paring sabi ni gurong Leno.
"Ito ba ang sinasabi mong magandang paaralan? E wala ngang mga galang ang mga nag-aaral dito." Sabi pa ni Leno kay Lord Hisren.
Ilang sandali pa'y dumating si Luimero na pinagpapawisan.
"Lord Hisren, may nagpatawag po sa inyo." Hinihingal niyang sabi. Hindi siya takot sa mga representatives ng Wynx Empire, mas takot siya sa batang nag-utos sa kanya.
"Aba. Sino kayong basta-basta lang kung tawagin si Panginoong Hisren?" Sigaw ni Leno.
"Kita niyo na, kahit guro nila rito walang pinagkaiba sa mga estudyante. Mga walang galang." Tinuro pa ni Gurong Leno si Luimero.
"Humingi ka ng tawad ngayon din." Utos niya pa.
Para sa kanila, nakakataas at tinitingala si Lord Hisren at hindi kung sino-sino lamang ang maaring pwedeng makipagkita o makipag-usap sa kanya. Kailangang may appointment ang sinumang may gustong makipagkita sa kanya. Tapos ang gurong to, ang lakas ng loob na sabihing pinatawag ng kung sino ang Dean ng Wynx Military Academy at siya pang City owner ng lugar na ito?
"Talaga? May nagpatawag sa akin?" Tanong ni Hisren. Wala pang sinumang naglalakas ng loob na patawagin siya maliban sa Emperador ng Wynx. Napatingin siya sa mga gurong kasama niya. Ang iilan sa mga ito ay ang mga guro ng Servynx Academy.
"Ano bang pinagsasabi mo?" Tanong ng isang guro ng Servynx kay Luimero.
"Hindi pa ba sapat na ginalit ng mga estudyante mo ang mga guro ng Wynx pati ba naman ikaw?" Sabi naman ni Elder Chin. Ngunit parang walang narinig si Luimero.
"Pinapatawag ka ni Steffy, Lord Hisren." Pag-uulit nito.
"Nahihibang ka na nga. Di dahil sa pinatawag siya ng estudyante mo dapat na siyang pumunta. Sino ba siya sa akala mo ha?" Sigaw ni Gurong Leno.
"Ano ulit ang sabi mo?" Nagulat sila dahil napatayong bigla si Lord Hisren at halatang nagulat ito.
"Pinapatawag ka ni Steffy. Kapag di ka pa raw darating ng five minutes-" hindi natapos ang nais sabihin nang magsalita ulit si Hisren.
"Bakit di mo sinabi agad?" Halos pasigaw nitong sabi at tumakbo na palayo hanggang sa maglaho sa paningin ng lahat.
"Hanggang ngayon ba naman, hindi parin nawawala ang pag-ooras ng batang yon?" Sambit pa nito. Pero bumalik din ulit sa tapat ni Luimero.
"Saan nga pala siya? Ihatid mo na ako sa kanya bilis?" Hindi nga pala niya alam kung nasaan si Steffy.
Bago pa man maglimang minuto, dumating na rin si Lord Hisren sa tapat nina Steffy na nasa office na ni Luimero ngayon. Nakaupo siya sa upuan ni Luimero at naka-cross legs na nakatingin kay Lord Hisren.
"Saan si Steffy?" Hinanap agad sa paligid kung nasaan si Steffy. Nakita niya ang mga batang Naicronian na nakatagpo nila noon sa Red forest na ikinagulat niya. Hanggang sa mapadako ang tingin sa kabataang nasa 13 years old na nakaupo sa upuan ni Luimero.
Ang anyong palaging ginagamit nina Steffy ang muli nilang ginamit nang lumabas sila sa silid ni Luimero noon. Matapos mapansin ang reaksyon ng mga guro at mga estudyanteng nakakita sa kanila. Naisip nilang mas nakakabuting ang mga ordinaryo nilang mga hitsura ang kanilang gagamitin para hindi gaanong nakakaagaw ng pansin.
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasyRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...